3: Better person

24 2 0
                                    

Better person

[Elisha]

"Sana lahat hindi sinusumbong," pilyong sabi ni Adriel sabay tawa ni Charlie.

Nasa room kami at hindi pa dumadating ang next teacher namin kung kaya't malaya kaming nakakapag-ingay. Magkakatabi kami sa dulong row na hindi naman namin totoong upuan.

Para kaming mga tambay na kung ano-ano ang pinagkukuwentuhan para lang hindi kami ma bored sa loob ng room. Ang since I was bored, I told to them what happened yesterday. 

Tungkol sa hindi ako sinumbong ni Kuya sa magulang namin.

"Okey nga 'yon, eh. At least kahit papaano kakampi mo pa rin ang Kuya mo," sambit ni Grey habang nagda-drawing ng kung ano-ano sa likod ng notebook niya.

Sumang-ayon naman ang dalawang asungot.

I rolled my eyes. "Commo'n! lagi ako no'n sinusumbong kela Mama, eh. Ang wierd lang na this time hindi niya ako sinumbong, since siya naman palagi ang magaling."

"H'wag ka iiyak, boy," sabat ni Charlie.

Binatukan ko lang siya sa ulo. Hindi talaga makausap ang mga 'to nang maayos. Although sila lang ang sinasabihan ko tungkol sa pamilya ko. Alam nila kung paano ako mabadtrip sa magulang ko, matapos ako pagalitan. Alam nila kung gaano kalayo ang loob ko sa kanila.

Wala naman sila masyadong sinasabi 'pag nagra-rant ako tungkol sa pamilya ko, hindi na ako nahihiya mag-open up sa kanila. May sari-sarili rin naman silang problemang kailangan ilabas. Hindi kami mahilig magpayuhan sa isa't-isa. Kumbaga, 'chill lang kahit marami kang problema' ang peg namin.

"Hayaan mo na. Sulitin mo lang ang natitira mong oras habang hindi ka sinusumbong ng Kuya mo." Bumungisngis sila Adriel at Charlie.

I just raised my middle finger to them. Honestly, hindi mawala sa isip ko ang nangyari kahapon. Si Kuya 'yon, eh. Karapatan niyang isumbong ako. Hindi ko siya natanong kaninang umaga dahil nauna na siyang pumasok sa akin at hindi ko naabutan.

"Maiba tayo boy. May yayayain na akong binibini na gusto kong maka-date sa prom natin!" parang batang wika ni Charlie. Kinikilig pa ang kolokoy.

"Sino naman?" bored na tugon ni Grey. 

Malaki ang ngiti ni Charlie. "Si Elle. 'Yung Stem student sa kabilang building? Nagkasama na kaming tumambay sa library isang beses. Boy, chicks 'yon! At matalino pa. Saan ka pa? Edi sa Stem student ka na!"

Binatukan siya ni Adriel sa ulo. "Gago, mangarap ka na lang na sasagutin ka no'n." 

Natawa kaming tatlo puwera lang kay Charlie na nakanguso.

"'Pag ako, sinagot no'n mamaya! Who you kayo sa akin."

Ngumisi ako. "Mamaya mo pa talaga yayayain, huh?"  

Binato niya ako ng papel na nilukot niya. Napapikit ako sa ginawa niya. "Oo. Kaya tutulungan niyo ako! everything is on the plan just to get Elle! My lovely Stem student," aniya na animo'y nagda-day dream sa scenario nila ni Elle.

"Delikado ka na, boy." Tinapik-tapik ni Adriel ang balikat ni Charlie.

Pasiring naman itong lumayo. "Basta, tulungan niyo ako mamayang breaktime!"

Ngumisi lang ako sabay napailing-iling. 

That's why being inlove with someone is not my cup of coffee. It's too cliché for me to handle. I might die from feeling cringe.

***

"Are you serious we will do this stupidity thing?" nakangiwing sambit ni Grey habang hawak-hawak namin ang magkabilang dulo ng tarpulin na nakalagay ay, 'WILL YOU BE MY DATE ON OUR PROM?'

TandaWhere stories live. Discover now