Gonna be epic
[Elisha]
Parang gusto kong magdiwang ngayon.
Parang gusto kong tumalon sa tuwa. Pakiramdam ko nanalo ako sa lotto ngayon at ako na nga yata ang pinaka maswerte na tao ngayon dahil pagkalipas ng limang araw na paghahanap ko ng trabaho ay sa wakas nakahanap na ako. Sa loob ng limang araw na iyon ay doon ko nasabi at nasumpa na mahirap nga talagang maghanap ng trabaho ngayon. Lalo na't hindi ko pa dala ang mga important documents ko na required sa trabaho.
Tangina ngayon ko lang narealize na kapag balak mong magrebelde at maglayas ng bahay niyo at wala nang balak bumalik, kalimutan niyo na lahat 'wag lang mga documents mo na nagpapatunay na nage-exist ka sa mundo at nagpapatunay na hindi ka isang kabute lang na human being.
Pero ako talaga ang pinakaswerte ngayon dahil natanggap ako sa isang convinience store kahit walang kaekekang documents. Sabi nung namamahala ng convinience store wala na raw kasi siyang ibang mahanap na magbabantay sa store kaya no choice na siya sa akin. Offended ba ako do'n? No! I'm fucking luckiest. Yung sweldo p'wede nang pagtiyagaan kumpara sa palaging nakikita namin ni Tanda sa pangangalakal.
Maghapon akong naghanap ng trabaho at ramdam ko ang pangangalay ng mga paa ko sa paglalakad. Mabuti nga at walking distance lang ang convience store na papasukan ko kaya hindi na ako gagastos pa sa pamasahe. Umaga hanggang hapon lang ang oras ng trabaho ko at ako rin ang inatasang magsarado ng store. Bukas kaagad ang simula ko at nae-excite na akong ipagmalaki kay Tanda na nakahanap na ako ng trabaho.
Pero ngayon kailangan ko munang kumain dahil kaninang tanghali pa ako walang kain. May nakita akong lomihan at nang makita kong pasok sa pera ko ang presyo ay doon na ako tumuloy. Ilang minuto pa ay nakuha ko na ang order ko at ramdam ko ang panginginig ko sa gutom.
Nasa street lang ang pwesto ng lomihan kung kaya't nakikita ko ang mga nagdadaanang mga sasakyan at mga tao. Makulimlim na ang langit kahit hindi pa lubog ang araw. Napamura tuloy ako sa isip ko dahil hindi ko naisipang magdala ng payong. Hindi imposibleng umulan ngayon. Napabuntong-hininga ako.
Mabilis kong natapos ang lomi ko dahil sa gutom. Kinuha ko muna ang phone ko at chineck ang mga notif ko. By the way, dahil nga nalaman ko na nag viral ang video ko sa fb ay naudlot ang pagdedeact ko sa account ko. Madami pa rin ang nagno-notif sa akin at tinatag ako sa kung saan-saang post. Umalis na kaagad ako sa fb at pumunta naman ako sa messenger.
Wala gaanong nagcha-chat sa akin ngayon hindi tulad nung unang tingin ko na halos sumabog na talaga ang messenger ko sa dami ng chat na mostly nakakakilala sa akin at halos pare-parehas lang naman ang mga message tulad ng, 'Elisha, sikat kana!' 'Elisha famous, shot naman diyan.' 'Arat inom, share your success.' etch.
Pero may isang nangunguna sa chat list ko na hindi ko kilala. Sa pagkakatanda ko siya yung nagchat sa akin na unang nakakuha ng atensyon ko.
Ellaine Diza:
(8:37 am)Good morning, idol. Ako na naman ulit^^ Hope you're doing great :D I bet you have such a cool personality just by watching your viral video and I really envy cool people 'cause I'm not cool T.T. Ang galing mong tumugtog, yun lang!
Anyways, be safe<3
Umaga pa ang chat niyang iyon at ngayon ko lang ito nabasa. It's kinda weird, kasi hindi ko naman siya kilala. Or sadyang 'fan' ko lang talaga siya? Like what? Gano'n kabilis, fan 'agad? Parang ang lakas naman ng karisma ko no'n. Kaya in the end, sineen ko lang siya. Pero syempre na-curious pa rin ako kung sino siya kaya pumunta ako sa profile niya. Wala siyang profile tapos black lang yung cover photo niya. Wala siyang mga post at halos walang laman yung newsfeed niya. At wala naman siyang friend na mutual friend ko.
YOU ARE READING
Tanda
Teen Fiction"Hindi ka magaling...pero kaya mo." That was the exact word he said to me that l will never ever forget from that old man. I'm a rebel daughter. I am just a youth who's trying her best to make her family proud-BEFORE. But not anymore. I'm now a yout...