8: Pagtugtog

14 1 0
                                    

Pagtugtog

[Elisha]

Triggered warning: Suicide

"Sana magkatabi tayo mamaya, Elish. Alam mo na, share your blessing." Panlalambing ni Charlie sabay hilot ng balikat ko.

Napailing-iling na lang ako at hindi siya pinansin. Pinagpatuloy ko ang pagbabasa sa librong niririview ko. Narinig ko pa ang tawa nila Adriel sa likuran ko.

Ngayon ang exam namin. At sa buong buhay ko ngayon na lang ulit ako kinabahan nang ganito. Pinaghandaan ko ang exam na 'to, kaya hindi ako pwedeng bumagsak.

Nasa loob kami ngayon ng room at naghihintay sa exam namin. Paspasan ang pag-rereview ng ilan sa mga kaklase ko. Habang sila Adriel naman ay walang ginawa kundi ang magdaldalan ng kung ano-ano.

Alam nila kung gaano ko pinaghandaan ang exam na 'to. Nagrereview ako ngayon At kanina pa nila ako ginugulo, hindi ko na lang sila pinapansin. Pero malapit ng maubos ang pasensya ko sa panggugulo nila.

"Chill ka lang, boy. Kanina kapa seryoso diyan! Kabado bente ka, eh." Bulalas ni Adriel sa likuran ko. Bumungisngis naman si Charlie.

Nababadtrip ako sa mga biro nila ngayon.

Sa inis ko ay naibaba ko ang librong binabasa ko. "P'wede bang huwag niyo muna akong guluhin? Kailangan kong makapasa at kapag hindi ako nakapag-focus dahil sa inyo, hindi ko alam kung anong magagawa ko sa inyo." Huli na para pagilan ko ang mga sinabi kong iyon dahil halatang na-offend na sila sa sinabi ko.

Ilang sandaling walang umimik sa kanila at tila pinoproseso pa nila ang mga sinabi ko. Kahit ma-offend sila, wala akong babawiin sa mga sinabi ko.

Sarkastikong natawa si Charlie. "Teka lang ha. Nag-aral ka lang ng ilang araw, ganiyan na kababa ang tingin mo sa amin?"

Muli kong kinuha ang librong binabasa ko. "Wala akong sinabing gano'n." Walang emosyon kong sabi. Nasa tabi ko naka-upo si Charlie at sa likod ko naman naka-upo sila Adriel at Grey.

Naramdaman ko ang pagtayo ni Adriel at pumunta sa harap ko. "Gano'n na rin 'yon. Sa sinabi mo parang pinaparating mo na rin na istorbo kami sa pag-aaral mo kuno." Seryosong sabat niya. Diniinan niya pa ang salitang 'kuno.'

Tumayo na rin si Grey at hinawakan ang balikat nila Charlie at Adriel na seryosong nakatingin sa akin.

Bumuntong-hininga ako at kalmado akong tumingin sa kanila. "Kayo nagsabi niyan. Pero kung gano'n na nga, eh talaga naman. Sinabi ko na sa inyo na kailangan kong makapasa sa exam na 'to, pero anong ginagawa niyo? Habang nag-rereview ako ginugulo niyo ko? Sa tingin niyo, makakapag-focus ba 'ko?" May halong sarcastic ang tono ng salita kong 'yon.

Hindi makapaniwalang tumingin sa akin si Charlie. "Sorry, ha? Sorry kung bobo kami at ikaw nag-aaral! Nag-aral ka lang ng ilang araw nagmistulang anghel ka na? Ano ka, pa-play safe?"

"Boy, tama na." Mahinahong awat ni Grey.

"Eh, bakit totoo naman, ah! Nag-aral lang 'yan ng ilang araw, akala mo kung sinong matalino. Ni-hindi niya nga tayo masamahan man lang sa canteen para kumain kasi 'nag-aaral' daw siya. Ni hindi mo nga sure kung makakapasa ka ba talaga." Seryosong sambit ni Adriel.

"Boy, ano ba! Tama na!" Muling pag-aawat ni Grey.

Palihim kong kinuyom ang kamao ko. May munting kirot akong naramdaman sa loob ko, pero hindi no'n matitibag ang determinasyong binuo ko para sa pagkakataong ito.

Siguro nga sobra silang na-offend sa mga sinasabi ko kaya napuno na rin sila.

Nanatili akong kalmadong nakatingin sa kanila. "Akala ko maiintindihan niyo ako. Pero, mali pala. Ano bang ine-expect ko sa inyo?" Pagak akong natawa. At dahil doon mas lalo silang nainis. Nakita ko pa ang pagka-dismayang tingin sa akin ni Grey. Kinuha ko ang libro pati ang bag ko at tumayo. "Good luck sa exam."

TandaWhere stories live. Discover now