22: Opportunities

9 1 0
                                    

Opportunities

[Elisha]

"Maghahanap ako ng trabaho." Sambit ko habang tulak-tulak ko ang kariton ni Tanda. Napatigil siya sa paglalakad at gayon na rin ako.

"Hindi ka na mag-aaral?" Tanong niya.

Pinagpatuloy ko ang pagtutulak ng kariton. "Hindi na muna. Saka kung mag-aaral ako, dagdag gastos 'yon sa 'yo, since ikaw may responsibilidad sa akin ngayon, 'di ba?" Tumingin ako sa kaniya as a matter of fact. "Ayoko namang bumalik sa pamilya ko para ipagpatuloy ang pag-aaral ko. Kaya instead of that, hahanap na lang ako ng trabaho, do'n makakapag-ambag pa ako ng pera sa 'yo." Nagkibit-balikat ako at ngumiti sa kaniya.

Pinag-isipan ko nang mabuti ang paghahanap ng trabaho. Saktuhan lang ang kinikita namin ni Tanda, kung minsan nga ay kulang pa. Ayoko namang maging palamunin lang sa bahay niya. Ayos na 'yon para makatulong ako sa gastusin.

Napasinghap ako nang pitikin niya ang noo ko. "Ikaw talagang bata ka. Hindi gano'n kadaling maghanap magtrabaho ngayon. Pero, sige bahala ka sa desisyon mo." Lumaki ang ngiti ko. Tinaas niya ang kaniyang hintuturo na para bang kumokontra sa akin. "Pero hindi ibig-sabihin no'n ay titigil ka na talaga sa pag-aaral."

Ngumuso ako at tumango. "Oo. 'Pag okey na yung sitwasyon, tutuloy ko na pag-aaral ko, promise 'yan." Tinaas ko pa ang isa kong kamay na animo'y nanunumpa. "Sa ngayon, hindi na muna."

Ito ang gusto ko kay Tanda. Hindi niya ako pinipigilan sa mga desisyon ko. Which it's kinda felt good kasi for the first time walang pumipigil sa mga desisyon ko at walang sumasakal sa akin sa kung ano ang gusto kong gawin. Ibang-iba si Tanda kumpara sa pamilya ko. Back then, lahat ng ginagawa ko, mali sa mata ng mga magulang ko kesyo raw bata pa ako at wala pa akong alam. Kaya palagi kong nararamdaman na parang nakakulong ako sa puder nila at parang isang presong hindi makalaya sa maling bagay na pilit na sinusumbat sa kaniya.

Anyways, ayoko nang pagusapan pa. Basta nae-excite akong maghanap ng trabaho.

Pinagpatuloy na namin ang pangangalakal ni Tanda. Medyo ginanahan pa akong mangalakal kasi pinayagan niya akong maghanap ng trabaho. Hanggang sa ilang sandali pa ay nagutom na kami at napagdesisyonan naming kumain muna sa kalenderya.

At ineexpect ko na ang magiliw na sa salubong sa amin ni aling Nena. "Lolo Matt, Poppy tamang-tama ang dating niyo at bagong luto ang sinigang ko." As usual, palaging may malaking ngiti sa mukha niya. Masaya niya palaging sinasalubong ang mga costumer niya. Minsan nga iniisip ko na hindi ba siya napapagod kakangiti sa mga taong hindi naman niya kilala. Pero nasasanay na ako sa pagiging masiyahin niya palagi kaya somehow nakakahawa ang masigla niyang presensya. At oo, dahil kay Tanda ay nasanay na ang mga tao rito na tawagin akong 'Poppy.' Isisingit ko lang ang about do'n, kasi hanggang ngayon hindi pa rin ako sang-ayon na tawagin akong gano'n, tsk.

"Oh siya sige, pa-order kami ng sinigang mo." Nakangiting sabi ni Tanda at nagbayad na.

Ilang minuto pa ay inihain na ni aling Nena ang order namin. Usually nakikipagdaldalan ako sa kaniya, pero ngayon tikom ang bibig ko dahil hindi na imposibleng ikwento niya kay Tanda yung about sa kumalat na video ko sa fb. Speaking of that, matapos kong malaman na sumikat ang video ko na iyon ay hindi ako nagtangkang sabihin iyon kay Tanda. Pero dahil medyo may pagkachismosa si aling Nena at palaging updated sa mga kaganapan, ay hindi na ako magugulat na masabi niya ang about do'n kay Tanda.

"Lolo Matt, alam mo bang sikat na si Poppy sa social media?" As I expected. Pagkalapag na pagkalapag niya pa lang sa pagkain namin at binalita na niya kaagad iyon. Napakamot tuloy ako sa ulo.

Napamaang si Tanda. "Huh?" Takang tanong niya. Walang cellphone si Tanda kung kaya't wala siyang ideya sa social media at sa kumalat na video ko.

Hindi ko sinabi iyon sa kaniya kasi ewan, wala lang. Honestly, nag-aalala pa nga ako sa nagviral na video ko kasi baka makarating iyon sa mga magulang ko at malaman kung saang lugar ako ngayon tumutuloy. Ayoko ko lang magkaroon sila ng ideya kung nasaan na ako ngayon. Hindi naman sa ineexpect ko na pupuntahan nila ako rito para kuhain ako or ano, pero may chance. Ang gusto ko lang ay sana hayaan na muna nila ako kahit na may bitter part pa rin sa akin na baka wala na silang paki sa akin.

TandaWhere stories live. Discover now