9: They don't know

15 1 0
                                    

They don't know

[Elisha]

"Elish!"

Hindi pa ako nakakapasok sa loob ng bar ay sumalubong na kaagad sila Charlie sa akin. Palihim kong binaba ang mangas ng longsleeve polo ko para matakpan ang sariwang sugat ko sa pulsuhan.

Pasado alas otso na ng gabi at tumakas lang ako sa bahay dahil alam ko namang hindi nila ako papayagan. But I don't care if they get mad at me again. I just really want to leave that house and to be with my friends.

Dahil hanggang ngayon natatakot pa rin ako maski sa sarili ko. Natatakot ako na baka kapag nag-stay ulit ako sa kuwarto ko mag-isa ay magtangka na naman akong patayin ang sarili ko nang wala ako sa katinuan.

Kailangan kong mabalik ang sarili ko sa tamang pag-iisip kahit mahirap.

I tried not to look miserable after what happened earlier.

Matamis akong ngumiti sa kanila.

Lumapit sa akin si Charlie sabay marahang palo sa braso ko. "I-beer mo na lang 'yan," aniya at iniabot niya sa akin ang isang bote ng beer at agad ko naman iyong kinuha.

Bumalot ng katahimikan sa pagitan naming apat kahit na maingay ang buong lugar. Nagpapakiramdaman kung sino ang magsasalita.

This is awkward. Hindi ko alam kung ano'ng sasabihin ko sa kanila. Up until now I can't recall myself and can't put back myself together.

Sariwa pa rin sa isip ko na muntik ko ng mapatay ang sarili ko kanina at hindi ko alam kung makakaya ko bang umaktong okey sa harap nila. Hindi ko na sa kanila sasabihin ang nangyari dahil mag-aalala sila.

Kung ano man ang nangyari sa akin, sa akin na lang iyon. Ayoko ng may madamay pa sa kagagawan ko. Lalo na pagdating sa kanila.

Alam ko naman na may ideya na sila sa kung anong resulta ng mga grades ko. Nakaka-overwhelm lang na ganito 'yung trato nila sa akin ngayon matapos ko silang pagsabihan ng masasakit na salita.

Pero heto sila ngayon...binibigyan ako ng beer na parang walang nangyari. Ramdam ko rin na ayaw nila akong mapahiya sa harap nila bagkus ay dinadamayan nila ako ngayon base on their actions. I felt grateful somehow.

Biglang nangilid ang mga luha sa mata ko nang maalala ang ginawa ko sa sarili ko kanina. Palihim kong pinunasan ang mata ko at tumikhim. "Cheers?" Tinaas ko ang beer ko at tinaas din naman nila ang kani-kanilang beer.

"Cheers!" Sabay-sabay naming sigaw at nagtawanan.

"Oks lang 'yan. Grades lang 'yan. Eto kami oh? Gold kami!" Pilyong singhal ni Adriel sabay gulo ng buhok ko.

Ngumisi ako. "Oo na, dami mong ebas." Biro ko.

Umakto naman siyang nasasaktan at humawak pa sa kaniyang dibdib. "Ouch, 'wag."

Natawa na lang ako at napailing-iling. "Tara na nga't tumugtog! Miss ko na mga baby drums ko," bulalas ko.

Ngumuso si Charlie. "Kami, 'di mo miss? Sige, ganiyan pala, ha. Tara na nga Adriel!" Pagdra-drama ni Charlie sabay akbay kay Adriel at umirap muna sa akin bago pumasok sa loob ng bar.

Hindi ko mapigilang matawa sa kanila. "Mga loko."

Natawa na rin si Grey na tahimik at hindi umiimik sa tabi ko. Tumayo siya sa harap ko at pinakatitigan ako. Tinitigan ko rin siya.

"You did a good job. Napatunayan mo na ang sarili mo. Kitang-kita namin 'yon...hindi lang nila makita." Malumanay na sabi niya.

Pinigilan ko ang sarili kong maging emosyonal sa harap niya.

TandaWhere stories live. Discover now