Chapter 9

176 5 0
                                    

FORBIDDEN





THIRD PERSON POV



"Good Morning Alexa? Bibili ka na naman ba ng pandesal?.," tanong sa kanya ng isa sa mga nagbabantay sa bakery kung saan dito nagtatraho ang kanyang Kuya Shann.

Bumaba sya ng bisikleta at tipid na ngumiti dito.
Tinabi na muna ang bisikleta at agad na lumapit dito.

"Opo, sa twenty pesos nga po." inilbas niya ang twenty pesos para pambayad dito.

Ngumiti ito sa kanya ang lalaki na nagbabantay dito. Hindi nya naman kilala ang pangalan dahil pakialam sa paligid nya.

"Oh sige kuha kita." agad naman itong kumuha sa loob at nakangiting ibinigay sa kanya ang isang supot ng mainit na pandesal.
Ibinigay naman niya ang pera dito.

"Ikaw ba Alexa wala ka bang manliligaw?." tanong sa kanya akmang tatalikod na sya dito.

Ngumiti sya ng tipid dito at umiling.

"Ay wala po, saka wala pa isip ko iyang ligaw ligaw na iyan. 17 years old pa lang po ako medyo Ilang buwan pa ang ako magdebut." tugon nya dito.

Umiling ito sa kanya habang nakangiti.

"Naku maswerte ang magiging boyfriend mo. Baka kapag dese otso ka na pwede ka ng magpaligaw nyan." sabi nito sa kanya kaya napangiwi na lamang sya.

"AH? Aalis na po ako, Saka na iyang ligaw ligaw ma iyan Kuya. Bata pa ako noh." nailing nya tugon dito dahil sa pagtatanong nito.

Sa buong buhay nya wala pa syang alam sa ganyan. At saka wala pa syang balak magkarelasyon sa ganitong edad. Hindi nya naman kailangan ang mga lalaki sa buhay nya. Kahit kailan hindi nya hiniling iyon.

Ilang buwan pa ang natitira sa buhay sa edad na dese syete. Kaya medyo matagal pa bago sya umabot sa kanyang kaarawan.
Gusto nyang tumutok lamang sa kanyang pag-aaral. Hindi naman sya nabigo kahit paano nakakasama sya sa top sa kanilang school.
Simula high school at ngayon nasa senior high school na sya. Kailangan nyang matapos ang pag-aaral dahil kailangan.

Agad syang sumakay sa bisikleta at hindi na pinansin ang mga bagay bagay na iyon. Ang Mahalaga nakabili sya ng pandesal na lagi nyang binibili o kapag nagpapabili si Ate Merly.
Na nakasama nya ng mahabang panahon.

Ito ang naging nanay nya noon pa man hanggang sa umabot sya sa edad na labing pito at nalalapit na rin ang kanya kaarawan ilang buwan pa ang natitira.

Ng malapit na sila sa kanilang bahay ay nakasalubong nya si Pektong.
Nakangiti pa itong kumaway sa kanya kaya ngumiti na lamang sya dito.

"Good Morning Alexa? Mas gumaganda ka talaga sa umaga ah." nakangiting bati nito sa kanya kaya napailing sya.

"Bolero ka pektong! Itong asawa mo baka kung anong sabihin." agad na syang nagpatuloy sa pagbibisikleta.

At ng makarating sila sa kanilang bahay ay binuksan na nya ang gate at agad na pumasok kasama ang bisikletang matagal na nyang inaalagan simula noon pa mang umalis ang kanyang kapatid.
Inalagaaan nya ito ng maayos kaya nakarating sa ganitong taon.

Ito na lamang ang alaalang magbabalik sa kanyang nakaraan.

Napailing sya habang nakangiti ng tipid pero hindi nya parin maitatago ang lungkot sa kanya mga Mata.

Agad nyan itong itinabi at kinuha ang isang supot ng binili nyang pandesal.

At ng tumalikod na sya para pumasok ay nagulat sya dahil mukha ni Ate Merly ang bumulaga sa kanya.

"Ate Merly? Wag naman kayong maggugulat ng ganyan ah. Nakakagulat kayo bigla na lang kayong bumulaga." Hindi nya maiwasang mapadyak dahil sa gulat na naramdaman.

Forbidden (unedited) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon