Chapter 20

173 3 0
                                    

FORBIDDEN

Ms. M
#wala akong maisip



THIRD PERSON POV



"Kanina ka pa umiikot iyang paningin sa loob ng bahay na para bang kinakabisado mo ang bawat sulok." pukaw sa kanya ng kanya kapatid habang nakatayo sya sa may sala habang umiikot ang kanyang mga mata sa loob ng napakagandang bahay.

Hindi nga talaga nagkamali? Magandang bahay pero hindi nya alam kung masaya ba talaga manirahan sa loob ng bahay na ito?
Dahil sobrang laki kung tutuusin parang hindi nya ito kayang linisin di kagaya doon sa dati nilang tinirhan.

"Ewan ko lang kuya ah? Napakalaki ng bahay na ito." sagot nya dito.

Umangat lamang ang sulok ng labi nito at umupo sa napakalinis at magandang sofa.

Nakapaganda naman ng sala nila kung ito talaga ang kanilang titirhan.
Parang tingin nya ay pangmayaman lang talaga ito.

Ilang beses pa lamang nya itong nakita pero hindi pa niya ito pinapansin.

Bumuga sya ng hangin at lumakad patungo sa ibang sulok na yaon.
Napakagandang kurtina nakaharang sa isang bintanang samalamin.

"Nanibibago ka pa rin ba? Simula ngayon dito na tayo titira kaya sanayin mo na ang sarili mo." na patingin sya sa kanyang kapatid na prenteng nakaupo sa sofa.

Ngumuso at tumango na lamang at napatingala sa chandelier na nasa itaas.

"Para kang pato dyan." puna sa kanya ng kanya nito.
Nangunot syang napatingin dito at binasa ang kanyang labi.

"What?." taka nyang tanong dito.

"Cute." sabi nito kaya nagtataka naman sya dito sa sinabi nito.

Umiling ito sa kanya at kinuha ang phone nito sa bulsa nito at iyon ang pinagkakaabalahan.
Hindi na lamang nya ito pinansin dahil baka may katext ito sa phone nito.

Kaya naisipan na lamang nyang buhatin ang hindi naman karamihang damit na nalagay sa look ng medyo malaking bag.

Tinotoo nga ang sinabi ng kanya Kuya Shann na agad silang lilipat dito. Mabuti na lamang ay iilang gamit lamang ang kanilang dinala patungo sa bahay na ito. Mabuti na lamang at may kinuha ang kanya Kuya Shann na mga lalaking magdadala ng mga gamit nila at ihatid dito.

Akala nya dadalhin lahat ng gamit galing sa kanilang tinitirhan pero hindi naman pala na syang pinagpapasalamat nya dahil anumang oras ay pwede syang makapunta doon.
Hindi naman daw pala kailangan ang ibang gamit sa loob ng bahay na iyon.
Gamit lamang nila ang kanilang dinala at iba pang importante.

Nagsimula na syang humakbang patungo sa taas para dalhin na nya ang kanyang ibang gamit na natira.
Wala yatang balak ang kanyang kapatid na samahan sya sa taas baka mawala sya? Hindi naman sa ganoon.

Ngayon lamang sya aapak dito na parang bahay na talaga nila? Bahay ito ng kanya kapatid. Nagtataka sya kung bakit ito nagkabili ng ganito pero alam naman nyang ito ay dahil sa tiyaga at pagtatrabaho nito.

"Nice butt." rinig nyang sabi ng kanya kapatid kaya agad syang napalingon dito pero abala ito sa phone nito.

Napailing na lamang tuloy sya dahil baka anong sinasabi naman nito.

"Tutulungan na kita. Bakit hindi mo na lang iyan inutos sa akin? Ako na baka mapagod ka pa nya. Haist!." rinig nyang sabi nito.
Alam nyang sya ang sinasabihan nito pero hindi man lamang sya lumingon dito.

Mapapagod ba sya? Hindi naman ganoon kabigat saka sanay naman sya mabibigat na iyan.

Nabigla nya ng may humawak sa kanyang kamay kaya nagtataka syang tumingin dito.

Forbidden (unedited) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon