Simula

621 6 0
                                    


FORBIDDEN







All rights reserved. No part of this book may be reproduced in any form without the permission from the author or publisher.







"Son? I'm sorry okay? Why are you acting like that?." tanong ng Ama nito sa bata habang nagdadabog papasok sa loob ng kwarto.

Agad naman sinundan ng Ama ang ang labing isang taong gulang na anak.
Hindi nito maintindihan kung bakit nagdadabog.

"Shann anak? I'm sorry. Ayaw ko ng ganito tayo. Mag-usap tayo."umupo Ama nito sa tabi nito para malaman kung ano ang binubuga nito.

"Shann? Let's talk." sabi nito sa anak pero hindi ito kumibo parang masama yata ang loob nito.

Hinawakan nito ang balikat ng anak at tinapik ng sa ganoon ay mapagaan lamang ang loob nito.
Gusto nitong malaman ang saloobin ng anak.

"Shann?." tawag nito sa anak.

"You know Daddy? Naiinggit ako. Lagi na lang sya ang natutukan nyo habang ako ay parang hindi nyo na pansin sa bahay na ito." may hinanakit na sabi nito sa Ama.

"That's not true Son," tugon nito sa binatilyo.

Labing isang taon pa lamang ito pero maganda na pangangatawan nito. Parang isang binata na.

"Minsan Daddy kapag may event sa school hindi kayo nakakapunta. Because of her, I dunno Daddy parang sa tingin ko sya ang mahal nyo ni Mommy kaysa sa akin." may pagtatampong sumbong nito sa Ama.

Napahinga na lamang ng mabigat ang Ama nito dahil sa sinabi nito.

"Son? That's not true. Mahal ka namin ng Mommy mo. Pantay ang pagmamahal namin sa inyo ng kapatid mo. May pagkakataon kasi na hindi kami nakakapunta dahil mas kailangan naming tutukan ang kapatid mo. Bata pa sya mas sakit sya kaya kailangan namin doble ang pagbabantay sa kapatid mo. "malumanay nitong paliwanag sa anak.

"Shann? Sana maintindihan mo kami. Mahal ka namin ng Mommy mo. Pasenyahan mo kami kung minsan hindi kami nakakatugon sa atensyon na kailangan mo Son. Ikaw iyong malakas at mas malaki na kaya hindi na masyadong alagain. Sana maintindihan mo kami anak." tinapik nito ang balikat ng anak.

"I'm sorry Daddy nagtatampo lang talaga ako. I didn't mean Daddy." panghingi ng tawad nito sa Ama.

Ngumiti ang Ama nito dito at tinapik tapik ang balikat nito.

"Son? May sakit ang kapatid mo.
Sana maintindihan mo Iyan pero hindi ibig sabihin noon hindi ka na namin mahal ng Mommy mo okay? Mahal ka namin pareho sana naman ay wag ka ng magtampo pa." huminga ito at tumingin sa anak na nakatingin na pala sa dito.

"Kapatid mo sya kaya mahalin mo sya ng walang kapantay. Walang ibang magmanahal sa kanya kundi tayo lang. Paano na lang kung wala kami? Ikaw na lang ang aasahan nya dahil ikaw ang Kuya nya.
Mahalin mo sya at alagaan dahil kapatid mo sya. Sana maintindihan mo iyon Son. "may kaseryosohan paliwanag nito sa anak.

Tumango ito bilang pagsang-ayon sa Ama dahil nauunawaan na yata nito ang ibig sabihin ng Ama.

Mali yata ang mga inaakto nito o napasama ang pagtatampo nito. Pero ngayon ay naiintindihan na nito.

"I'm sorry Daddy hindi na po mauulit." paghingi nito ng tawad sa Ama.

"Alam kong hindi mo sinasadya Son. Pero sana mangako ka sa akin na mamahalin mo ang iyong kapatid at hindi mo sasaktan. Dahil sya ang baby girl natin sa bahay." nakangiting sabi nito sa Anak.

Tumango naman ito sa Ama.

Kasabay ng pagbukas ng pintuan ng kwarto ay pumasok ang Mommy nito dala ang kapatid nito.

Ibinaba ng Mommy nito ang isang taong gulang na bata. Napakaganda at cute na bata dahil na rin sa namumula at matambok nitong pisngi. Ganoon rin ang medyo kulot nitong buhok

Napatingin ito sa kapatid nitong babae ganoon at sa Mommy nitong nakangiti lamang.

Hindi nito pala napapansin na maganda ang kapatid nito bakit na pagseselosan sa bagay na maliit lamang?

Nakatingin lamang ang mga magulang nito sa Anak na lalaki.

Inuunat nito ang kamay para salubungin ang napakagandang kapatid nito dahil patungo ito sa direksyon nito.

Dahan dahan ang paghakbang ng bata patungo sa kapatid nitong lalaki habang nakangiti pa ito.
Kita nito ang dalawa nitong ngipin sa gitna habang nakangiti pa dito.

"Baby Alexa? Come here." utos nya dito kaya humakbang na ito patungo dito.

Ng makalapit ito ay agad nitong niyakap ang inosente nitong kapatid.
Nakangiti itong tumitig ang batang babae at hinawakan nito ang maliit na kamay.
Maganda ang mukha nito na parang walang kapantay. Maganda ang mata nitong kumikislap habang nakatingin ito sa batang lalaki.

"Baby Alexa? Sorry huh? Simula ngayon mamahalin kita at aalagaan habang andito si Kuya para sayo. I will protect you from bad people. Kuya is always here for you and I will not leave you.
I love you baby Alexa." nakangiting sabi nito sa bata.
Parang naiintindihan nito ang sinasabi dahil kumislap ang mga mata ng bata at nakangiti ito. Na parang natutuwa sa sinabi nito.

Ngumiti ito at niyakap ang bata. Siguro ay mali ang kanyang inakto. Siguro mali ang inaakto nya pati bata ay pinagseselosan nito.

Simula ngayon at pinapangako nya na mamahalin nya ito at aalagaan habang nabubuhay.
Ang kanyang kapatid







..........TRY! HINDI EDITED

Pangit ba? Hindi ko po alam kahihinatnan ng lahat pero bahala na.
Ito po iyong napili ko para maiba naman. Wala po akong maisip. Comment po kayo kung papatuloy ka pa ba?

Forbidden (unedited) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon