12: Tahanan

16 1 0
                                    

Tahanan

[Elisha]

"Palitan mo na kaya string nito, ang kalawang na oh," aniko habang kinakalikot ang gitara niya.

Pinunasan niya ang kaniyang basang buhok ng tuwalya. Kakatapos niya lang maligo. "'Pag may time na akong bumili."

Bumaling ako sa kaniya at tinaasan ko siya ng kilay. "Ang dami mo kayang time. Tambay ka nga lang dito sa kuwarto mo, eh," sambit ko sabay ngisi.

"Tinatamad pa ako." Sinampay na niya ang tuwalya at bumaling sa akin. "Tara, hanap tayo ng makakain." 

Lumawak ang ngiti ko at tumayo na. "Tara." 

Isang araw na akong nandito sa bahay ni Grey. Sa pananatili ko rito ay unti-unting gumagaan ang pakiramdam ko kahit papaano. Wala kaming magawa rito ni Grey kundi ang mag-isip ng makakain namin. Hindi ko na rin inalam kung hinahanap ba ako ng pamilya ko. 

Hindi nagtagal ay pumunta na kaming kusina para maghanap ng makakain. Binuksan ni Grey ang ref at kumuha ng makakain. Buti nga ay nag-stuck ng mga pagkain ang magulang ni Grey sa ref kaya may nakakain kami.

"Try nating magluto ng adobo." Magiliw na wika ko habang tinitignan ang mga sangkap.

Tinaasan niya ako ng kilay. "Marunong ka ba?" 

Ngumiwi ako. "Kaya nga ita-try, eh." 

Mahina siyang natawa. "Dapat masarap---" 

Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya nang may kumatok mula sa pintuan. Tumingin muna siya sa akin bago binaba ang hawak niyang kawale at tumungo na sa pintuan upang buksan ito.

Hindi ko alam pero may munting kaba akong naramdaman sa pagkakataong ito.

Pagkabukas ay  bumungad sa pinto sila Adriel at Charlie. Pumasok na sila sa loob at bumalot ang katahimikan sa pagitan naming apat.

Napaawang ang labi ko nang makitang may pasa sa gilid ng labi si Adriel. Tumingin sa akin si Adriel at bumuntong-hininga. Habang si Charlie naman ay walang reaksyong nakatingin sa amin. 

"Boy, Bakit kayo napadaan dito?" Si Grey ang naglakas loob na magsalita.

Hindi umimik si Charlie at may kinuhang papel sa kaniyang bulsa at pabagsak niya iyong nilagay sa lamesa.

Kumunot ang noo ko at bumaling sa papel na nilapag niya. At napapikit ako nang mariin sa nakita.

"Hindi ka pa rin ba nadadala sa magulang mo? Lagi na lang kaming nadadamay sa problema mo diyan sa pamilya mo. Wanted ka na sa buong Barangay natin, Elish. Kailan mo balak babaan ang pride mo at sundin mo na lang sila nang sa gano'n ay hindi na kami madamay, ha?!" 

Mas lalong kumunot ang noo ko sa sinabi sa akin ni Charlie. Hindi ako umimik at prinoseso ang mga pangyayari.

"Charlie, tumigil ka nga!" Bahagyang lumakas ang boses ni Grey.

"Bakit totoo naman, eh. Huwag mo nga siyang kampihan porque't nililigawan mo siya!" Tugon ni Charlie.

Tumaas ang dugo ko at hinampas ang lamesa. "Teka nga! Ano ba'ng pinapalabas mo?" Tumaas na rin ang boses ko.

Namamanghang tumingin sa akin si Charlie. "Ano'ng pinapalabas ko? Hindi pa obvious na palagi na lang kaming nadadamay diyan sa lintek na problema mo sa pamilya mo? Sa paggi-gig, palagi na lang kaming nag-aadjust sa 'yo kasi ano? Baka mahuli ka ng magulang mo? Hindi kami tumutugtog kapag sinasabi mong nahahalata ng magulang mong umuuwi ka parati nang gabi kahit na gustong-gusto naming tumugtog para makakita ng pera!"

TandaWhere stories live. Discover now