Chapter 2 : The Astronaut

45 3 0
                                    

Erin's POV

Waking up everyday is probably the most difficult task I have to do. I'm not an early bird. I prefer being productive at night, an owl. Minsan lang mangyari ang nangyari kagabi na nakatulog ako nang maaga. Hindi ko rin masisisi ang sarili dahil nakakapagod talaga ang land trip. I'm also a light sleeper kaya't gusto kong pumatay ng tao ngayon dahil kanina pa katok nang katok si Kang.

"Erin! Bumangon ka na. Mag-breakfast na tayo."

Nakapikit pa akong bumangon sa higaan. Pinilit kong buksan kahit isa lang sa mga mata ko para ma-check ang orasan.

"Fuck, 7:30 palang ah," I groaned and went back to marrying my bed. Nakalimutan ko na nag-iisa akong kuwago sa bahay ng mga ibon.

"Owen, ano na? Baka dalawa tayong sasaktan ni Mama, Owen!" Reklamo ni Kang. Nakalimutan ko rin na ayaw ni Tita na hindi kami sabay-sabay na kakain. Anak ng platypus!

Nakasimangot akong bumangon muli at binato ng tsinelas ang pintuan, "Oo na! At saka tumigil ka nga sa kaka-Owen, sasapakin kita diyan!"

Hindi naman sa napapangitan ako sa second name ko pero most of the time kasi iyan ang tawag sa akin kapag may ginawa akong mali. Mali ba ang humangad ng mas mahabang tulog?! Hindi!

"Oo na po. Bumaba na po kayo, Erin."

Hindi pa nakuntento sa pang-aasar si Kang at tumawa pa nang malakas. Sinusubukan talaga ni Kangkong ang pasensya ko. I heaved a sigh and pinched my nose bridge.

"Nakakapangit ang pagsimula ng umaga na nakasimangot, Erin. Ngumiti ka, gaga."

Pilit akong ngumiti at pumasok ng banyo para maligo.






"Pagpasensyahan mo na ang kwarto mo ngayon, Erin. Matagal na kasing hindi nagagamit dahil ikaw lang naman ang natutulog doon. Huwag kang mag-alala, ipapaayos ko mamaya ang sira at ipapalinis na rin."

Maingat akong uminom sa mainit na kape. Pagkababa ko ng cup sa mesa ay halos maluha-luha kong tiningnan si Tita. Laking pasalamat ko na ibinigay siya sa akin ni Lord. Kung sakaling walang Tita Angul, maybe I'm 5 feet under the ground na.

"Okay lang, Tita. Maraming salamat po pala sa pagtanggap niyo sa akin dito," I sincerely said.

She just smiled genuinely at me but it is suddenly replaced with confusion. I knew right there that she was thinking about my so loving mother. I thank God that she didn't ask and proceeded on eating our breakfast.

Ilang kulitan at tawanan pa ang nangyari bago kami natapos. Nag-volunteer naman ako agad na maghugas kaya't ang laki-laki ng ngiti ni Kang ngayon. Parang tanga lang.

Inakbayan niya ako at tinahak namin ang daan papuntang storage room. Naubos na kasi ang dishwashing liquid. Talak nga ng talak si Tita dahil sobra gumamit ng sabon itong anak niya. Ang pang-isang linggong Joy ay umaabot lang ng apat na araw. Ayaw kasi ng madumi ni Kang kaya't kung maaari linilinis niya ng maayos ang dapat linisin.

"Ang saya ko talaga na nandito ka. May karamay na ako sa gawaing bahay. Hindi ko naman mautusang iyang si Cleo dahil masyado ko raw inaalila! Luh, inutusan ko nga lang iyon na ibalik ang walis sa lalagyan. Ang OA rin ng mga magulang ko," reklamo niya.

Kumuha ako ng isang malaking bote ng Joy at yinakap ito. Inakbayan na naman ako ulit ni Kangkong. Hindi nalang ako nagreklamo kahit nabibigatan ako sa braso niyang halatang binabad sa gym.

"Hindi ko naman masisisi sila Tita. Mukha ka kasing kriminal."

Doon na niya ako binitawan. Hindi ko naman pinansin ang pagsimangot nito at patuloy lang naglakad. Pagkarating ko ng kusina ay agad kong binaba ang dishwashing liquid at inayos lahat ng huhugasan.

I don't careTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon