Bahay
[Elisha]
"Sama ako sa bahay mo, Tanda." Deretso kong sambit.
Kumunot ang noo niya at halatang hindi makapaniwala sa akin. Napatigil ako nang kumuha siya ng plastic bottle sa kariton niya at biglang pinalo iyon sa tuktok ng ulo ko.
Napangiwi ako at napahawak sa ulo. "Aray! Ang sakit no'n tanda, ah! Bakit ka ba namamalo!" singhal ko at kulang na lang ay magmura na ako.
Binalik niya ang plastic bottle na pinalo niya sa akin sa kaniyang kariton. "Marami akong bote. Kaya p'wede ko 'tong panghampas sa mga katulad mo, tulad ng sabi mo noon sa akin, 'di ba nga hija?" Malumanay pero sarkastiko ang boses niya!
Bigla kong naalala 'yung sinabi ko sa kaniya noon.
"Sa susunod, batuhin mo ng mga bote mo. Dami-daming paraan, eh." Tukoy ko sa mga lalaking umapi sa kaniya.
Malakas akong napabuga ng hinga. I really can't believe this old man!
"Mukha ba 'kong masamang tao?" bulalas ko sabay turo sa mukha ko.
Tinaasan niya ako kilay at bumuntong-hininga. "Haynako, hija. Umuwi ka na nga lang sa inyo. 'Wag mo akong istorbohin, wala akong panahon sa'yo." Pagtataboy niya pa sa akin.
"Ha! As if namang gusto kong sumama sa 'yo. Wala lang akong choice 'no!" Muling singhal ko.
"Bakit, tumakas ka ba sa inyo?" Pinagpatuloy niya ang pagtutulak ng kaniyang kariton at sumunod naman ako sa kaniya.
Sandali akong natahimik at saka nagsalita. "Lumayas ako, pero may permiso naman nila kaya no worries." Kampanteng tugon ko.
Sandali siyang lumingon sa akin at kaagad ding bumaling sa daan. "Oh, eh bakit ka sa akin ngayon lumalapit? Wala ka bang mga kaibigan?"
Humigpit ang hawak ko sa strap ng bagpack ko. "Ba't ba andami mong tanong." Inis kong sabi. "S-sama ako sa 'yo, kahit ngayong araw lang. Hahayaan mo bang matulog ang isang kawawang tulad ko sa kalye?" Pagkokonsensya ko sa kaniya.
Muli siyang tumigil sa pagtutulak ng kariton at humarap sa akin. "Hija, makinig kang mabuti," aniya sabay buntong-hininga. "Mas mabuting bumalik ka na lang sa inyo. Walang magagawa ang isang mangangalakal na tulad ko sa 'yo, maliwanag?"
Napairap ako. "Magpapalipas lang naman ako ng gabi. Ano'ng tingin mo sa 'kin, magiging palamunin?"
"Kung gano'n, dun ka sa may malaking bahay. At hija, huwag ka basta-basta magtitiwala sa kung kani-kanino lang, lalo na sa mga tulad ko. Umuwi ka na lang sa inyo at malalim na ang gabi." Payo niya pa sa akin.
This is not gonna work.
Pinamulsa ko ang isa kong kamay at hinawi ko ang buhok ko gamit ang isa ko pang kamay. "Hays, bakit ba ako lumalapit sa 'yo," bulong ko pa. "Tama ka, hindi nga dapat ako magtiwala sa isang tulad mo, tsk." Walang respeto kong sabi at nauna na akong naglakad sa ibang dereksyon.
*****
Habang naglalakad, sinisipa ko ang mga batong nadadaanan ko. Hindi ko na alam kung saan ako matutulog ngayon matapos akong pagtabuyan ng matandang 'yon. Well, may point naman lahat ng sinabi niya, pero kahit na.
Hindi ko nga alam kung bakit sa matandang 'yon ako lumapit sa dinami-dami ng taong hindi ko kilala na p'wede kong lapitan. At saka isa pa, mangangalakal lang siya. Gayunpaman sa kaniya pa rin ako lumapit. Siguro kasi lagi ko siyang nakikita sa tapat ng bar? Or 'di kaya ampon lang talaga ako at siya ang tunay kong tatay? Lukso ng dugo? 'Yung katulad sa mga television drama?
YOU ARE READING
Tanda
Teen Fiction"Hindi ka magaling...pero kaya mo." That was the exact word he said to me that l will never ever forget from that old man. I'm a rebel daughter. I am just a youth who's trying her best to make her family proud-BEFORE. But not anymore. I'm now a yout...