24: Tala

18 1 0
                                    

Tala

[Elisha]

"ANAK ng teteng, pwede bang hayaan mo na ako?! Kahit ano'ng gawin mo, hinding-hindi ko bibitawan ang tindahang ito!"

Hindi naman ako siguro matuturing na chismosa sa puntong ito, 'no? I mean, ano'ng magagawa ko eh rinig na rinig ko ang matandang boss ko mula sa storage room habang nakikipag-away sa kausap niya sa cellphone?

Mukhang sa lagay na 'to ay mukhang mas dadagdag pa ang level ng pagkasungit ng boss ko sa sitwasyon niya ngayon. Kanina pa siya may kaaway sa cellphone niya. Tiyak na mabubuntungan niya ng galit ang lahat ng nasa paligid niya pagkatapos. Jusmiyo mahabagin, nagtatrabaho ako ng marangal dito. Muntik na tuloy akong mapa-sign of the cross.

"Hindi ako papayag sa gusto mong mangyari. Hangga't nabubuhay ako at nakatayo sa lupa, hinding-hindi ko bibitawan ang tindahang ito hangga't hindi ko ito naipapamana sa apo ko!" Bamagat paos man at nanginginig ang boses sa katandaan ay malakas pa rin ito magsalita.

Wala akong ideya sa kung sino ang kausap niya sa phone ngunit kung sino man iyon ay batid kong tumututol ito sa gusto ng matanda na patakbuhin ang lumang tindahang ito. Sa palagay ko ay sobrang halaga ng tindahang ito para sa matanda at hindi niya ito mabitaw-bitawan sa kabila ng katandaan niya.

Mahigit dalawang linggo na simula nung nagtrabaho ako rito at pansin ko na kakaunti lang ang bumibili rito dahil sa kalumaan ng tindahan at bukod pa roon ay marami ring nagsasabi na ayaw nilang bumili rito kasi masungit daw ang matandang nagmamay-ari nito. Which I agreed. Sa nakikita ko ay madalas mainitin ang ulo ng matanda kong boss kung kaya't nabubuntong niya lahat ng emosyon niya sa mga paligid niya. Miski mga costumer ay pinapagalitan niya tuwing maiingay ang mga ito sa loob ng tindahan kahit wala namang ginagawang mali. Dagdag pa roon ang tila pinagbagsakan ng langit at lupa niyang mukha. Kaya hindi na ako magtataka kung ibabato na naman niya lahat ng galit niya sa paligid niya ngayon lalo pa't may kaaway siya.

Ngayon naiintindihan ko na kung bakit palangiti si aling Nena sa lahat ng costumer niya. Nakakaagaw pansin kasi ang positive side ni aling Nena sa mga costumer kahit simple lang ang tindahan niya. Simpleng masiglang pagbati niya lang sa mga costumer ay nahahawa na rin ang mga ito sa positive vibes na dala ni aling Nena.

Dito kasi, pakiramdam ko patay na patay ang atmosphere. Walang kabuhay-buhay.

"Huwag mo na akong pakialaman. Ito na nga lang ang hinihingi ko sa 'yo, hindi mo pa maibigay, letche!"

Awtomatiko akong napatuwid ng upo nang biglang padabog na binuksan niya ang pinto. Dala-dala niya ang kaniyang tungkod at tila rinig na rinig ang tungkod niya sa sahig. Galit na naglakad siya patungo sa stock ng mga sigarilyo at kumuha siya ng isang pakete roon. Pagkatapos ay tumungo siya sa umuugoy niyang upuan at padabog na umupo roon. Nasa harapan siya ng tindahan kung saan palagi siyang nakapwesto. Which is disadvantage rin sa mga bibiling costumer kasi kapag nakikita siya sa kaniyamg pwesto ay nauudlot ang kanilang pagbili kasi alam nilang andito ang masungit na matanda. Kinuha niya ang kaniyang lighter sa bulsa ng duster niya at wala pang ilang segundo ay nasindihan na niya ang sigarilyo niya.

Madalas siyang andito sa tindahan kaya bantay na bantay niya ito. Ginagamay ko pa ang presensya niya. Madalas ang paninigarilyo niya lalo na kapag mainit ang ulo niya.

Napisip tuloy ako, siguro sadyang marami lang siyang problema kaya gano'n gano'n na lang ang kilos niya sa paligid niya. Pero tingin ko iba ang galit niya ngayon. Mas malalim ngayon kesa sa madalas na nakikita ko sa kaniya. Pinagmasdan ko lang siya. Nakatulala lang siya sa kawalan habang hinihithit ang kaniyang sigarilyo. Hindi maipinta ang mukha at tila malalim ang iniisip.

TandaWhere stories live. Discover now