FORBIDDEN
Ms. M
Salamat po sa lahat ng suporta.. Madalian lang po ang lahat. Hindi po ako magaling. Pipilitin parin.. See you next update 👇...THIRD PERSON POV
NAKAUPO SA SOFA habang nakatutok sa kanyang pinapanood. Hindi nya maiwasan malungkot dahil sa kanya nabalitan matapos ang ilang linggo na naging tahimik naman ang kanilang buhay. Matapos nya malaman na hindi anak ni Shann ang dinadalang bata ng babaeng iyon.
Kahit masakit man sa kanya na ginugulo nito ang kanilang pamilya.
Kahit nasaktan man sya hindi nya na nais gumanti kay Belledonna dahil hindi naman sya masamang tao.
Hindi sya masamang tao para gawin ang bagay na iyon.Dahil sa tingin nya nanahimik na si Belladonna matapos ang nalaman nyang hindi pala iyon anak ni Shann. Gusto man nyang sugurin ito pero si Shann na mismo ang nagsabi na wag na gawin ang kanyang nais dahil baka mapahawak sya.
Napaluha na lamang sya habang nakatingin sa kanyang pinapanood.
Hindi nya alam kung bakit sya umiiyak habang nakatingin sa pinapanood nyang balita na isang condominium nasusunog habang ipinapakita sa TV iyon.Napapunas na lamang sya ng kanyang luha habang tuloy tuloy ang agos ng kanyang luha. Sa ngayon bakit nagiging iyakin na sya.
Nagiging emosyonal ang kanyang sarili habang pinapanood ang balita.Dahil walang ibang balita kundi ang nasusunog na condo unit rin ni Belladonna na sa pagkakalaam nya ay nakatira ang babaeng iyon sa condo na iyon dahil iyon ang sabi ni Shann.
Wala syang nagawa kundi maluha dahil sa sinapit ni Belladonna na nasunog ito sa nag-aapoy na unit nito. Wala na pala si Belladonna dahil patay na ito.
Patay na ito dahil iyon ang kanyang nalaman mula kay Shann galing din kay Adonis at lalo na sa kanyang pinapanood na binabalita ngayong gabi.
Hindi nya alam kung bakit sya napapaluha na lamang. Dahil na rin sa kanya mga sinabi rito na susunugin nya ito ng buhay kapag nalaman nyang nagsinungaling ito sa kanya pero nangyari ang kanyang mga sinabi..
Para syang nalokosenya dahil parang kasalanan nyang mamatay ito at nasunog sa unit nito.Nagiging emosyonal sya dahil naalala nya ang anak nito na hindi man lamang naranasan mabuhay sa mundong ibabaw.
Hindi naranasan dahil kasama itong nasunog kasama ang ina nito."Mama? Bakit ka umiiyak?." tanong sa kanya ni Skyler na malungkot din ang mukha nitong nakatingin sa kanya na tumabi pa ito sa kanya.
Sumiksik ito sa kanyang tagiliran kaya hinaplos nya ang ulo nito.
"Wala nak.. Nakakaiyak kasi ang pinapanood ko.." sagot nya rito kaya napatingin naman ito sa kanyang pinapanood na may pagtataka sa mukha nito.
"Mama?." taka nitong sa kanya.
Saka naman dumating si Shann na may dala itong pagkain na ipinapaluto nya rito.
Agad nitong pinatay ang TV kaya napapunas na lamang sya sa kanyang luha bago nakangiti nakatingin sa pagkain nitong dala.
"Why are you crying? May problema ka ba?." taka nitong tanong sa kanya kaya umiling na laman sya bilang sagot dito.
"Daddy, umiyak si Mama. I dunno?." kibit balikat ng kanyang anak na nagtataka rin ang mukha nito.
Tumabi si Shann sa kanya bago sya nito inakbayan.
"May problema ba tayo? You can tell me baby. Nanood ka lang TV naiiyak ka na?." tanong nito sa kanya kaya umiling na lamang sya.
Sumiksik sya dibdib nito bago inamoy iyon.
"Wala, nakakaiyak lang iyong balita ganoon. Kaya ganoon talaga. Wag mo na akong intindihin dahil ayos lamang ako." nakangiti nyan tugon nito bago suminghot sa damit nito.
BINABASA MO ANG
Forbidden (unedited)
RomancePagmamahal na nagsimula sa bilang magkapatid. Matuturuan ba ang pusong umibig sa taong kapatid ang turingan nyo? Pag-ibig na nabuo sa isang magkapatid nga ba? Mapipigilan ba ang umibig kahit bawal? Forbidden love Start:June 8,2021 End:June 14,2021...