Chapter 3

256 5 0
                                    

FORBIDDEN


-THIRD PERSON (author)





"Balut!!!Balut!!." sigaw ng kanyang Kuya Shann habang naglalakad sa pasikot sikot sa kalye. Dahil kapag sa maraming bahay ay maraming bumibili.
Gabi na pero andito parin sila sa labas para maibenta lahat ng balut at penoy na rin.
Mabuti namam at maraming bumibili sa kanya na kabataan na parang masayang makita ang kanya Kuya.
Ang iba naman at marami ang binibili at sinasabi balik rin sa susunod si Kuya kaya tumatango na lang ang kanyang Kuya hindi nito hilig ngumiti.

"Kuya? Anong oras na po pala?." tanong nya dito. Tumigil ito at tumingin sa kanya.

"Sandali titingnan ko lang." binaba nito ang basket na may lamang balut at penoy ganoon rin ang suka.

Kinuha nito sa bulsa ang maliit na keypad na cellphone at tiningnan ang oras doon.

"Alas Syete pa lang ng gabi. Kapag naubos na ito uuwi na tayo. Bakit? Gutom ka na ba?Gusto mo bang kumain? Bibili ako ng makakain." sabi nito sa kanya pero umiling sya dito.

Kahit gabi ay maliwanag naman ang kanilang dahil na rin sa may ilaw bawat poste pero may parte na medyo madilim.

"Tara ba Kuya? Para makauwi tayo agad. Ako na lang sisigaw para maraming bumili."kumindat pa dito pero tahimik itong tumitig sa kanya.

"Hello po Kuya? Tara na po?." yaya nya dito dahil parang natutulala ito sa kanya.

Nabalik ito sa realidad at agad na umiwas ng tingin sa kanya at kinuha ang basket na may lamang ibebenta nila.

"Itlog!! Itlog nyo dyan! Bili na kayo ng itlog ng Kuya ko!!." sigaw nya habang naglalakad pero napatigil sya dito ng hawakan sya nito sa balikat at seryoso ang mukha nitong tumingin sa kanya.

"Bakit?." nagtataka nyang tanong dito pero kumunot ang noo nito sa kanya.

"Don't say that again. It's balut not egg. Not my egg okay?." ayan na naman ang ingles na salita nito.

"Huh?." nagtataka nyang tanong dito.

Kumunot noo lalo ito na parang napupuno na sa kanya.

"Nakikipagbiruan ka ba sa akin Alexa? Sabi ko balut ang isigaw mo hindi itlog. God!." umikot pa mata nito kaya napatawa sya dahil dito.

"Okay okay po Kuya? Balut na kung balut pero para kang bakla umiikot iyang mata mo."puna nya dito.

Pumantay ang labi nito na seryoso sya nitong tinignan nito.

"Don't call me bakla." sabi nito sa kanya na hindi nya masyadong naintindihan.

"Sorry na nga kasi Kuya Shann. Nadulas lang naman ako saka itlog lang naman iyong balut di ba?."
Nagtataka nyang tanong dito pero iniwan sya nito at naglakad na.

Sumigaw ito ng balut habang naglalakad sila kaya sya nanan ay nakasunod dito baka naiinis na ito sa kanya.

Mayroon rin bumibili sa kanya na iilan at nagsisilabasan sa kalsada habang sya ay nakamasid lamang dito. Hindi na sya nagsalita pa.

"Iho? Syota mo ba iyang kasama mo?." tanong sa kanya ng isang Matanda pero umiwas lamang sya ng tingin. Hindi nya alam ang salitang girlfriend. Hindi kasi sya nito pinapansin baka galit ito sa kanya?

Tumingin ito sa kanya pero umikot ang kanyang mga mata. Hindi na sya nito pinapansin. Nakakatampo naman.

"Hindi ho Manong kapatid ko po iyan.," sagot nito sa Matanda kaya napatawa na lang ang matandang lalaki.

"Ha ganoon ba? Akala syota mo. Pasenya na ah masyado akong mapagtanong." mukhang napahiya ito sa tanong nito.

Tumango na lang ang kanyang Kuya na wala yatang balak ngumiti.

Forbidden (unedited) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon