Chapter 14 : Bente Pesos

15 1 0
                                    


Erin's POV

"Mahal-mahal ng tuition fee tapos hindi nagpaparamdam. Feeling gold talaga 'yang si Miss Bracken." Reklamo ni Chanel habang binabagtas namin ang daan papalabas ng school.

Ayon nga, hindi nga ulit nagparamdam ang teacher namin sa CWT. Ewan ko kung nasaan na 'yon. Baka magparamdam na siya kapag malapit na ang exams. Ganyan naman talaga minsan ang ibang guro na mga tamad.

"Hayaan mo na. Ang tanda-tanda na ni Ma'am. Baka may dinadamdam lang," pag-rason naman ni Karli.

"Eh kung matanda na, bakit 'di na lang mag-retire?! Tangina ang mahal-mahal ng pamasahe tapos tumunganga lang tayo buong araw. Buti pa 'yong ROTC nag-sun bathing sila."

"Parang tanga, Chanel. Parang 'di mo rin na-enjoy na walang pasok, ah."

Dahil sa sinabi ko sinamaan niya ako ng tingin at walang pasabing lumundag papunta sa akin para magpabuhat. Putangina!

"Anak ng--- Gaga, ang bigat mo!"

Porket kwinento ko sa kanya na sabi ng doctor sa akin na malapit nang tanggalin ang cast ko, mag-gaganyan siya?!

Laking pasasalamat ko naman na hindi gaanong matagal ang pagpabuhat niya. Tumatawa siyang bumaba at bumitaw sa akin.

"Ayan! Tumahimik na lang kasi. Lagyan ko ng cast 'yang bibig mo, eh."

Gaga 'to. I glared at her then smacked her arm. Deserve!

Hindi na niya ako nagantihan dahil she was tightly held by the shoulders by Kang. May silbe rin pala 'tong buang, except sa pagluluto.

"Ano ba, Kang!"

"Tama na kasi! Ang ingay niyong dalawa. Hindi niyo gayahin si Rebecca na parang may sariling mundo."

Hindi ko na inalam pinag-uusapan nila at naunang naghintay sa waiting shed para sa Jeep. Yes, sa Jeep. Nagplano kasi sila na pumunta raw kami ng isang videoke bar + lounge. Wala talaga akong plano na sumama pero ang ingay kasi ni Chanel. Hindi ako tinantanan hangga't hindi ako umoo. Alam niyo naman na parang nakalunok ng mega phone ang babaeng 'yon. Sakit sa tenga, eh.

Hindi naman gaano karami ang naghihintay dito at baka ako nga lang ang may balak sumakay ng Jeep. Nang makapara, agaran akong sumakay at hindi na pinansin ang mga kasama ko.

"Hala, gago! Hoy, Erin! Akala ko ba pamilya tayo rito?!" Rinig kong sigaw ni Chanel. Ingay talaga.

I mentally rolled my eyes as Chanel playfully glared at me. Nagsunuran na rin ang iba na sumakay. At ang galing talaga ng tadhana dahil katabi ko 'yong chix ni Christian. Dahil walang masyadong sakay ang Jeep, 'yong upuan na sa harap na katabi ng driver ang nasa kanan ko. Just great.

"Kanya-kanyang bayad 'to, ah. May crisis sa bahay." Sabi ni Kang.

Hindi ko alam kung bakit hindi naiilang si Kang na puro babae kasama niya. Actually, dapat kasama rin namin ngayon si Christian kaso may practice pa daw para sa upcoming competition ulit niya. Eh di siya na ang talented, tsk!

Halos ibato ko na ang bente pesos sa mukha ni Kang nang hindi niya agad tinanggap ang inaabot ko. Ginagawa na naman akong clown ni Gago. Tadyakan ko itlog nito, eh.

Ngumisi-ngisi pa siya sa akin kaya't hindi ko na napigilan na mapa-irap. Ngunit kasabay nang pagbaling ko ulit ng tingin kay Kang, dalawang kamay na ang nasa harapan ko, naghihintay sa ibibigay kong pera.

Nanlalaki ang mata ko na napatingin sa dalawang lalaki na may balak na iabot ang bente sa pinsang kong bugok.

Okay, hindi ko na problema kung paano ko ibibigay kay Kang ang pera pero ang problema ko naman ay kung kanino ko ipapaabot ang pera. Halos sabay lang kasi silang dalawa na nag-angat ng kamay, kapwa't naghihintay sa lecheng bente pesos na iaabot kay Kang, which iaabot naman niya sa konduktor.

Kasimpleng problema pero nagpapanic na ako sa kaloob-looban ko. 'Di ko naman mahingan ng tulong si Kang dahil parang nag-eenjoy pa nga siya sa nangyayari, eh.

Nang ibibigay ko na sana ang pera sa lalakeng mas malapit sa akin ay may malambot namang kamay ang humawak sa pulsuhan ko.

"Pwede namang ako, eh." Sabi ng katabi ko sabay bukas sa palad ko at kinuha ang pera.

Hindi ako makapagsalita at tiningan na lang si Becca na medyo nakakunot-noong inaabot ang pamasahe ko at ng sa kanya kay Kang.

Parang tanga pa rin akong natuod dito hanggang sa magtagpo ulit ang mga mata namin.

At for the first time, inirapan niya ako!

Hala...

"Tumingin-tingin ka rin sa katabi mo. Mas malapit kaya ako. Tsk!"

Omg, ba't parang galit siya?

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Short chapter na kasing-iksi ng pasensya ko.

I don't careTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon