10: Secrets

10 1 0
                                    

10: Secrets

[Elisha]

"Langya kayong mga bata kayo. Niloko niyo ko! Ngayon pati ang bar nadamay!" Galit na singhal sa amin ni Kuya Paning. Ang manager ng bar na pinupuntahan namin.

"Sir, kumalma po muna tayo. Antayin natin mga magulang ng mga bata para makapag-usap tayo nang maayos," sabi ng police at pinaupo si Kuya Paning.

Nilingon ko si Kuya sa labas. May kinakausap siya sa phone at alam kong sila Mama 'yon. 

Napakuyom ang dalawa kong kamay. Dinala kami rito sa police station at kanina pa galit na galit sa amin si Kuya Paning sa naidulot namin. Kanina pa kami naghihintay dito sa station na dumating ang mga magulang namin.

Tangina, tiyak na iba-banned kami sa mga bar.

"Pucha, sinumbong tayo ng Kuya mo?" Frustrated na ani Adriel na kanina pa walang masabi sa nangyayari.

Napahilot ako sa sentido at walang salitang lumabas sa bibig ko. Galit na galit ako. Parang tahanan namin ang bar na iyon, tapos ganito ang mangyayari. Sobrang laki ng kahihiyan ko sa mga kaibigan ko kapag nalaman ko mismo sa bibig ni Kuya na siya ang may pakana nitong kaputanginahan na ito.

Bumuntong-hininga si Charlie. "Tangina hindi tayo p'wedeng ma-banned sa bar..." Pagod na aniya at napahilamos sa mukha.

"Sinabi mo ba sa Kuya mo na pumupunta tayo sa bar?" Grey said seriously.

Ginulo ko ang buhok ko at inalala kung may sinabi ba ako kay Kuya tungkol doon. Kinagat ko nang mariin ang labi ko at nagsalita. "Wala. Wala akong sinasabi sa kaniya..." Nauubusan na ako ng salita sa sitwasyon na ito.

Muling bumuntong-hininga si Adriel. "Putangina hindi pwede 'to..." 

Habang pinagmamasdan ko ang mga kaibigan ko ay lalong mas umaatake ang galit ko. Wala akong mukhang maihaharap sa kanila kung ako ang magiging dahilan ng pagtigil namin sa pagtugtog sa bar na iyon.

Hindi ko na natiis pa ang sarili ko at nagtatagis-bagang akong lumapit kay Kuya. "Ano, ito ang gagawin mo sa akin matapos ilang beses mo akong pinagtakpan kila Mama?! Ito ba ang kapalit no'n, Kuya?!" Halos hingalin ako sa galit.

Seryoso siyang tumingin sa akin. "Elisha, hindi ko na kaya ang kalokohang pinaggagawa mo. Sa tingin mo hahayaan ko 'to?! Elisha bar 'yon, hindi palaruan. Alam mo nang bawal ang minor doon, pero anong ginagawa niyo? Nagpapanggap na nasa tamang edad na?" Tumaas ang boses niya sa galit. "Pumasok ka sa sitwasyon na 'to, you must face your consequences!" Dagdag niya pa.

Mas lalong uminit ang ulo ko sa galit. "Oo alam ko, hindi ako mamang! Pero hindi mo kami kailangang paabutin dito sa prisinto! Ganiyan ba kababa ang tingin mo sa akin para isumbong mo pa ako sa mga pulis ha, Kuya?!" Wala na akong pakialam kung sobrang lakas na ng boses ko at halos sumigaw ako sa harap niya.

Magsasalita pa sana si Kuya pero natigil ito dahil may nagsalita sa likod ko.

"Long time no see, Elisha." Masayang bati nito.

Napatigil ako at halos hindi na maipinta ang mukha ko. Walang salitang lumabas sa bibig ko at naguguluhan lang akong tumingin kay Franz na animo'y masayang-masayang sa mga nakikita niya.

"Hindi pa tapos ang lahat, Elisha...tandaan mo 'yan."

Tila bumulong sa tenga ko ang huling banta sa akin ni Franz bago siya mapapunta sa DSWD noon. So, he really meant what he said that I just ignored. 

Naging malakas ang kutob ko na siya ang may pakana ng lahat ng ito.

Napatigil ako sa pag-iisip nang biglag dumating sila Mama pati na rin ang mga magulang ng mga kaibigan ko.

TandaWhere stories live. Discover now