Chapter 5

237 5 0
                                    

Forbidden


Third Person

NANG marinig nya ang kalampag ng gate ay agad syang tumungo sa sala para hindi mapansin ng kanyang Kuya na nakikinig sya sa usapan ng iba. Baka anong sabihin nito sa kanya. Kahit hindi naman sya nito pinagbabawalan na makinig sa usapan ng iba.
Mukhang galit ito dahil na rin sa pakikipagusap sa babae na ngayon lamang nya nakita.

Umupo sya sa sofa at hinintay na lamang nyang pumasok ito.
Hindi nga sya nagkamali dahil pag-angat tingin pa lamang nya ay nakatingin na ito sa kanya na parang seryoso ito.

Napabuntong hininga ito at nakipagtitigan sa kanya na parang wala sa kanila ang gustong magsalita.

Ngumiwi sya dito sabay ngiti dito ng pilit para mawala ang anumang namamagitan.

"Kuya Shann?May problema ka po?."Hindi nya mapigilang itanong dito.

Bumuntong hininga ito bago tumungo sa kanyang kinauupuan.
Umupo ito sa kanyang tabi kaya nakasunod lamang ang mga mata nya dito.

Bumuntong hininga lamang ito bago tumingin sa kanya na nakangiti.

Hinaplos nito ang kanyang ulo at hinawakan ang kanyang mukha kaya malaya nitong pagmasdan ang kanyang mukha.
Ngumiti na lamang sya dito kaya ngumiti lamang ito sa kanya.

Inilagay nito ang mga takas na hibla ng kanyang buhok sa kanyang tainga at tinitigan sya nito sa kanya mukha.

"Balang araw sana maintindihan mo si Kuya bakit ako ganito sayo. Ayaw kong magsinungaling sayo pero minsan kailangan nating magsinungaling para sa ikabubuti ng lahat." Hindi man nya maintindihan ang gusto nitong ipahiwatig sa kanya kundi tumango na lamang.

"Hindi mo pa man maintindihan ang mga salitang sinasabi ko. Balang araw maintindihan mo rin ako Alexa. Ayaw kong magsinungaling sayo ngayon kaya sasabihin ko sayo ang lahat." bumuntong hininga ito bago hinaplos ng hinanlalaki nito ang kanyang labi.

"May Tita tayo Alexa, May kamag-anak tayo pero pinili nilang manirahan sa abroad. May Tita tayo pero sya ang dahilan kung bakit tayo naghihirap ng ganito. Kinuha nya ang lahat na kung anong mayroon sa atin simula ng mawala Sina Daddy at Mommy." ngumiti ito sa kanya kaya ngumiti lamang sya dito.

"Yung babae ba iyon Kuya Shann?." hindi nya mapigilang itanong dito.

Tumango ito sa kanya at umigting ang panga nito.

"Kinuha nya lahat. Pera, sasakyan, maliban sa bahay at lupa na tinitirhan natin." umigting ulit ang panga nito habang hawak nito ang kanyang mukha.

"Kaya kong mawala ang lahat lahat alam mo iyan di ba? Kukunin nya lahat sa atin. Sa akin." malungkot ang mga mata nito kaya hinaplos nya ang mukha nito.

"Wag ka na pong malungkot Kuya." hindi nya alam ang kanyang sasabihin dito.

Basta niyakap na lamang sya nito ng mahigpit kaya hinagod nya ang likod nito.

"Gusto ko nyang kunin sa akin Alexa. Hindi ako makakapayag na pati ikaw mawawala rin. Gagawin ko ang lahat mabigyan ka lang ng magandang bukas."humiwalay ito sa kanya at hinawakan ang kanyang mukha. Naguguluhan man sya sa mga nangyayari pero nanatili syang tahimik.

Hindi nya alam kubg bakit kailangan syang kunin ng ibang tao na hindi naman nya kilala.

"Hindi mo naman iiwan si Kuya di ba? Kahit mahirap ang kalagayan natin. Pinapangako ko sayo na ibibigay ko ang maganda buhay sayo. Basta wag mo lang akong iiwan. Mababaliw ako Alexa kapag nawala ka tulad ng pakawalan nila Mommy at Daddy. Hindi mo naman ako iiwan di ba?. "malungkot ang mga Mata nito ng makipagtitigan sya dito.

Forbidden (unedited) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon