18: Salamat

9 1 0
                                    

Salamat

[Elisha]

"Elisha...Poppy S. Lozano?" Kunot noong mabagal na bigkas ni Tanda sa pangalan ko habang hawak-hawak ang wanted poster ko. Hirap siyang magbasa marahil batid kong malabo na ang kaniyang mga mata.

Kinuha ko sa kaniya ang wanted poster ko. "'Di ba? Naging wanted person pa 'ko. Ang panget nga lang ng picture ko rito tsk." Napailing-iling ako. Kinwento ko kasi sa kaniya na ilang beses na akong lumayas sa bahay namin na umabot pa sa puntong napaskil ang mukha ko sa buong lugar namin, hanggang sa wala nang magawa ang mgulang ko at hinayaan na ako na umalis sa puder nila.

Bumuntong-hininga si Tanda at bumaling sa akin. Ewan ko kung nag-aalaa ba siya o ano eh. Considering na mapag-alala talaga ang mga matatanda. "Siguradong malalim ang dahilan mo kung bakit gano'n-gano'n na lang ang trato mo sa magulang mo."

Nag-iwas ako ng tingin at umupo sa bintana. Gabi na at kitang-kita ko ang mga bituin at buwan sa itaas. Rinig ko ang simoy ng hangim at tinatangay nito ang mga puno't halaman. Tatlong araw na ang lumipas simula noong sabihin ni Tanda na p'wede akong manatili sa bahay niya hanggang kailan ko gusto. Hindi ko na tinanong kung ano'ng dahilan niya, bagkus ay mas nakampante pa ako na mayroon na akong matutuluyan pansamantala. Nakakalakad na rin ako nang maayos kaya nakakasama na ako sa pangangalakal ni Tanda. Hindi naman siya tumutol na mangalakal ako, in fact tinuruan niya pa ako ng ilang technique para makakita nang malaki sa pag-iipon ng mga bote.

Naramdaman kong umupo rin siya sa tabi ko. Hindi ako bumaling sa kaniya. "Marami akong napapansin lalo na sa mga kabataang katulad mo. Karamihan ay kung tawagin ay rebelde sa mga magulang nila at mas pinipili ang bisyo at barkada kesa sa pag-aaral." Tumigil siya saglit bago nagsalita. "Napapatanong din ako bilang matanda, bakit gano'n na nga lang ba kumilos ang mga kabataan ngayon? Ibang-iba ang henerasyon noon kumpara ngayon."

Kumunot ang noo ko at napabaling sa kaniya. "Ano ba ang generation noon at palaging pinagmamalaki ng mga matatanda na mas maayos ang mga kabataan noon kumpara ngayon?" Tunog sarkastiko kong tanong.

Muntik na akong napairap. Nagpe-pep talk na naman si Tanda.

Napangiti si Tanda at bumaling sa kung saan. "Alam mo hija, maayos ang buhay noon...magalang at disiplinado ang mga tao. Pero wala kang kalayaan sa higpit ng mga batas. Wala kang magagawa kundi sundin ang mga batas kahit hindi ka sang-ayon. Mas mahirap ang buhay noon kumpara ngayon. Ang pinagkaiba lang sa henerasyon ngayon...ay may kalayaan ang mga taong gawin ang gusto nila, kahit masama man o hindi. Inaabuso nila ang kalayaan na kanilang tinatamasa, kaya gano'n-gano'n na lang siguro ang sistema ngayon. Kaya siguro naaapektuhan na rin ang mga kabataan sa akala nilang kalayaan, pero ang totoo ay hindi. Sige, sabihin na nating may kalayaan kayo sa kung ano'ng gusto niyong gawin...pero kulong naman kayo sa sistema. Sistema ng pinaglalaban ninyong kalayaan."

Wala sa sariling Napaisip ako sa kaniyang sinabi. "So, ano'ng ibig mong sabihin?"

Tipid siyang ngumiti sa akin. "Ang ibig ko lang sabihin ay dapat mas bigyang pansin ang mga kabataan ngayon. Sa halip na husgahan at maliitin sila, dapat lang na pakinggan rin naming mga matatanda ang kanilang mga hinaing. Hindi kayo magiging ganito ka-miserable kung walang sapat na dahilan. Tapos na ang boses naming mga matatanda, panahon na para pakinggan naman namin ang mga bata."

Makahulugan niyang wika na tumatak sa isip ko buong gabi.

*****

"ATE, padamihan ng bote!" Singhal sa akin ni Angelito at tinapat sa akin ang sako niyang halos puno na ng bote.

TandaWhere stories live. Discover now