Prove
[Elisha]
Naalimpungatan ako sa pagkakatulog dahil sa ingay na nanggagaling sa baba. Rinig ko ang sigaw ni Mama mula sa kwarto ko. Mukhang nagkakasiyahan sila sa baba.
Ano na naman bang meron.
Inis akong bumangon sa pagkakahiga at kinusot ang nanlalabo kong mga mata. Kinuha ko ang phone ko at tinignan ang oras.
7:37 am. Nyeta napaka-aga para magising.
Bagsak balikat akong bumaba upang matignan kung ano ba ang pinagkakaguluhan nila sa ganitong kaaga.
Hahakbang na sana ako sa huling hagdanan nang biglang sinalubong ako ni Mama dala-dala ang kaniyang malawak na ngiti.
"Elisha! Mabuti't nagising ka na. Tulungan mo akong mag-hiwa ng sibuyas at maghahanda tayo. Kasama ang Kuya mo sa dean's lister!" Nagagalak na aniya at pumunta na sa kusina.
Napatigil ako at ilang segundo pa akong nakatayo bago tuluyang pumunta na sa kusina. Tila pinopreseso pa rin ng utak ko kung ano ba'ng kaganapan ngayon.
Pagpunta ko sa kusina ay punong-puno ito ng mga putahe at iba pang mga sangkap sa kung anong lulutuin ni Mama.
Napakamot ako sa ulo at umupo na lang sa lamesa upang makapaghiwa ng sibuyas na inutos sa akin ni Mama.
Wala pa rin ako sa katinuan at tila gusto pang bumalik ng katawan ko sa kama at mahiga. Wala sa sarili kong hiniwa ang sibuyas. Bumaling ako kay Mama na naghahalo ng kaniyang niluluto.
"Asa'n sila Papa?" Tanong ko.
"Bumili sila ng softdrinks. Bilisan mo na diyan at igigisa ko na 'yan." Pagtukoy niya sa sibuyas na hinihiwa ko.
Hindi na ako nagsalita pa at nagpatuloy na sa paghihiwa. Ilang minuto pa at dumating na sila Kuya dala-dala ang kanilang pinamili. Nakangiting ginulo ni Papa ang buhok ni Kuya.
"Galing talaga ng anak ko. Ano'ng gusto mong regalo, ha?" Masayang aniya at inilagay sa lamesa ang kanilang pinamili.
Kilalang karpintero si Papa sa lugar namin. Nagta-trabaho siya sa isang company kung saan sila gumagawa ng mga furnitures at iba pa. At mukhang wala yata siyang pasok ngayon pati si Mama.
"Hindi na kailangan, Pa." Natatawang tugon naman ni Kuya.
Napasinghap ako nang mahiwa ng kutsilyo ang daliri ko at doon ko lang napagtanto na wala sa sibuyas ang atensyon ko...kundi nasa kila Kuya na masayang nakwe-kwentuhan.
May konting dugong lumabas sa hintuturo ko. Mukhang hindi naman nila napansin iyon marahil busy sila sa pagkwe-kwentuhan. Sinubo ko ang hintuturo ko at bahagya kong sinipsip ang dugong lumabas doon.
Tumayo ako dala-dala ang sibuyas na hiniwa ko at inilagay ko iyon sa tabi ni Mama. Kinuha naman niya iyon at pinagpatuloy ang pagluluto.
They're all happy again. And that's bacause of Kuya. They're always proud of him.
Muli akong umupo at tahimik na pinagmamasdan kung gaano kasaya ngayon sila Mama.
"Alam mo ba, kapag napapasama ako dati sa dean's lister? Nako! Ang Lolo mo, awtomatiko 'yong nagpapakatay ng isang buong baboy!" Masayang kwento ni Papa at namangha naman si Kuya.
"Seryoso? Grabe naman 'yong isang buong baboy." Mahinang tumawa si Kuya.
"Aba syempre! Nako kung buhay pa ngayon ang Lolo mo, tiyak na magpapakatay iyon ng baboy!" ani Papa.
YOU ARE READING
Tanda
Teen Fiction"Hindi ka magaling...pero kaya mo." That was the exact word he said to me that l will never ever forget from that old man. I'm a rebel daughter. I am just a youth who's trying her best to make her family proud-BEFORE. But not anymore. I'm now a yout...