4: Love's sucks

22 1 0
                                    

Love's sucks

[Elisha]

Triggered warning: abuse

"Ka-boring, walang schedule ang music club ngayon," bagot na bagot na wika ni Adriel habang nagpipitas ng mga dahong nadadaanan namin.

Pagala-gala lang kami sa buong school dahil lunch break namin at walang ganap ngayon sa music club kaya wala kaming mapaglibangan.

"Punta tayo library."

Sabay-sabay kaming napatingin kay Charlie. Sino bang mahilig mag-library sa aming apat? Wala.

Puwera na lang kung may sisilayan.

Makahulugan kaming tumingin kay Charlie at mukhang nakuha niya kung ano ang ibig-sabihin ng tingin namin na iyon.

Tinaas niya ang dalawang kamay niya na animo'y sumusuko. "H-hindi ko sisilayan si Elle, promise! Bawal na bang mag-aral nang mabuti, ha?!"

Ngumising aso si Adriel. "Binanggit ba namin pangalan ni Elle? Gago pre, lakas ng tama mo," aniya sabay halakhak.

"Tangina niyo talaga," ani Charlie sabay iwas ng tingin.

Natawa si Grey at inakbayan si Charlie na masama na naman ang tingin sa aming tatlo. "Tara boy, samahan natin 'to sa library, MAG-AARAL daw eh," diniinan ni Grey ang salitang 'mag-aaral'.

Ngumisi ako at napailing-iling. I clearly can see that he still have a care for Elle after what happened. I thought he's been already moved on, base on how he acts yesterday. But that was just my thoughts.

"Tara na sa library, siguraduhin mong libro sisilayan mo, hindi tao." Dinuro ko si Charlie. "Love is really sucks..." mahinang bulong ko pa bago nagpaunang maglakad papuntang library.

"That was not love! I just like her, idiot!" Pahabol pa na sigaw ni Charlie.

I just smirked while walking and put my hands on my pocket.

Hay, nakakatamad naman ang araw na 'to.

Nang makapunta na ako library ay naramdaman kong nakasunod kaagad ang mga kasama ko. Hindi karamihan ang mga andito ngayon sa library. Hindi ko na matandaan ang huling punta ko rito sa boring na library na 'to. Ngayon na lang ako ulit nakapunta.

Bumaling ako kay Charlie na limilinga-linga sa kabuoan ng library. "Oh, hanapin mo na librong sisilayan mo," aniko sabay siko sa kaniya.

Bumungisngis si Adriel at inakbayan si Charlie. "Akong bahala dito. Sisiguraduhin kong magbabasa 'to nang mabuti," ani Adriel.

Sa badtrip ni Charlie ay pabagsak niyang tinanggal ang pagkakaakbay sa kaniya ni Adriel at sinipa ang paa ni Adriel dahilan upang mapangiwi si Adriel.

"Tangina, oo na nga, eh! Hindi ako magbabasa dito! G-gusto ko lang makita si Elle," medyo lumakas ang boses ni Charlie dahilan upang mapatingin sa amin ang mga estudyanteng payapang nagbabasa sa kani-kanilang table. Pati na rin ang masungit na librarian na ngayon ay masama na ang tingin sa amin.

Napatikom kaming apat.

"If you all have nothing sensible to do here in the library, just leave. Hindi ito ang lugar para magharutan." Malumanay ngunit matalim ang boses na wika sa amin ng librarian.

Hindi kami umimik. Palihim namang siniko ni Adriel si Grey na animong sinesenyasan itong magsalita.

Napaubo muna si Grey bago nagsalita. "Sorry po."

TandaWhere stories live. Discover now