FORBIDDEN
Ms. M
Pasenya na kung bitin? Pagtigayaan kong mapadali ito para matapos na.ThirdPersonPoV
"Alexa? Iha pakidala nga itong order ng costumer?." utos sa kanya ni Aling Rosita na may ari ng karinderya at sisigan na rin.
"Ah sige po Aling Rosing masusunod agad." kinuha nya ang pagkain na nakalagay sa tray para ibigay sa costumer na naghihintay lamang.
Nakangiti itong nakatingin sa kanya bago tumaas ang kilay.
Sandali nga lang? Saan ang ang anak mo? Bakit hindi mo sinama?." tanong nito sa kanya kaya napatigil sya.
"Ah sa bahay po naiwan muna ho sa kaibigan ko para makapagtrabaho po ako ng maayos." tugon nya dito.
Tumango ito sa kanya."Di ba ang sabi ko sayo? Pwede mo naman dalhin dito saka hindi naman alagain ang batang iyon. Kahit ako na ang magbabantay wala naman akong ginagawa." sabi nito sa kanya.
"Ah opo, pero nakakahiya naman po sa inyo Aling Rosita pero hayaan nyo dadalhin ko po dito." tugon nya dito kaya tumango ito sa kanya.
"Oh sya sige aasahan ko iyan parang apo ko na iyon eh. Dalhin mo na iyan." tugon nito sa kanya kaya nagmadali syang tumungo sa table kung saan dadalhin ang pagkain.
Sa karinderyang ito umaasa syang mabuhay at ang kanyang anak. Mabuti na lamang at mataas naman ang sweldo dito lingguhan lamang. Kaya may magagastos sya lagi.
Nakarating sya sa table na kanyang patutunguhan.
"Ito na po iyong pagkain nyo po Sir?." nakangiti nyang inilapag doon ang pagkain na binili nito.
Napatingin ito sa kanya na nakangiti.
"Naku naman Alexa? Sir? Parang hindi tayo magkakilala sa lagay na iyan ah?." patanong nitong sabi sa kanya.
Nakaupo ito sa upuan at kaharap nito ang medyo maliit na mesa.Napakunot noo na lamang syang nakatingin dito.
"Malamang Fernando? Trabaho ko ito kaya kailangan kitang tawagin sir? Okay? Kung wala ka ng oorderin aalis na ako dahil may gagawin pa ako." tugon nya dito.
Napailing itong ngumisi sa kanya.
"Ang sungit mo talaga sa akin noh? Parang kapag nakikita mo ang gwapo kong mukha nagiging masungit ka." napahilamos na lamang sya sa kanyang mukha dahil sa kayabangan naman nito.
"Ang hangin mo talaga noh? Kaya wala kang nagiging girlfriend dahil mahangin ka." diretsahan nyang tugon dito.
Napangisi itong napahawak sa dibdib nito bago kunwaring nasasaktan.
"Ouch? Ang sakit mo naman magsalita? Wala pa akong nagiging girlfriend dahil ikaw ang gusto kong maging girlfriend. Ayaw mo kasing ligawan kita eh." tugon nito sa kanya kaya napangiwi na lamang sya.
"Ay ewan ko sayo? Fernando Poe ayan ka naman sa kalokohan mo. Nagtatrabo ako kung wala ka ng ibang kailangan? Aalis na ako." sabi nya dito kaya napailing na lamang ito sa kanya at ngumisi pa.
"Wala na miss beautiful.."tugon nito sa kanya at kumindat pa kaya napailing syang napangiwi na lamang dahil sa pagtawag nitong miss beautiful.
Agad na syang tumalikod dito dahil puro kalokohan lang naman ang sasabihin nito.
Mabait naman si Fernando na taga rito sa lugar na ito.
May hitsura at lahat ng babae naman na taga rito ay parang nagkakaroon ng interes sa lalaking iyon.Moreno na may hitsura naman ang kanyang kaibigan? Naging malapit naman ito sa kanya pero parang kaibigan lamang ang turing nya dito.
Nakarating sya sa loob ng nakasalubong nya si Myra na kasamahan nya sa trabaho na may kakaibang ngisi ito sa labi.
BINABASA MO ANG
Forbidden (unedited)
Roman d'amourPagmamahal na nagsimula sa bilang magkapatid. Matuturuan ba ang pusong umibig sa taong kapatid ang turingan nyo? Pag-ibig na nabuo sa isang magkapatid nga ba? Mapipigilan ba ang umibig kahit bawal? Forbidden love Start:June 8,2021 End:June 14,2021...