6: Ngiti

17 1 0
                                    

Ngiti

[Elisha]

"Kumusta naman pag-aaral mo Elisha?" Bungad na tanong sa akin ni papa habang kami'y kumakain.

Bahagya akong napatigil sa seryosong tanong ni papa at napatingin kay kuya na tahimik lang na sumusubo ng kaniyang pagkain. Wala man lang kahit anong emosyon ang nababasa ko sa mukha niya.

"Ayos naman," tugon ko at tumango pa bago ipagpatuloy ang pag-kain.

Kung alam lang nila.

"Aba, dapat lang. Alam niyo ba, nakausap ko 'yung panganay na anak ni aling Pasing. Nako! Nakakatuwa ang batang iyon. Napakatalino! Magaling din ang batang iyon sa lahat ng bagay kaya tuwang-tuwa ako sa batang iyon." Tukoy ni mama sa kapitbahay namin. 

Lumuwag ang hawak ko sa kutsara at pinagmasdan ko si mama habang masayang nagkukwento tungkol sa kapitbahay namin.

"Hindi na ako magugulat na balang araw ay magiging succesful ang batang iyon. Sigurado akong malayo ang mararating niya. Nako napakaswerte ni aling Pasing sa anak niya." Kitang-kita ko ang saya sa mukha ni mama habang nagkukwento.

Nakita ko na naman kung gaano siya kasaya sa ibang tao na hindi ko naranasan sa kaniya.

Nanatili akong tahimik na pinagmamasdan sila papa na mukhang nasisiyahan din sa kinukwento ni mama.

"Kaya ikaw Kye, kapag nakapagtapos ka? Nako! Ipapatarpulin kita sa buong barangay." Tuwang-tuwa niyang sambit at ginulo pa ang buhok ni kuya.

Walang emosyong pinagpatuloy ko ang pag-kain ko. Dahil alam ko na na ako ang susunod nilang paguusapan.

"Ikaw Elisha, ano'ng balak mo sa buhay mo? Aba magco-college ka na, wala ka bang pangarap at puro pambubulakbol lang ang ginagawa mo?" Ang kaninang masaya niyang mukha ay napalitan ng pagkaseryoso.

'Pag sa akin napupunta ang usapan, nawawala ang mga ngiti sa labi nila. Minsan naiisip ko na lang na gano'n ba ako ka-miserable para tignan nila ako nang gano'n? 

Pinilit kong huwag higpitan ang kapit ko sa kutsara at hindi nagsalita.

"Ayus-ayusin mo lang Elisha. Alam mo ba na madalas kang pagusapan ng mga kapitbahay natin at kumakalat na patomboy-tomboy ka raw? Kaya minsan nakakahiyang lumabas dahil madalas kang pinagchi-chismisan ng mga kapitbahay natin." Sinundan naman ni papa.

Hindi ko na napigilan ang pagdiin ko sa kapit kong kutsara. Nakakawalan ng gana. 

Tomboy amputa. Andami niyong tinitignan sa akin, ngayon tomboy naman? Ano pang p'wedeng mahanap niyo sa akin? Sabihin niyo na.

Iyon ang sinasabi ng isip ko ngayon.

Sandaling namayani ang katahimikan at tanging naririnig ko lang ay ang mga tunog ng kubyertos.

"Kung magtotomboy ka lang ay---" hindi natapos ang pagsasalita ni Papa nang bigla akong nagsalita.

"Hindi ako tomboy. Sana naman malinaw na 'yon, Pa." Binitawan ko ang kubyertos na hawak ko at tumayo sukbit-sukbit ang bag ko. "Pasok na ako." Walang gana kong sabi at nagmano muna sa kanila bago lumisan sa bahay na iyon.

Kailan ba gumanda ang umagahan ko sa kanila?

*****

"Hoy Elish!" Napabalik ako sa katinuan nang bugawin ako ni Adriel. "Kanina ka pa tulala diyan, mag ge-general cleaning na tayo, tanga!" 

I just raised my middle finger to him. Tumayo ako at sinukbit ang bag ko sa isa kong balikat at doon ko lang napagtanto na uwian na pala at kailangan pa pala naming maglinis bilang parusa sa nangyari kahapon.

TandaWhere stories live. Discover now