"Top 5... Elisha Poppy S. Lozano," bigkas ng teacher namin.
Nagpalakpakan ang mga kaklase ko at naghiyawan.
Habang ako ay halos hindi na makahinga sa narinig ko. Dali-dali akong pumunta sa harapan upang kuhain ang award certificate ko. Nang mahawakan ko iyon ay isa-isang tumulo ang mga luha sa aking mga mata.
Nagsitawanan ang mga kaklase ko nang makitang umiiyak ako. Ang lagi kong tinatanong sa sarili ko noon; bakit 'yung iba hindi umiiyak kapag nakakatanggap ng award?
"Ma'am! Si Elisha umiiyak!" natatawang sumbong ng isa kong kaklase.
Tumawa na lang rin ako sa kanila at umupo sa aking upuan. Siguro hindi nila nararamdaman kung gaano ako kasaya...
Ako lang ang umiyak sa buong klase matapos i-announce ni ma'am ang lahat ng kasali sa top.
First time kong makasali sa top...siguradong magiging proud ang mga magulang ko sa akin! Ang galing ko!
"Bes, bakit ka umiiyak?" natatawang tanong sa akin ni Frissha. Ang bestfriend ko.
Suminghot ako bago sumagot. "First time kong makasali sa top, eh!" masaya kong tugon habang pinupunasan ang aking mga luha.
Tumawa lang ang bestfriend ko. Ang bestfriend ko ang laging top 1 sa klase simula grade 1 hanggang ngayong grade 4 kami. Matalino siya kaya hinahangaan ko siya! Nung first time niyang maging top 1, hindi siya umiyak sa harap ng klase dahil sa saya.
"Uy! First time makasali ni Elisha sa top! Siguro kung hindi ka laging naglilinis ng banyo natin, hindi ka makakasali sa top. Kaya buti na lang bida-bida ka!" sabi sa akin ng babaeng kaklase ko.
Hindi ako kumibo nun.
"Hoy Dela Cruz! Manahimik ka nga! At least nga may award, eh!" pagtatanggol sa akin Frissha.
Tumawa na lang ako nun at hindi nagsalita. Deserve ko ba 'to? Tama naman ang sabi niya...naglilinis ako ng C.R ng room namin...
Hindi ko na inisip 'yun at inisip ko na lang na nakasali na ako sa wakas sa top! pangarap kong makasali sa top, kahit top 10 lang! Pero hindi ko inaasahan na mas mataas pa ang makukuha kong award! top 5!
Masaya kaming kumain ng mga kaklase ko. Farewell party namin nun. At feeling ko ako na ang pinakamasayang bata sa buong mundo. Nakipag-agawan pa ako ng spaghetti sa mga kaklase ko para may mai-uwi ako sa pamilya ko.
I think of those times that...my parents will finally be proud of me ones they know my first ever achivement.
Masaya akong umuwi sa bahay dala-dala ang spaghetti na inuwi ko para sa kanila.
"Mama, Papa! May dala akong spaghetti. At saka...top 5 ako sa klase!" masaya kong bigkas na animo'y nag so-sorpresa sa kanila. Tinaas ko pa ang award certificate ko.
Bumaling sa akin ang nanonood ng basketball na si Papa. Si Mama naman ay nagluluto. Hindi pa ako nakakapag-bihis nang sabihin ko sa kanila 'yon. Ang dungis ng mukha ko, at gusot-gusot ang aking uniform. Na-excite kasi akong sabihin na sa kanila.
"Oh, talaga? bakit top 5 lang?" tinaasan ako ng kilay ni Papa.
Bigla akong kinabahan sa komento niya. Mataas naman ang mapasali sa top 5, ah?
"Baka nangopya ka lang, mabuti at nakasabit ka pa!" sigaw ni Mama mula sa kusina.
Nagbaba ako ng tingin. Parang nabigla ang puso ko nang marinig ko iyon galing sa kanila. Bakit iyon ang sinasabi nila? Kasama na ako sa top. Aminado naman akong nangongopya ako sa klase...pero 'yung iba naman pinag-aralan at pinagsikapan ko nang mabuti.
YOU ARE READING
Tanda
Teen Fiction"Hindi ka magaling...pero kaya mo." That was the exact word he said to me that l will never ever forget from that old man. I'm a rebel daughter. I am just a youth who's trying her best to make her family proud-BEFORE. But not anymore. I'm now a yout...