With him
[Elisha]
Isang araw ang lumipas simula nung nakita nila Mama ang sugat ko sa pulsuhan at simula no'n ay hindi nila ako kinausap. At kahit magtangkang kausapin ako ni Kuya ay iniiwasan ko siya. Isang araw na rin ako nakakulong sa loob ng kuwarto. Wala akong ginawa kundi matulog, kumain, tumulala sa kisame at murahin ang mga bagay-bagay na bumabagabag sa akin.
Hindi ko alam kung ano'ng nararamdaman ko sa reaksyon nila Mama sa nakita nila sa akin. Ni hindi man lang nila ako kinukumusta kung okey lang ba ako sa loob ng kuwartong ito. Ni hindi man nila ako tinanong kung bakit ko 'to ginawa sa sarili ko. Nasaan na ang nakakagagong salita nila, ha?
Ewan ko pero puta, may parte sa akin na naghahanap ng kahit papaano ay damayan man lang nila ako, 'di ba? Na kahit ngayon lang maging magulang naman sila sa akin. Anak din ako...tangina.
Pero ano ba'ng pake ko. Hindi ko na dapat hinahanap pa sa kanila ang mga 'yon gayong kahit minsan ay hindi ko 'yon naranasan mula sa kanila.
Hindi na rin kami nagkausap nila Grey simula nung nahuli kami. Gusto ko mang kausapin sila ngunit kinuha nila Mama ang phone ko. Wala akong balita sa kanila. Gusto kong humingi ng tawad. Pakiramdam ko ako ang may kasalanan ng lahat. Pero para saan? After all kagagawan 'to ni Franz. Kung hindi dahil sa kaniya ay wala kami sa sitwasyon na 'to.
Napatayo ako sa pagkakahiga at pinakatitigan ang bintana. Kita ko mula rito ang unti-unting paglubog ng araw. Sa pagkalugmok ko rito sa kuwarto ay ang tanawin lang yata mula sa bintana ang tanging nagustuhan kong pakatitigam sa loob ng magulo kong kuwarto.
At least may maganda pang parte sa loob ng kaguluhan.
Sa totoo lang hindi ako mapakali na makita ang mga kaibigan ko at kausapin sila. Pero ano naman ang sasabihin ko? Kumusta na kaya sila? Paano na matutustusan ni Charlie ang pangangailangan ng pamilya niya kung wala nang gig? Pano makakapag-ipon si Adriel ng pera panggamot sa Mama niya kung sakaling wala na kaming mahanap na ibang bar para makapag-gig?
Katulad ko, hindi rin alam ng mga magulang nila Charlie na tumutugtog kami sa bar. Kahit naman sabihin naming hindi naman masama ang ginagawa namin masama pa rin 'yon sa mata ng iba. Nakakabadtrip tangina.
Sabihin man nila na nagrerebelde ako, pero pagrerebelde ba ang tawag kung doon ka lang nakakaranas ng pagiging malaya laban sa kanila? Anong gusto nilang mangyare? Taasan ko grade ko para maging katulad ako ni Kuya? Ilang beses ko nang sinubukan pero nadurog lang ako. Tangina, mas iisipin ko pa ba ang iisipin nila kesa sa sarili kong kalagayan na halos patayin ko na ang sarili ko dahil dito?
Pero ang mas nakakatangina ay kahit anong pilit ko sa sarili ko na huwag isipin ang iisipin nila, heto na naman ako. Kinukuwesyon ang sarili sa mga nakakagagong sagot. No matter what step I take, I keep going back to the fucking beginning.
At sa pagkakakulong sa kuwartong ito ang mas nagpapagulo ng utak ko. Kung ano-anong pumapasok sa isip ko sa bawat minutong mag-isa ako sa silid na ito. Kailangan kong may magawa upang maiwasan ang isiping ito.
Pagod na ako kakaisip sa mga putanginang bagay. Kulang na lang ay mabaliw ako sa kuwartong ito.
Napatayo ako nang nang may pumasok sa isip ko. Hindi na ako nag-ayos at agad-agad kong kong binuksan ang bintana. Dumukwang ako sa bintana ang tinignan kung gaano kataas ang kuwarto ko. Hindi gaanong mataas ang pagitan ng kuwarto ko mula sa baba.
Lumingon-lingon ako sa paligid at siniguradong walang tao sa baba. Walang tao. Lumubog na ang araw kaya medyo madilim na ang paligid. Napalunok at napahinga ako nang malalim sabay talon mula sa bintana.

YOU ARE READING
Tanda
Teen Fiction"Hindi ka magaling...pero kaya mo." That was the exact word he said to me that l will never ever forget from that old man. I'm a rebel daughter. I am just a youth who's trying her best to make her family proud-BEFORE. But not anymore. I'm now a yout...