16: Sampu

9 1 0
                                    

Sampu

[Elisha]

"Hoy Ate gising!" Napabalikwas ako ng bangon sa pagkakatulog nang biglang may yumugyog sa  balikat ko. 

Pagkabangon ko'y bumungad sa akin ang limang bata na nakatingin sa akin. Nagising ang diwa ko at saka ko lang napagtanto na nakatulog pala sa ako sa bench dito sa park!

"Ate, sarap ng tulog mo diyan, ah." Bumungisngis ang mga batang nasa harapan ko.

Kumunot ang noo ko sa kanila. May hawak-hawak silang mga sako at sa palagay ko ay nangangalakal sila rito sa park. Madudungis sila at luma na rin ang mga damit. 

"Bangag ka pa Ate, matulog ka na nga lang." Tumawa sila nang malakas at akmang aalis na pero lumingon muna sila sa akin. "May muta sa mata!" Singhal sa akin ng isang bata at kumaripas sila ng takbo habang tumatawa nang malakas.

What the heck? 

Umagang-umaga mga batang malalakas ang trip ang bubungad sa akin? P'wede ko na bang lagyan ng 'good' ang morning ko.

Inunat ko ang katawan ko at ngayon ko lang naramdaman ang pangangalay ng buong katawan ko sa pagkakahiga rito sa bench. Kinapa ko rin ang mata ko kung may muta ba talaga at oo nga, meron. How honest naman ng mga bata.

Tinignan ko ang buong park at kakaonti pa lang ang tao. May mga nagjo-jogging at nagzu-zumba. Napahilamos ako sa mukha. Paano ko nagawang makatulog dito. Napagtripan pa ako ng mga bata.

Inalala ko ang mga nangyari kagabi at oo nga pala! Ninakawan ako, puta paano ko makakalimutan 'yon! 

Kulang na lang ay humagulgol na ako nang malakas habang umiiyak kagabi. Hindi ko na alam ang gagawin ko no'n. Para akong nawawalang bata sa rito sa park. Ang tanging gamit ko na lang dito ay ang mga damit ko at cellphone kong lowbat!

Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako rito sa bench. Buti nga walang nangyaring masama sa akin habang natutulog ako dito, eh. Ayos na rin, at least nakaraos ako ng isang gabi nang ligtas.

What now? Sumapit na naman ang umaga, so ano nang gagawin ko? Wala akong pera ni-isa, saan ako pupulutin nito. 

Bumuntong-hininga ako at napangiwi ako nang maamoy ako ang sariling hininga. Ang baho, punyeta hindi pa pala ako naglilinis ng katawan simula nung lumayas ako. Ramdam ko na rin ang lagkit ng katawan ko. Gusto ko nang maligo!

Grabe na talaga 'to. Wala na ngang pera, wala pang ligo. 

Sinukbit ko ang bag ko at naglakad. Tinignan ko ang cellhphone ko at 6:37 am na pala. Maaga pa kung kaya't malamig pa ang simoy ng hangin. Para na talaga akong pulubi sa sitwasyong kong 'to. Kailangan kong makahanap ng pera, hindi p'wedeng hindi!

Pero bago 'yon, kailangan ko munang maglinis ng katawan. Pero saan naman? Tangina.

Naglibot-libot ako sa buong park at may nakita akong  public cr. Kaagad akong tumungo ro'n ngunit bigo na naman nang makita ang nakapaskil doon. 

'IHI-5 PESOS   TAE-10 PESOS!'

Tanginaaaaaa may bayad. Ni-piso nga wala ako! Parang-awa niyo na lagkit na lagkit na ako. Kung may pera sana ako, doon ako sa may 10 pesos, kungwari tatae lang ako, para at least matagal-tagal oras ko sa cr. Eh ang kaso wala nga akong pera, punyeta.

Bigo akong umalis doon. Kailangan kong makahanap ng paraan. Napakamot ako ng ulo habang naglalakad. Naririnig ko pa ang tiyan kong nagwawala na sa gutom. Hay buhay naman talaga, oo.

Frustrated akong naglakad-lakad at maya maya ay nakita ko 'yung mga batang bumwisit sa akin kanina. Nangangalakal sila ng mga bote sa mga basurahan habang naghaharutan.

TandaWhere stories live. Discover now