Erin's POV
"Oh my God, Tita! Nakakahiya nga," reklamo ko.
Kanina pa kami dito sa sala ni Tita at wala na akong pakialam kung ma-late ako ngayon sa school dahil hindi ko gusto ang hinihingi niya ngayon.
"Ano ka ba, Erin. Mabait ang batang iyon!" Depensa niya.
Nahilot ko nalang sentido ko sa narinig. Panay naman ang tango ni Kang, halatang sumasang-ayon sa gusto ng Mama niya.
"Pero kaya ko naman po..."
Umismid ang pinsan ko at inubos ang iniinom na kape, "Kaya mo mukha mo! Kaya pala ang lakas ng sigaw mo noong pinilit mong isuot ang t-shirt mo kagabi."
"One time, okay! One time, only."
Wala kasi si Tita kagabi dahil umattend siya ng birthday ng katrabaho niya. Obviously, walang tumulong sa akin sa pagsuot ng damit ko. Alam niyo na ang nangyari pagkatapos.
"Huwag na matigas ang ulo, Erin. Para rin naman sa ikakabuti mo 'to." She said, then left the living room.
Napaupo na lang ako sa sofa. Putanginang buhay 'to.
---------------
"Hoy, kanina ka pa nakasimangot diyan."
Hindi ko siya pinansin at nginudngod ko na lang ang ulo sa mesa.
"Ay, snobberist!" Reklamo ni Chanel sabay sampal sa braso ko.
Nanahimik na lang siya nang wala akong binigay na reaksyon.
Nandito kami ngayon sa Canteen at hinihintay makabalik si Karli. Siya na kasi ang nag-volunteer na umorder.
Hindi ko talaga maiwasang ma-bad trip dahil nakakahiya talaga ang ini-request ni Tita. Aalis kasi siya at si Tito papuntang Manila, may aasikasuhin daw sila kaya't kinakailangan ko ng katulong sa paggawa ng mga bagay na hindi ko magawa. Ayon nga, naghanap ng magiging katuwang ko at roommate si Tita. At putangina lang, ang galing ng napili nila! Mismong si Kang ay boto sa desisyong iyon. Anak ng pork chop!
"Naano iyan?"
"Ewan ko, kanina pa iyan ganyan."
Inangat ko ang ulo ko at bumungad sa akin ang mukha ni Kang at Chanel. Pareho silang nakatingin sa akin. Yes, close na po sila. Pareho silang walang isip.
Hindi ko na lang sila pinansin. Agaran naman akong napangiti nang makita si Karli. Yes, nandito na ang corn beef ko!
Nang mailapag niya ang tray sa mesa, binigyan ko siya ng mabilis na yakap at chumibog na.
"Tangina, gutom ka lang pala," sabi ni Chanel.
Hindi ko na lang siya pinansin at pinagpatuloy lang ang pagnguya, "Hmmm....ang sharap talaga ng cornbeef ni Aling Luz!"
Wala na akong nakita kundi ang kinakain ko. Promise, ang sarap talaga! Kung pwede nga lang na ito na ang pagkain ko habang hubay.
Patuloy lang ako sa pagkain hanggang sa napadako ang mga mata ko sa siomai sa kanan ko. Thinking that it was Kang's, I immediately ate one.
"Pahingi ako, ah."
"Yeah, sure. If you want, sayo na iyan. Mayroon pa naman ako dito," a sweet gentle voice replied.
Napatigil ako sa pagnguya sa narinig. Tangina, hindi ganyan ang boses ni Kang!
I chewed the food the same pace with how I turned my head to the right. Slowly.....my eyes meet with Rebecca's.
BINABASA MO ANG
I don't care
RomanceAfter getting her heart broken by her boyfriend who chose his family over her, Erin decided to runaway from everything. She wants to runaway from her coward boyfriend. She wants to runaway from her stupid boyfriend's awful and pretending family. She...