Tanda
[Elisha]
It was so dark and there ain't no star up in the sky as I walk. Dama ko ang pamamaga ng mga mata ko. Magdamag na yata akong umiiyak simula nung umalis ako sa bahay na 'yon. Parang gusto ko na lang itulog ang lahat.
Hindi ko alam kung ano na ang gagawin ko, pero dinala ako ng mga paa ko sa bahay nila Grey. Parang gusto kong isumbong ang lahat sa kaniya. Gusto kong umiyak sa harap niya at sabihan ako ng mga payo niyang malalalim. Kahit 'wag na niya akong bigyan ng payo...basta nasa tabi ko lang siya. Ayos na siguro 'yon.
Hindi ko alam kung bakit siya ang hinahanap ko sa sandaling ito. Siguro kasi...sa lahat ng tao rito sa mundo, siya lang ang kakampi ko? Na...siya lang ang alam kong matatakbuhan ko.
Tumigil ako sa tapat ng bahay nila at sandali kong pinakatitigan ito bago kumatok. Ilang sandali pa ay bumukas na ang pinto at bumungad siya sa akin.
Pilit akong ngumiti. "Wanted ako. P'wede bang itago mo'ko?" Pinilit kong maging pilyo ang tono ng boses ko.
Hindi siya umimik at nagkatitigan lang kami. Nababasa ko ang lungkot sa mga mata niya sa uri ng pagtitig niya sa akin. Obvious na siguro ang pamamga ng mga mata ko.
Kabisadong-kabisado niya talaga ako kahit kailan.
Mahina siyang bumuntong-hininga. "Andito sila Mama. Sa labas muna tayo."
Medyo nag-alinlangan muna ako bago tumango. Hindi na rin siya nagtagal at lumabas na rin ng bahay. Pumunta kami sa labas kung saan naka-parking ang motor niya. Madilim ang paligid at tanging ilaw lang ng poste ang nagsisilbing ilaw sa paligid namin.
Sumandal ako sa motor niya habang siya ay nakatayo lang sa harap ko at kanina pa ako tinititigan. Sandaling lumitaw ang katahimikan at tila ang mga kuliglig lang ang nag-iingay.
"Tumakas ka na naman?" Biglang tanong niya. This time hindi ko na siya mabasa. Parang may bumabagabag sa kaniya sa uri ng ekspresyon niya.
Umangat ako ng tingin sa kaniya at tinuro ang bag ko sa likod. "Hindi. Lumayas ako. Thankfully hinayaan nila ako."
"Ano'ng balak mo?"
Hinawi ko ang buhok ko at napatingin sa sapatos ko. Sa dami kong iniisip, hindi ko napansin na all this time hindi pala nakatali ang sintas ng sapatos ko. "Hindi ko alam...unless kung ipapatuloy mo 'ko sa bahay mo." Sinubukan ko pang magbiro.
Muli siyang bumuntong-hininga. "Hindi sa lahat ng oras, masasalo kita. Bumalik ka na sa inyo."
Napatigil ako sa sinabi niya. Mariin kong kinagat ang labi ko. "Alam ko...pero kasi...ikaw lang ang alam kong matatakbuhan ko sa oras na 'to." Humina ang tono ng boses ko.
Bakit ba ganiyan ang inaakto niya.
Umigti ang panga niya at seryoso siyang tumingin sa akin. "Umuwi ka na lang."
Hindi ko alam, pero sobra akong nasaktan sa sinabi niya. Tumingin ako sa mga mata niya ngunit nag-iwas siya ng tingin at akmang aalis na pero nagsalita kaagad ako.
"Sinasagot na kita."
Tumigil siya sa paglalakad ngunit hindi siya humarap sa akin. Kinuyom ko ang mga kamao ko at tila nauubusan ako ng salitang sasabihin. Hindi ko alam kung bakit iyon ang sinambit ko. Ang alam ko lang ay bigla akong nakaramdam ng takot na baka iwan niya lang rin ako.
Nagsimulang mamawis ang mga kamay ko sa takot na nararamdaman ko ngayon.
Hindi siya nagsalit at nanatiling nakatayo pa rin habang likod niya ang nakaharap sa akin.
YOU ARE READING
Tanda
Ficção Adolescente"Hindi ka magaling...pero kaya mo." That was the exact word he said to me that l will never ever forget from that old man. I'm a rebel daughter. I am just a youth who's trying her best to make her family proud-BEFORE. But not anymore. I'm now a yout...