27: Orange

7 0 0
                                    

Orange

[Elisha]

"KAANO-ANO ka po ng pasyente?" 

"Empleyado niya lang po. Na-contact ko na po 'yung anak niya." Pagkasagot ko'y may sinulat siya sa papel at bumaling sa akin.

"Okey, wait po muna kayo sa waiting area for the result."

Bumuntong-hininga ako at napasuklay sa buhok. Umupo ako sa waiting area at sumandal. Hindi mawala sa isipan ko 'yung pagtatalo namin ng amo ko kanina. May sumasagi sa isip ko na siguro kung hindi ako nangialam sa kaniya kanina, hindi kami aabot sa ospital na 'to.

Mabilis ko naman siyang naidala sa ospital matapos siyang matumba. Mabuti na lang at may mga kapit-bahay na tumulong sa akin. 

Mahigit kalahating pa oras ako tumitig sa kisame nang biglang may lumapit sa akin.

"Nasaan si mama?" Punong-puno ng pag-aalala ang kaniyang mukha at hindi maitatago ang namumuo niyang luha sa kaniyang mga mata.

Napaayos ako ng upo at sa halip na magsalit ay itinuro ko lang ang ward kung nasaan ang amo ko. Walang paligoy-ligoy na pumunta siya sa direksyon na tinuro ko. Malapit lang sa waiting area ang ward kung kung kaya't hagip sa paningin ko ang pag-iyak ni Toni habang pinagmamasdan ang mama niya.

Toni ang pangalan ng anak niya. Nalaman ko lang nung nakita ko ang wallet ng amo ko at doon ko nakita ang contact niya para maibalita na sinugod sa ospital ang mama niya. Nabasa ko rin na Flora ang pangalan ng amo. Sa buwang pagta-trabaho ko sa kaniya, ngayon ko lang nalaman ang pangalan niya.

Malalim na ang gabi, for sure hinahanap na ako ni Tanda. Alam niya kasi na out ko na sa mga ganitong oras. But I want to stay here for a while. Masiguro ko lang kung ano ang lagay ng amo ko. Besides, ako dapat nag managot. Ako ang nagsimula ng away sa amin na naging dahilan kung bakit siya umabot sa puntong 'to.

Marahan kong kinagat ang labi ko sumandal ulit. Maya maya pa ay may lumapit na nurse kay Toni at kinausap ito tungkol sa kondisyon ng matanda. 

Hindi ko rinig ang pinag-uusapan nila kaya pinagmasdan ko lang sila mula sa kinauupuan ko. Tumango-tango si Toni sa habang kinakausap siya ng nurse. Hindi nagtagal ay natapos na rin ang pag-uusap nila at nang makaalis 'yung nurse ay bigla bumaling sa akin ng tingin si Toni. Kumapara kanina ay mas kalmado na ang itsura niya ngayon. 

Pumunta siya sa coffee machine at nagtimpla sa dalawang baso. Umupo siya sa tabi ko at binigay sa akin 'yung isang baso ng kape na hawak niya.

Tipid akong ngumiti at tinanggap iyon. Hindi ako umusap at tumingin lang sa basong hawak ko. Ramdam ko ang init ng baso sa kamay ko.

"Salamat sa pagbantay kay mama, ha? Kahit matigas ang ulo niya. Ikaw lang kasi 'yung empleyadong tumagal sa kaniya." Mahina niyang bigkas.

HIndi ko alam kung ano'ng binalita sa kaniya nung nurse pero batid kong maganda iyon.

Medyo gumaan ang pakiramdam ko dahil expected ko na baka magalit siya sa akin dahil sa nangyari sa mama niya. Pero tingin ko hindi kami aabot sa puntong iyon base sa ekspresyon ng mukha niya ngayon.

Bumaling ako sa kaniya. "Wala po 'yon. And sorry po...kung hindi ko po siya pinakialaman kanina, baka hindi po aabot sa ganito."

Kumunot ang noo niya. "Ano ba'ng nangyari kanina?" Humigop siya ng kape niya.

Natahimik ako saglit. "Pansin ko po kasing napapadalas ang paninigarilyo niya simula po nung nag-away kayo sa store. Napapansin ko na rin po 'yung madalas na paghina ng katawan niya." Bumuntong-hininga ako. "Kaya kanina...hindi na ako nakapagtimpi, pinigilan ko siya sa paninigarilyo niya at nagalit siya sa akin hanggang sa inatake siya."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 13 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

TandaWhere stories live. Discover now