Chapter 13 : Hoping for a Writer's Block

17 1 0
                                    


Erin's POV

"Hoy!"

Halos masapak ko 'yong taong walang hiyang sumigaw sa tainga ko.

"Pucha naman, Chanel!" Sigaw ko.

Totoo talaga ang gulat ko dahil ramdam ko ang bilis ng tibok ng aking puso mula sa pang-gugulat niya.

Dahil walang hiya talaga ang nasa harap ko, tumawa lang siya at tumabi sa akin dito sa isang table sa Canteen.

Sabado na naman at talagang inaantok pa ako pero ayokong lumiban sa klase. Pinuyat kasi ako ng magaling kong room mate. I mean ginusto ko rin naman 'yon kaya't 'di ko siya masisisi. Nanood kasi kami ng mga volleyball match-ups dahil trip lang namin. Mga loko-loko kami kaya buong season ng isang league ang tinapos namin at alam niyo naman na hindi nagtatapos sa isang oras lang ang isang laro kaya ayon, inumaga kami.

Well, worth it naman.

"Ano ba naman kasi drina-drama mo diyan? Nasa garden kaya lahat!" Sumbat niya habang nakahalumbaba.

Napailing na lang ako dahil naalala ko ang rason kung bakit nandito ako. Putangina kasi, eh. Hindi ko dapat nararamdaman 'to! Tangina, nakakaulol na!

"Hoy! Ano na, Erin?"

Dahil naiingayan ako, walang pag-aalinlangan kong isinubo ang isang slice ng sandwich sa bibig niya. Tawang-tawa pa nga ako nang nabilaukan siya. Dasurv!

"Ano ba 'yan!" Reklamo niya.

At inabot pa nga ng ilang minuto ang sermon niya pero 'yong utak ko kung saan na nakarating.

"Hindi mo bet?" Biglang tanong ni Chanel.

"Ha? Sino?"

Ngumisi siya sa akin sabay akbay.

"Huwag kang mag-alala, ako rin eh." She said then laughed her ass off.

Napailing na lang ako.

So inubos namin ang buong umaga mag-chismisan sa Canteen. Hindi na nga ako bumalik sa garden, pati na rin ang kadaldalan ko.

Hindi ko alam pero parang pumangit ngayon ang lugar na 'yon. Basta! Nabwi-bwisit ako.

Nasa pang-apat na burger na kami ni Chanel nang may nagsalita sa likod namin.

"Ang daya, oh! Bakit siya lang linibre mo, Erin?" Reklamo ng nagmamay-ari ng isang malalim na boses. Siguradong si Kang naman 'yon. Siya lang ang maingay na masculine ang boses na kilala ko.

"Hoy, grabe ka naman! Ba't si Erin agad? Diba pwedeng ako ang nag-libre?" Reklamo naman ni Chanel pagkatapos niyang maubos ang cheeseburger niya.

"Huwag ka ngang ano. Hindi ka kaya marunong mang-libre," sagot ni Karli sabay upo sa katabing upuan ko.

Hindi rin ako nagkakamali sa hula na kasama nga dito ang nagpapangit sa garden.

Halos mapairap ako nang alalayan niya ang babaeng ramdam ko ang tingin sa akin. Mukha ba siyang baldado?

Hindi ko na lang sila pinansin at mga asaran nila. Lunch time na rin at ngayon kakain ulit kami. Feeling ko talaga tataba ako dito, eh. Wala ulit ang teacher namin sa NSTP, tinamad na naman ata. Tangina, ang mahal ng tuition fee tapos walang klase.

"Erin? Samahan mo ako?" Tanong ni Kang.

At dahil nga tamad talaga ako, walang imik akong sumunod sa kanya.

"Anong problema, kaibigan?" Tanong bigla ni Kang habang nakapila kami.

Tsk! Sabi ko na nga ba makikichismis lang 'to.

I don't careTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon