Pulibi
[Elisha]
"Ang layo naman ng bahay mo. Buti kumakapit pa buto mo." Puna ko sa kaniya.
Hindi siya bumaling sa akin at nagpatuloy lang sa pagtutulak ng kariton. "Matagal ko na itong ginagawa."
Kanina pa kasi kami naglalakad. Pasado alas dose na ng madaling araw. Sabi niya sa kabilang bayan pa raw ang bahay niya at maglalakad lang daw kami. Shocks, ang layo. Kanina pa sumasakit 'yung mga paa ko. 'Yung katawan ko gusto nang humiga. Hindi naman ako makareklamo sa matanda, baka sa kalye na talaga ako pulutin nito.
"Ang alin? Ang paglalakad nang ganito kalayo?" Antok kong tanong sabay hikab.
"Alangan namang mag-tricycle ako. Paano ko dadalhin ang kariton ko? At saka, sayang sa pamasahe. Matuto kang dumiskarte, bata."
Ayan na naman siya sa word of wisdom niya.
Napairap ako. "Kung maka-bata wagas, ah," bulalas ko pa.
Bumaling siya sa akin. "Kung tawagin mo akong 'Tanda' wagas, ah?" Sarkastikong pabalik na tanong niya.
Ngumuso ako. "Matanda ka naman talaga." Prangka kong tugon.
Napasinghap ako nang bigla niyang pitikin ang noo ko. "Walang modong bata," bulalas niya sabay naunang maglakad sa akin tulak-tulak ang kaniyang kariton.
Gusto ko pa sanang magreklamo sa ginawa niya pero pinigilan ko na lang ang sarili ko nang maalalang sa bahay niya pala ako matutulog. Kainis! Para tuloy akong nagkautang ng loob sa kaniya! Well, totoo naman tanga.
Behave, Elish. Ngayon lang 'to. Pakabait ka muna.
Sinipa ko muna ang batong nasa harapan ko bago patakbong sumunod sa matanda.
*****
"Sa wakas makakatulog na ako!" Pagod na sabi ko habang naguunat ng katawan.
"Huwag kang pasarap dito. Bukas umuwi ka nang bata ka," ani Tanda habang inaayos ang folding bed na hihigaan niya.
Kabadtrip itong matandang 'to. Kanina pa yata niya ako sinusumpa sa isip niya. Well then, same here. Sa bagay, sino ba naman ang hindi maiinis kung hindi ka nirerespeto ng mas bata sa 'yo at partida, papatulugin mo pa sa bahay mo. Acceptable reason, kaya alaws akong banat.
Nasa loob na kami ng bahay niya ngayon. Sa wakas at nakarating na rin kami sa bahay niya matapos ang mahaba-habang lakarin. Hindi gaanong malaki ang bahay niya at first floor lang ito. Gawa lang ito sa kahoy at kawayan pero maayos at malinis ang loob ng bahay niya.
Maganda rin ang puwesto ng bahay niya. Sa tapat nito ay makikita mo ang malawak na palayan. Hile-hilera rin ang mga maliliit na bahay na yari sa kahoy at kawayan. Kung titignan ay halatang alagang-alaga ng mga namamahala ang maliit na bayang ito. Kumpara sa mga maduduming squatter area ay mas malinis at malawak ito.
Bukod pa roon ay sariwa ang hangin na malalanghap mo marahil maraming mga puno't dahon ang nakapaligid dito. Pakiramdam ko nasa isang probinsya ako. Ngayon ko lang nakita ang bayang ito. Hindi kasi kami madalas lumaboy sa malalayong lugar nila Grey.
May kung anong kirot sa loob ko nang maalala ko sila. Bumabalik 'yung bigat sa pakiramdam tuwing naaalala ko ang mga nangyari sa akin. Parang gusto ko na lang libangin ang sarili ko sa kung ano para 'di maalala ang mga 'yon.
Bumaling ako kay Tanda na nagliligpit pa rin ng kaniyang higaan. Hindi ko maiwasang mapatanong sa sarili kung may pamilya ba siya. Siya lang kasi ang nakatira rito sa bahay niya. At saka sa tingin ko hindi pa siya kumakain simula pa kanina. Kaya siguro ang payat payat niya. I wonder, paano kaya siya nakakakain araw-araw sa pangangalakal lang?
YOU ARE READING
Tanda
Teen Fiction"Hindi ka magaling...pero kaya mo." That was the exact word he said to me that l will never ever forget from that old man. I'm a rebel daughter. I am just a youth who's trying her best to make her family proud-BEFORE. But not anymore. I'm now a yout...