Chapter 9 : Li'l Distraction

14 1 0
                                    

Erin's POV

"Usog pa kayo!"

"Ano ba, Kuya! Hindi na nga kasya buong pwet ko!"

"Ineng, labing-isahan kasi! Sampu pa lang kayo diyan, oh!"

Panay ang pahid ko sa pawis sa noo ko. Medyo natatagalan na kami dito sa terminal kahit puno naman ang Jeep. Ang tigas rin kasi ng ulo ng konduktor. Ang sikip-sikip na nga, gusto pang dagdagan. Kahit usog nang usog 'yong nasa kaliwa ko, hindi ako umuusog dahil baka maipit 'yong nasa kanan ko.

"Kuya, nasa laki ng pwet 'yan hindi sa bilang, punyeta!" mura ng babaeng nasa harapan ko.

Kanina pa iyan sila nagtatalo ng konduktor. May point naman kasi si Ateng lumalabas na ang ugat sa leeg sa kakasigaw. Parang hindi kami nagbabayad dito, jusko. Ang sikip!

"Okay ka lang?"

I stopped listening at the commotion when Becca whispered near my ear. Kita ko 'yong pag-aalala sa mukha niya. Iniisip ata niya 'yong cast ko sa kaliwa. Hindi naman problema 'yon, mukhang nag-iingat naman si Kuyang nasa left side ko. Ingat na ingat na hindi maipit ang braso ko.

Tumango lang ako kay Becca at ngumiti nang tipid. Mukhang hindi niya ata nagustuhan ang sagot ko dahil halos magtagpo ang mga kilay niya.

"Iyan kasi. Sabi ko sayo mag van tayo eh."

Ang mahal-mahal naman kasi ng Van. Halos double ang bayad kumpara sa Jeep. Masusuka lang ako sa aircon. Mas mabuti na lang na masagi ang cast ko kaysa masuka ako, kadiri.

Tumawa na lang ako nang mahina sa kanya, "Pabayaan mo na. May libreng sine tayo dito, oh." Sabi ko sabay turo sa 'di matapos-tapos na away sa harap namin.

She only sighed at natawa na lang. May point naman kasi ako.

After some time, natapos din ang away dahil may dumating na pulis, who obviously sided with the woman. At sa wakas, matapos ang pagluto sa amin sa oven, nakalanghap din kami ng sariwang hangin.

The ride home was silent pero may amoy, if you know what I mean. I am honestly not used to public transportation dahil may kotse naman ako. Ilang araw na din na-tetengga ang baby ko sa garahe nila Tita. Mula nang pag-apak ko dito, hindi ko na ulit nagamit 'yon. Letseng duyan kasi. Pinapagamit ko naman minsan kay Kang dahil baka magloko kung hindi gamitin. Kung 'di lang kailangan, hindi ko ipapagamit kay Kangkong 'yon. Feeling drag racer kasi mag-drive.

Muntikan pa akong mapatalon mula sa kinauupuan ko nang may ulong napasandal sa balikat ko.

"Ay, sorry," paghingi ng paumanhin ni Becca. She looked drowsy while looking at me. Napagod ata sa kalokohan namin. Hindi ko rin naman siya masisisi dahil ginabi na talaga kami.

I chuckled then held her head towards my shoulder then gently tapped it, "Okay lang, napagod ka ata sa isang bolang na-shoot mo kanina," pang-asar ko sa kanya.

I actually never experienced having a friend lean on me, literally. Puro kasi upakan ang naranasan ko sa mga kaibigan ko.

Agaran naman siyang umayos mula sa pagkakasandal sa akin. Nakatanggap ako ng masamang tingin mula sa kanya.

"Move on," bulong niya.

I smiled playfully at her. As I was smiling, it was only a split second, but I saw it, with my own eyes. And I wished na kasing taas sana ng grado ni Tiffany Uy ang mga mata ko dahil ayoko sa nakita ko.

It was Greg guiding a woman inside his car and I am too damn sure it was the same girl who tagged him in Facebook. I don't know what he is doing here, hindi naman siya taga-dito. Ang alam ko lang ay nasasaktan ako.

I don't careTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon