Chapter 29: Pheromones

18 0 0
                                    


"Ano ba?! Ayoko nga!" sigaw ko.

"Huwag ka ngang pabebe. Sige na, Erin!"

Napapikit ako sa inis at napakapit na lang nang mahigpit sa bed leg. Sinubukan kong tampalin ang isa pang pares ng kamay na tumutulong sa babaeng humihila sa paa ko papaalis ng kwarto. Tangina, kagatin ko na kaya sila!

Halos murahin ko na ang huling sumali sa kalokohang 'to nang mahila na niya ako nang tuluyan mula sa pagkakahawak sa bed leg. Para akong mannequin na hinila nila mula sa kwarto papalabas. Nagmukha na nga akong uod kakapiglas sa pagkakahawak nila sa'kin pero wala pa ring kwenta dahil kailan ba nanalo ang isang tao laban sa tatlo?!

Nanlaki ang mata ko nang makitang ang lapit na namin sa hagdan at mukhang hindi pa rin sila tumitigil sa kakahila sa akin. Putangina, ayokong mabagok ulo ko! Bago pa nila ako mahila pababa ng hagdan, sinigawan ko na sila.

"Putangina! Oo na! Oo na, sasama na ako!"

Hinihingal akong napatingin sa kisame nang bitawan nila ako. Napahilamos ako sa mukha ko. Ano ba ginagawa ng dalawang 'to dito? At bakit kung sino pa kadugo mo, iyon pa ang tra-traydor sayo?

"Papayag naman din pala, dami pang arte." Pabulong-bulong ni Chanel kaya inis kong sinipa paa niya. Napahawak naman siya agad sa parteng nasipa ko at sinamaan ako ng tingin.

"Eh kung itulak kita diyan sa hagdan? Ha? Tangina niyong tatlo!" Reklamo ko.

Balak ko sanang samaan ng tingin silang lahat pero nabawi iyon nang makitang ang sama na ng tingin sa'kin ni Karli. Putangina, inaano ko ba siya? Nakakahalata na ako sa babaeng 'to. Parang may something, eh. Tinulungan naman ako agad ni Kang makatayo pagkatapos ko siyang irapan na itinawa niya lang. Syempre, siraulo si gago kaya ganiyan.

"Maligo ka na, baliw. Kapag hindi ko maabutan yung pa-parade sa kabilang bayan, sisiraan kita kay Rebecca," pagbabanta sa'kin ni Chanel. Aba't---gago!

Hindi na ako nagsalita at tahimik na binagtas ang daan papuntang kubeta pero symepre, sinamaan ko muna ng tingin si Chanel at inirapan. Sama ng ugali. Nakasimangot kong sinara ang pintuan ng CR at napabuntong-hininga. Isinampay ko yung dala ko sa towel rack at nanghihinang naligo.

I stared at nothingness as water dripped down my body. Grabe talaga si Lord. Ang saya-saya kong natulog katabi ang babaeng gusto ko. Ang saya-saya kong nagising dahil mukha niya bumungad sa'kin. Pero noong bumaba ako papuntang living room, parang gusto ko na lang maging hotdog na ginawang red yung kanin sa baunan. Bumungad ba naman yung pagmumukha ni Christian kaya't temporary lang kaligayahan ko. Parang gusto ko na ngang mamatay nang malaman na kaya pala maaga rin nagising si Becca dahil aalis silang dalawa ng unggoy na iyon. Hindi sinabi kung saan sila pupunta. Basta importante daw. Sarap maging kriminal din minsan, eh.

Maaga rin akong nagising kanina dahil balak ko sanang paghandaan ng breakfast si Becca kahit mortal enemy ko yung kusina. Nakipagsabwatan na rin kasi ako kay Kang na tulungan ako magprepare ng breakfast para sa liniligawan ko. Tumulong naman din agad yung pinsan ko kahit dinaan ko muna sa pangbla-blackmail para tulungan niya nga ako. Okay naman kinalabasan ng pagluluto ko. Wala naman nasunog sa pamamahay ni Tita pero ewan ko lang ano yung lasa nung fried rice dahil habang linuluto ko kasi iyon, rinig na rinig ko yung tawanan ng dalawa sa sala. Sarap itali yung esophagus ni Christian sa leeg niya. Itong si Rebecca naman kung makatawa parang hindi corny yung joke ng aso niya.

Kanina pa actually nakaalis yung dalawa. Tamang pagpipigil ako na singhalan sila dahil grabe makaalalay 'tong si bugok. Kulang na nga lang tanungin ko si Becca kung putol ba siya. Nonetheless, wala tayong karapatan kaya todo pilit ako sa mukha ko na makiayon noong nagpaalam na siya na aalis na sila. Muntik ko pa nga siyang pigilan umalis nang makitang parang naghe-hesitate siya na umalis ng bahay. Medyo mahigpit din yung yakap niya sa'kin bago siya sumakay ng kotse. Gusto ko sanang kiligin pero naalala ko na hindi ko pala kotse yung sasakyan niya. Pero wala tayong karapatan kaya mag-shut the fuck up tayo. Hay...

I don't careTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon