25: Ala-Ala

9 0 0
                                    

Ala-ala

[Elisha]

Today is the day.

The big day.

Mabilis nga talagang lumipas ang oras  at akalain mo 'yon, ngayon na ang festival. Ilang linggo kaming nag practice sa pagtugtog nila mang Jim at Tanda. Naging smooth naman ang pagpra-practice namin, kahit na medyo nangangapa pa si Tanda since ngayon na lang ulit siya tutugtog sa maraming tao.

"Poppy, ang init naman ng damit na binigay mo sa akin, Diyos ko," bulalas ni Tanda habang inaayos ang kuwelyo niya.

Napangisi ako. Pinasuot ko kasi sa kaniya ang red checkered polo ko at tinalian ko siya ng black scarp sa ulo. Habang si mang Jim naman ay maong na jacket at may tali rin na black sa scarp sa ulo. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o macucute-an sa mga suot nila ngayon. Para silang matatandang rakista.

Sabi ko nga ay mag-lagay pa sila ng black lipstick sa labi kaso sinisimangutan na ako ni Tanda at baka mukha na raw siyang adik. Sabi ko kasi ako na ang bahala sa magiging suot nila at baka siguro innexpect nila na disente ang pasusuot ko sa kanila. Natatawa na nga lang ako, eh.

Tinulungan ko sa pag-aayos ng kwelyo si Tanda. "Haynako, Tanda. Tiis gwapo lang ang magagawa mo ngayon." Pang-aasar ko pa.

Tinabig niya ang kamay ko sa kaniyang kwelyo. "He." Simangot niya.

Natawa ako at umiling-iling. Lumapit naman ako kay mang Jim at kinuha ang mga hikaw ko sa bulsa. Masasabi kong malakas ang karisma ni mang Jim noong kapanahunan niya. Kahit na nakawheel-chair ay feeling ko mapapamangha niya pa rin ang mga tao sa talento niya. Lumuhod ako sa harap niya upang mapantayan ko siya.

"Mang Jim lagyan kita ng hikaw sa tenga, ha?" Tanong ko. Pansin ko kasi na may butas siya sa tenga.

Tulad ni Tanda ay hindi siya nagrereklamo sa ano mang ipapasuot ko sa kaniya. Ngumisi siya at hinarap sa akin ang kaliwa niyang tenga. "Oo ba. Naalala ko nung bata-bata pa ako tulad mo ay hilig ko rin ang maglagay ng maraming hikaw sa tenga." Natutuwa niyang kwento habang nilalagay ko na sa kaniya ang hikaw.

Kumpara kay Tanda, mas nakakasama ko sa kalokohan si mang Jim kaya si Tanda talaga ang palaging naaasar sa amin. Napalapit na rin ang loob ko kay mang Jim. Kung minsan nga ay nakikita ko siyang umiiyak mag-isa dahil nangungulila pa rin siya sa babaeng mahal niya na matagal na niyang hinihintay na makita muli. 

Ngumiti ako at nagthumbs-up sa kaniya. "Parehas pala tayo. Ganiyan ang dugong rakista."

Minsan nakakatuwa ring mag-alaga ng mga matatanda. Makikita mo madalas ang pagiging inosente nila.

"Tayo na at baka mahuli tayo." Singit ni Tanda.

"Yes boss," tugon ko at inayos ko na ang sarili ko. Naka black t-shirt lang ako at reap jeans. Marami rin akong suot na hikaw sa tenga at may tali rin sa ulo na red scarp. 

Hindi nagtagal ay pumunta na kami sa park kung saan kami tutugtog. Maraming mga tao at basaan ang tradisyon nila rito tuwing fiesta. Makukulay ang theme nila at halos lahat ng mga tao rito ay may mga paint sa katawan since colorful ang tradisyon nila. Nagbabasaan ang mga tao gamit ang makukulay na tubig. Hindi ko tuloy mapigilang ma-excite na tutugtog ako sa fiesta nila.

"Ready na ba kayo?" Masayang tanong sa amin nung nag-aayos ng sound system na gagamitin. Kita ko na naka-ready na ang gagamitin namin instruments. Ako tutugtog sa drums, sa gitara si Tanda, habang sa electric guitar naman si mang Jim.

"Opo, medyo kinakabahan lang." Malumanay sa sagot ni Tanda.

Sa maliit lang na stage kami tutugtog ngunit maraming mga tao ang nakapalibot sa amin. Ilang sandali pa ay pinapunta na kami sa mismong stage. Akmang pupunta na ako sa stage nang biglang may napansin akong nalaglag sa bulsa ni mang Jim.

TandaWhere stories live. Discover now