21: Just try, and you will see

11 1 0
                                    

Just try, and you will see

[Elisha]

"Wala kang kwentang anak!" 

"Hindi ka magiging kasing galing tulad ng kuya mo!"

"Nakakahiya ka Elisha!"

"Kailanman ay hindi ka namin naintindihan. Sarili mo lang ang iniisip mo!"

"Palagi kang palpak. Isa kang kahihiyan sa pamilya!" 

Takip-takip ko ang dalawang tenga ko habang pilit akong tumatakbo upang makatakas sa mga bumubulong sa palagid ko. Ngunit hindi sila nawawala kahit ano'ng takbo ko at parati kong naririnig ang mga bulungan nila kahit saan ako magpunta.

Hindi ako tumigil sa pagtakbo. Ang mga luha ko'y sumasabay sa pagtulo ng aking pawis sa noo. Walang tigil din sa pagtulo ang dugo sa aking pulsuhan dahilan upang kumalat ang dugo sa sahig

Patuloy lang ako sa pagtakbo at halos mawalan na ako ng hininga. Naririnig ko ang mabigat kong pag-hinga. Hanggang sa napatigil na lang ako at napaupo sa sahig. Takip-takip ko pa rin ang aking mga tenga gamit ang mga palad ko, nanginginig ang mga labi ko habang ako'y humihikbi

"T-Tama na..." Kinagat ko nang mariin ang aking labi hanggang sa malasahan ko na ang dugo. Niyakap ko ang mga tuhod ko. Rinig na rinig ko pa rin ang mga bulungan sa paligid. Hindi sila nawawala kahit ano'ng gawin ko.

"A-Ayoko na...Tama na. Tigilan niyo na ako!" 

Napabalikwas ako ng bangon at bumungad sa akin tabi si Tanda na may pag-aalala sa mukha. Habol-habol ko ang aking hininga at tagaktak ang aking pawis sa katawan. Ilang segundo ko pa prinoseso ang pangyayari at napahinga ako nang maluwag nang mapagtanto na panaginip lang ang lahat ng iyon.

"Binabangungot ka, Poppy. Kanina pa kita ginigising at salamat sa Diyos at nagising ka." Inabutan niya ako ng isang baso ng tubig at kaagad ko naman iyong tinanggap at ininom. Ramdam ko ang uhaw na para bang totoong tumakbo ako.

Kumuha si Tanda ng pamaypay at pinaypayan ako. Napahilamos ako sa mukha ko at tila nanghihina ako sa napaniginipan ko. Nangilid ang mga luha sa mga mata ko at bago pa iyon tumulo ay nagpaalam na ako kay Tanda at lumabas ng bahay. Nagaalala man ay pumayag pa rin si Tanda.

Nang makalabas ako'y doon ko na binuhos ang mga luha ko. 

Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak, basta ang alam ko lang ay bigla akong nakaramdam ng kahinaan habang inaalala ko ang mga bumubulong sa panaginip ko.

TandaWhere stories live. Discover now