5: Maling dereksyon

22 1 0
                                    

Maling dereksyon

[Elisha]

Triggered warning: abuse

Nasaksihan namin kung paano hampasin nang malakas si Elle ni Franz gamit ang kaniyang mabigat na kamay. At dahil sa lakas ng impact ay napasubsob si Elle sa lupa.

Bago pa namin maawat si Charlie na sumugod ay nagawa na niyang ibato sa gawi ni Franz ang kaniyang sapatos at sapul na sapul iyon sa ulo ni Franz.

Gulat na napatinginn sa amin si Elle.

At dahil doon ay napatingin si Franz sa puwesto namin, pati na rin ang apat na lalaki na batid kong mga tauhan niya na kasama rin sa humabol sa amin kahapon!

Napapikit ako nang mariin habang sila Adriel naman ay halatang namo-mroblema na rin sa ginawa ni Charlie.

"Oh! Tignan mo nga naman kung sinong andito ngayon. Tamang-tama ang dating niyo," bulalas ni Franz na parang hindi alintana na binato siya ni Charlie sa ulo gamit ang sapatos nito.

"Tangina mo, tigilan mo si Elle! P'wede ka naming i-report gago ka!" Pulang-pula na ang mukha ni Charlie dahil sa galit at pagtitimpi. Nakakuyom ang kaniyang kamay na animo'y gusto nang manapak.

Habang si Adriel at Grey naman ay nakahawak sa magkabilang balikat ni Charlie. Halos gusto na ring sumugod ng dalawa.

Tinignan ko si Elle na nakasubsob sa lupa. Gulat pa rin siyang nakatingin sa amin. Basang-basa ang mukha niya na batid kong bakas iyon ng luha, ang kaniyang jacket ay nakatapon sa kung saan dahilan upang makita ang kaniyang mga pasa sa kaniyang mga braso. May dugo ang kaniyang gilid ng labi habang ang buhok niya'y gulo-gulo.

Napakuyom ang mga kamao ko habang pinagmamasdan ko ang takot na takot na si Elle. Parang gusto ko na ring sumugod.

"labas na kayo sa kung ano'ng gusto kong gawin sa girlfriend ko," tugon niya at bahagyang sinuklay ang buhok ni Elle. "Sa katunayan nga'y ako ang biktima rito. Bumabangka sa kabilang bangka ang pinakamamahal kong girlfriend. Sa tingin niyo ba'y hindi ako nasasaktan na makitang nakikipag-landian sa iba ang girlfriend ko?" Nag-paawa effect pa ang gago.

Bahagya siyang lumuhod sa tabi ni Elle at hinawakan niya ito sa kabilang pisngi ng babae. "Pero kahit na malandi ka, kaya kitang tiisin para lang manatili tayo hanggang dulo. Ako lang ang kayang magtiis sa 'yo, Elle. Walang magmamahal sa 'yo kundi ako lang!" Nangingilabot ako habang binabanggit niya ang mga salitang iyon.

Fuck, baliw ba ' to?!

Akmang susugod na si Charlie ngunit hinawakan ko siya sa kaniyang braso at sinenyasahan na huwag munang sumugod. At laking pasasalamat ko nang sumunod naman siya.

Bumuntong-hininga ako at bumaling kay Franz. "Gusto ka na nga niyang layuan eh. Pinanganak ka bang bobo? Nakadepende kay Elle kung kanino siya sasama at sigurado akong hindi ka niya pipiliin 'pag nagkataon." Seryoso kong sambit. Nakita ko kung paano umigti ang panga ni Franz sa sinabi ko.

Bumaling ako kay Elle na punong-puno ng pag-alala ang mga mata. "Hindi namin kayo irereport basta hayaan niyo lang mamili si Elle sa kung kanino niya gustong sumama." Muli akong bumaling kay Franz. "Kung ikaw pipiliin niya, edi magpakasaya kayo sa relasyon niyo habang buhay. Kung pipiliin niyang sumama sa amin, edi mas maganda. Matatapos ang kaguluhang ito na walang masasaktan sa atin. So, Elle. chose between us and your fucking boyfriend." Kalamado kong hamon.

Bahagya akong hinawakan ni Charlie sa balikat. "Stop this nonsense. Ikaw na rin ang nagsabi na obssess ang lalaking 'yan, sa tingin mo ba maayos mo 'yan na mapapakiusapan?" Gigil na wika ni Charlie.

TandaWhere stories live. Discover now