Consequences
[Elisha]
"Gwapo na ba ako?" Tanong ni Tanda habang inaayos ang kaniyang buhok.
Pinagmasdan ko siya at tingin ko ay may kulang. Napaisip ako kung ano 'yon at napapitik ko ng daliri nang maisip ko na kung ano'ng kulang.
Kaagad kong kinuha ang pabango sa bag ko. "Buti na lang nadala ko 'to sa paglalayas!" Natatawa kong sabi at walang pasabing winisakan ko siya ng pabango.
Napaubo siya sa bigla. "Poppy, dahan-dahanin mo namang bata ka. Hihikain ako sa 'yo diyos ko."
Nagkibit-balikat lang ako at hindi pinansin ang reklamo niya. "'Yan! Much better. Dapat mabango. Dagdag pogi points 'yon." Nagwink ako sa kaniya at pinabanguhan ko rin ang sarili ko.
Napailing-iling siya. "Ewan ko sa 'yong bata ka––tara na nga," sabi niya at nagpauna nang umalis sa bahay.
Napairap lang ako at sumunod sa kaniya. Pupunta kami ngayon sa home for the agent kung saan andoon ang asawa niyang si Malaya. Dapat hindi talaga ako kasama, pero nagpumilit akong sumama, dahil maiiwan na naman akong mag-isa sa bahay niya at mabo-bored na naman ako. Hindi kami mangangalakal ngayon kasi mahina ang kitaan ngayon sa junk shop. Wala yung mga kolokoy na bata dahil pumasok na sa school nila. Kaya 'pag nagkataong naiwan ako rito, tiyak na mamamatay ako sa boredom.
Bihis na bihis nga si Tanda, akala mo naman kung sinong binata. Kung hindi ako nagkakamali ay binisita nya ang kaniyang asawa noong umalis siya, kaya pala bihis na bihis siya noon. Pinaghahandaan niya talaga ang pagbisita sa kaniyang asawa.
Hindi na ako nagtagal pa at sumunod na ako sa kaniya.
*****
PAGKAPASOK na pagkapasok pa lang namin sa loob ng center ay bumungad na sa akin ang mga matatandang inaasikaso ng mga nurse. Karamihan sa kanila ay mga nakawheel chair at mapuputi na ang mga buhok. May ibang mga naglalakad na naka tungkod at may mga nakaupo sa bench habang nakatulala. May ilang lumingon sa akin habang naglalakad ako kasama si Tanda. Ewan ko pero may parte sa akin na naaawa sa kalagayan nila. Karamihan kasi sa kanila, inabanduna na ng kanilang mga anak at iniwan dito. First time kong makapunta sa ganitong lugar. Hindi naman kasi talaga ako interasado sa mga ganitong lugar or baka hindi ko lang talaga kinasanayan.
Malawak at maaliwalas din ang buong lugar. Sa labas ay makikita mo ang malaking field kung saan napapalibutan ng mga halaman. Masasabi kong maganda ang environment dito at maayos ang kanilang pagbabantay sa mga matatanda.
Sinusundan ko lang si Tanda kung saan ba siya pupunta hanggang sa may sumalubong sa amin na nurse na may malaking ngiti kay Tanda.
"Lolo Matt, good morning po." Magalang niyang bati at nagmano kay Tanda.
"Goo morning din hija." Nakangiting tugon ni Tanda. "Kumusta na siya?" Dagdag pa niya at mukhang nagkakaintindihan sila. Si Malaya tinutukoy nila, right? Duh, syempre––bobo.
Malungkot na ngumiti yung nurse. "Gano'n pa rin ho..." Mahina niyang sabi at tinuro ang isang bench kung saan may nakaupong isang matandang babae na may hawak ng isang bulaklak na tingin ko'y pinitas niya sa mga tanim dito. Pinagmamasdan niya ang bulaklak na animo'y isa itong mahalagang bagay sa mundo.
Hindi ko alam kung ano'ng ibig-sabihin nila. Pero I guess si Malaya ang tinutukoy nila, which is yung matandang babae na nakaupo sa bench.
YOU ARE READING
Tanda
Novela Juvenil"Hindi ka magaling...pero kaya mo." That was the exact word he said to me that l will never ever forget from that old man. I'm a rebel daughter. I am just a youth who's trying her best to make her family proud-BEFORE. But not anymore. I'm now a yout...