Away from them
[Elisha]
"Mga luma na ang mga instrumentong ito," sambit ni mang Jim habang pinagmamasdan ang mga instrumentong nasa harapan namin. "Noong bata bata pa ako ay plano ko dapat magbuo ng banda, ngunit sa kasamaang palad naaksidente ako. Pagkatapos no'n, lumayo ako at lumipat dito kasama ang mga instrumentong ito."
Andito kami ngayon ni Tanda sa bahay ni mang Jim. Gusto niya raw kasing ipakita sa akin ang kaniyang mga natatagong instrumento marahil tiyak na p'wede ko raw iyong magamit, since natatambak na lang sa bahay niya ang kaniyang mga instrumento at wala nang gumagamit. Kinwento ko kasi sa kaniya na may banda ako at tumugtog na ako sa mga iba't-ibang band contest. Tuwang-tawa pa nga siya sa akin nung kinwento ko iyon kasi raw na-achieve ko na iyon sa murang edad.
Napapadalas na rin ang pagtugtog ko sa park kasama ng mga batang kolokoy at marami rin naman ang kinikita namin kahit papaano. Mas narealize ko pa kasi habang tumatagal ang pangangalakal namin ay kulang pa rin pala ang aming kinikita. Akala ko madami na ang makikita sa pangangalakal lang, pero hindi pala. Kulang pa rin pala lalo na't dumagdag pa ako sa responsibilidad ni Tanda.
Nilapat ko ang aking mga daliri sa isang lumang drum set. Katabi nito ay may electric guitar at bass guitar at mayroon ding piano. Luma na ang mga ito at halatang hindi na nagagamit. Hindi ko tuloy mapigilang mamangha kay mang Jimmy at may parte sa akin na kating-kating tugtugin ang mga instrumentong ito.
"Sayang naman ang mga ito at walang gumagamit. Mabuti't hindi mo naisipang ibenta," ani Tanda at pinindot ang isang keyboard ng piano.
Natawa si mang Jim. "Nako lolo Matt. Hindi ko ibebenta ang mga iyan kahit anong mangyari. Aba't mahalaga sa akin ang mga ito. Ito na nga lang ang kasama ko sa buhay, ibebenta ko pa." Pilyong biro niya.
Nilibot ko ang aking paningin sa kaniyang bahay. Luma na rin ito at medyo may kalakihan. Sa labas ay may iba't-ibang nakatanim na mga halaman at bulaklak. Hindi ko lubos maisip na ganito ang bahay ni mang Jim sa kabila ng kaniyang parating pagtugtog sa park para makakita ng pera.
Napabaling ako kay mang Jimmy. "Bakit pa kayo tumutugtog sa park para makakuha ng pera, eh ang ganda pala ng bahay mo tapos may mga instruments ka pa?" Curious na tanong ko.
Napangisi siya. "Aba't syempre, tumutugtog ako ng magagandang musika, dapat may bayad din kahit papaano. Pera rin yun 'no."
Napatango-tango ako at nagthumbs-up sa kaniya. "Mismo." Napakagat ako ng labi at tumingin ulit sa mga instrumento. "Mang Jim? P'wede ko naman siguro 'tong gamitin, 'di ba? Since...wala namang gumagamit, ako na lang. Sayang naman, dapat itong mga precious na gamit na 'to, hindi tinatambak lang." Pinaangas ko ang aking boses. Hoping na pumayag siya.
Muli siyang natawa. "Syempre naman. Kaya ko nga pinakita sa inyo ang mga ito. Para saan pa ang mga instrumento kung walang mga musicians? Sa totoo lang ay matagal na akong naghahanap ng mga marurunong tumugtog, para naman ay magamit ang mga instrumentong kong ito kahit papaano." Kinuha niya ang kaniyang gitara at pinatong sa kaniyang hita.
HIndi ko maitago ang aking ngiti sa pagpayag niya. Matagal ko na talagang pangarap ang magkaroon ng sariling drum set, parati na lang akong nanghihiram sa kung kani-kanino. Saka matagal na rin ang lumipas simula nung huling tumugtog ako ng drums. Hindi ko aakalain na mapapadpad pa ako sa mga musikero rito.
"Ikaw, lolo Matt. Balita ko magaling ka rin daw tumugtog ng gitara, ah?" Pag-iiba ni mang Jimmy sa usapan.
Napabaling ako kay Tanda na pinagmamasdan ang mga halaman sa labas. Naalala ko tuloy yung nakita kong larawan niya habang may hawak-hawak na gitara.

YOU ARE READING
Tanda
Teen Fiction"Hindi ka magaling...pero kaya mo." That was the exact word he said to me that l will never ever forget from that old man. I'm a rebel daughter. I am just a youth who's trying her best to make her family proud-BEFORE. But not anymore. I'm now a yout...