26: Life is unfair?

6 0 0
                                    

Life is unfair?

[Elisha]

Ellaine Diza:

Good afternoon, idol. Sorry ngayon lang ako nakapag-chat ulit, dami kasing nangyari. Pero, atlis 'di ba? Naalala kita ;DD

Sinubo ko ang lollipop ko at nagpangalumbaba. Akala ko hindi na ako guguluhin nito. Last week pa kasi ang huli niyang chat kaya medyo nakaluwag-luwag ang buhay ko. Kaso, heto na naman siya.

Ano ba'ng trip ng babaeng 'to?

Ellaine Diza:

I know, I know...makulit ako. Pero kasi u really inspire meee.

Mukhang nabasa niya ang iniisip ko, ah. Dapat lang.

Napakamot ako sa kilay. Maya maya pa ay iniwan ko muna saglit ang phone ko sa table dahil may bibili. Wala sa pwesto niya ang masungit kong amo dahil may inaasikaso siya sa storage room.

Pagkatapos ay bumalik na ulit ako sa upuan ko at muli kong tinignan ang phone ko. At ayun, may message na naman siya ulit.

Ellaine Diza:

Sayang nga at hindi mo ko nakita nung festival:< Nanood kaya ako sa'yo non! Cute nyo nung mga matandang kasama mo. Lolos mo? (With 's' kasi dalawa sila ih)

Bago pa ako makapagreact ay may message na kaagad siya.

Ellaine Diza:

Kung hindi mo ako tatanungin ay diyan  din ako nakatira. Kaso nasa malayo ako ngayon:(

Ellaine Diza:

Gulat ka ba? Hihi

Napatuwid ako ng tayo sa nabasa ko. Hindi ko alam kung matatakot ba ako sa babaeng 'to oh ano, eh. Paano niya nalaman kung saang lugar ako nakatira ngayon? I mean andoon na tayo sa ini-inspire ko siya, pero pusang gala 'wag namang aabot sa alaman ng lugar kung nasaan ako ngayon. Kinagat ko ang kuko ko dahil pinipigilan kong 'wag magreply. 

Pero kasi malay mo masamang tao 'to, oh 'di kaya matagal na niya akong minamanmanan? Kung hahayaan ko 'to, baka may sumaksak na lang sa tagiliran ko diyan sa daan? The heck, kinakarma na ba ulit ako?

Bakit ko ba kasi hinahayaan siya kung p'wede ko naman siyang i-block, all this time? Huminga ako nang malalim at hinawakan nang mahigpit ang phone ko. 

Elisha Lozano:

R u stalking me?

At ito na nga, hindi ko na napigilan ang sarili kong mag-reply. At dahil alam kong may i-rereply kaagad siya, pipindutin ko na sana ang block bottom nang biglang may padabog na pumasok sa pintuan.

Binitawan ko ang phone ko at nabaling ang atensyon sa babaeng pumasok. Tingin ko'y nasa 40's na ito. Nakakunot ang kaniyang noo habang nililibot ang paningin sa store.

Napaimik ako at magsasalita sana kaso bigla siyang nagsalita.

"Nasaan si mama?" Masungit niyang tanong habang hindi bumabaling sa akin.

Kumunot ang noo ko at napakamot sa ulo. Napaisip pa ako kung sinong 'mama' ang hinahanap niya, pero kaagad ko ring nagets kung sino ang tinutukoy niya. Sino pa nga ba ang tao rito bukod sa aming dalawa ng boss ko?

Wala silang pinagkaiba ng mama niyang busangot din ang mukha.

Mahina kong kinagat ang dila ko sa sinabi ng isip ko. "N-nasa storage room po." At muntik pa akong pumiyok do'n.

TandaWhere stories live. Discover now