17: Masisilungan

15 1 0
                                    

Masisilungan

[Elisha]

Hindi ko alam kung paano ako napunta ngayon sa bahay ni Tanda matapos akong dalhin sa ospital. Basta ang alam ko lang---napakasakit ng paa ko, tangina.

"Ano ka ba namang bata ka. Mabuti't hindi ka tinakasan nung naka sagasa sa 'yo, kung hindi, ewan ko na lang kung saan ka pupulutin," bulalas ni Tanda habang nilalagay sa maliit niyang mesa ang gamot na nireseta sa akin ng doctor kanina.

Hindi ko siya pinansin at minasahe na lang paa kong hindi ko maigalaw.

Sabi ng doctor napilayan daw ang kaliwang paa ko, tapos hindi ko na maintindihan kung ano pang pinaliwanag niya, basta ang naintindihan ko lang ay makakalakad pa rin daw ako nang maayos basta't 'wag ko raw masyadong puwersahan ang paa ko. At syempre ang nag bayad sa gastusin ko sa ospital ay 'yung naka sagasa sa akin. Hindi niya raw kasi kaagad napindot ang preno kaya, ayun.

Luckily, may pera 'yung lalaki at binigyan kami ng sapat na pera para may ipambili ng gamot na sinabi sa akin nung doctor. Sorry nga siya nang sorry sa akin, pero hindi ko na siya pinansin---nangyari na eh. Saka nakakahiya kaya kapag may nagso-sorry sa harap mo.

Tapos ayun, dinala ako ni Tanda rito sa bahay niya kesyo raw kailangan ko nang pansamantalang matutuluyan dahil sa lagay ng paa ko.

At syempre hindi ako tumanggi. Ano, magiging choosy pa ba ako kung may nag-aalok na akin ng matutuluyan ko? Yun nga lang, may utang na loob na naman ako kay Tanda, na I guess kailangan kong bayaran.

Bumuntong-hininga ako at napasandal sa kawayan na upuan. Lumubog na ang araw at ramdam ko na ang pagod ko.

"Nangalakal ka?" Maya mayang tanong ni Tanda.

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at kinamot ko ang ilong ko. "Oo, nakapipti pesos nga ako, eh."

Bumuntong-hininga siya. "Ayaw mo talagang bumalik sa inyo?" Ewan ko pero ramdam ko ang pag-aalala sa boses niya.

Muli kong sinandal ang ulo ko at napahikab. "Ayoko nga munang umuwi. Saka, alam naman nila 'yon."

Ramdam kong tumingin siya sa akin at hindi nagsalita.

Shit. This is awkward.

"Gutom na ako. Kumain ka na ba?" Sabi ko habang himas-himas ang aking tiyan. "Ako na bibili ng pagkain." May forty pesos pa naman ako. Ano kayang pwedeng bilhin sa forty? Hays, hirap mag-isip.

"Oh siya sige at ako'y nagugutom na rin. Pero teka, sapat ba ang pera mong bata ka?" Tinaasan niya ako ng kilay.

Tumayo ako at umirap. "Oo naman. Ako na nga manlilibre, eh. Saan ka ba bumibili ng ulam?"

"Sa kalenderya na lang ni aling Nena. Malapit lang 'yon." Kanamot niya ang buhok niya. "Ako na nga bibili. Akin na pera mo, baka mapwersa mo pa ang paa mo," sabi niya at hinarap niya sa akin ang palad niya.

Hindi ko siya pinansin at paika-ikang naglakad palabas ng bahay niya. Bahagya pang kumirot ang paa ko kaya tumigil ako. Ramdam ko namang sumunod siya sa akin.

"Sabi ko naman sa 'yo ipagpahinga mo muna 'yang paa mo, eh. Ang kulit mong bata ka," sabi niya at akmang aalalayan ako papasok ulit sa bahay niya ngunit pinigilan ko siya.

Ngumiwi ako. "Ayaw ko nga. Kaya ko naman, eh. Saka paa lang 'to, malayo sa bituka, tsk." Bulalas ko at pinagpatuloy ang paglalakad nang paika-ika.

Muli siyang sumunod sa akin at bumuntong-hininga. "Napilayan na lahat-lahat, ang tigas pa rin ng ulo." Rinig kong bulong niya at wala nang magawa kundi ang sumunod na lang sa akin.

TandaWhere stories live. Discover now