Minsan Lang Kitang Iibigin
Chapter: 13
"Naks, everyday may flowers!" Tukso ni Lester at dinampot pa ang bulaklak na naka bouqet.
"Aba, iba na yan ahh!" Segunda ni Mark.
"Mukhang, nililigawan mo na siya araw- araw?" Si Larry.
"Natuka ka na ba?" Si Nathan na tumawa pa, kaya natawa na din ang tatlo.
"Nakakaloka kayo, tumigil nga kayo ahh." Sabay iling ni Alex.
"Eh bakit ka may flowers?" Pangungulit ni Lester.
"Mabait si Kierra, maalaga at masipag. Higit sa lahat, mapamahal na ina kay Shan, naisip ko na... Bigyan siya ng favorite niya, gusto ko iparamdam na si Adrian nasa tabi niya."
"Si Adrian nga ba? Hindi si Alex?" Tanong ni Nathan.
"Ikaw talaga Nathan, sabi ko naman sa inyo— ginagawa ko eto para sa kambal ko." Sabay ngiti niya.
"Teka, may plano ka ba para sa next month na birthday ni Shan?" Singit ni Larry.
"Ay oo nga, 6 years old na si Shan." Si Lester.
"Pag uusapan namin ni Kierra, mas okay siguro na magpa party tayo, pero syempre need ko approval ng ina." Tumayo na siya at kinuha ang bulaklak. "Mauna na ako sa inyo." Hindi na niya hinintay na sumagot pa ang mga kaibigan at diretso na siyang lumabas sa opisina.
"Alam ninyo, nafe-fetch ko lang— panu kapag si Alex ang nainlove?"
Napatingin ang lahat kay Lester.
"May one month na silang nagsasama, pero mukhang normal lang ang lahat." Sambit ni Mark.
"Whag if, talagang hindi na magbabago si Alex?" Patanong din ni Larry.
"Tingnan na lang natin, once na magising na si Adrian." Tugon ni Nathan.
*******
"Adrian?"
"Yes?" Sabay tingin niya kay Kierra. "Why?"
"Sabi ng teacher ni Shan, may family day program daw. At kailangan na umattend tayong dalawa."
"Oh, sure kelan ba?" Tanong niya.
"This friday daw." Tugon ni Kierra.
"Sige, bukas i check ko schedule ko. Para ma i-adjust ko na." Nakangiti niyang tugon at muling bumalik sa ginagawa.
Ngumiti si Kierra at lumapit. "Sa totoo lang, sobrang sipag mo. Trabaho na sa office, trabaho pa din dito."
Muli niyang tiningnan si Kierra. "Syempre para sa future ninyong mag ina."
"Hindi naman kailangan Adrian, lalu at kasama ka na namin." Sabay hawak sa kamay niya.
Napatigil si Alex at tumingin kay Kierra.
"Ang mahalaga, buo na tayo. Magkasama, atlis yun pa lang future na."
Napatitig si Alex kay Kierra, napaka simple lamang ng nais nito sa buhay. Marahil ang pagiging mapagkumbaba nito at simple ang minahal ng kanyang kakambal.
Pansin niyang nakatitig din si Kierra sa kanya, hanggang sa lumapit ang mukha nito. Alam niyang hahalikan siya ng babae, imbes na umiwas siya ay pumikit siya nang dumampi ang labi nito.
Isang malambot at mainit na labi ang dumampi sa labi niya, hindi niya alam kung paano siya tumugon sa halik nito, hindi din niya alam kung gaano katagal naghinang ang kanilang mga labi.
Unang kumalas si Kierra, napatitig pa siya kay Adrian. Hinaplos niya ang mukha nito.
Napadilat si Alex, naging sunod-sunod ang kanyang paglunok.
"Matutulog na ako." Paalam ni Kierra at lumabas na sa study room nito.
Pagkalabas ay sumandal siya sa upuan, napahawak siya sa kanyang labi. Pinakiramdaman niya maigi ang sarili pati ang halik nito. "O baka dahil, matagal lang kami hindi nagkita." Bulong niya at napapailing na tumungo sa kanilang kwarto.
Napalunok muli si Alex at tila napatigil, bigla siyang napahawak sa kanyang dibdib sobrang lakas ng kabog nito. Na para bang tumakbo siya ng napakalayo kaya bumilis ng sobra ang tibok ng puso niya. Napailing siya at kinuha muli ang ballpen, muli na siya nag check ng mga materyales na nakalagay sa list na binigay ni Nathan sa kanya.
**********
#AuthorCombsmania
BINABASA MO ANG
Minsan Lang Kitang Iibigin (Completed)
RomanceCould be Alex find his true love? 'Yan ang madalas niyang madinig sa mga kaibigan. Tila napag-iwanan na siya ng panahon at umaasa na isang araw ay may lalaking tatanggap sa kanyang pagkatao. He focused to his career lalu at may isang Shan siyang ina...