Chapter 12: Rainbow and Ponies

15 1 0
                                    



Erin's POV

"Huwag mong ubusin. Wala na tayong kakainin mamaya." Someone said in a soft voice, making me escape the things that are going on inside my head.

Pagkalingon ko, muntikan pa akong mahimatay dahil ang lapit masyado ng katabi ko. It's Becca and we are near each other to the point that our arms are touching.

Ngintian ko lang siya nang matipid kahit na ang laki ng epekto ng ginawa niya sa akin.

Sinubukan kong ituon na lang ang pansin sa telebisyon pero naiilang talaga ako sa magkadikit na balat namin at sa panaka-nakang ngisi ni Riri pagkatapos niyang mag-nakaw ng paulit-ulit na tingin sa akin.

I mustered up my courage nang dumating sila Kuya Enea. Nagmamadali akong kumuha ng apat na boteng alak at iniwan sila.

"Hala ka! Manang-mana kay Marie, ah. Parehong ma-attitude," rinig ko pang sigaw ni Kuya Andrew. Hindi nagtagal narinig ko naman siyang umaray, siguro binanatan ni Riri. Hindi rin kasi mahaba pasensya noon.

Hinihingal kong sinarado ang pintuan ng balcony. May designated kasing kwarto na kinalalagyan ng balcony. Dito rin tinatambak ang ibang gamit na hindi kasya sa storage room. Kahit maalikabok sa kwarto, iba naman ang hatid ng mismong balcony.

Medyo malamig pero worth it naman ang view. Ang daming bituin at saktong full moon pa.

Maingat kong inilapag sa maliit na mesa ang dala-dala ko. Dahil nga siguro sa panic, hindi ko namalayan na nakaya ko palang bitbitin ang apat na bote ng isang kamay lang.

Inayos ko rin ang folding bed at dahan-dahang umupo doon.

Dahil sa katahimikan, doon ko talaga na-realize na ang dami ko palang problema. Si Mama, ang gago kong ex, ang mga siraulo kong prof, at syempre....ang sarili ko.

Si Mama, hindi ko alam. Pagkatapos kong i-asa kay Riri ang problema, wala na akong narinig mula sa kanya. Asa pa akong hahanapin niya ako at kung hanapin man, baka bugbog lang ang aabutin ko. Sino ba naman ang masisiyahan sa ginawa ko.

Si Greg. After the talk with Riri, ang dami kong na-realize. Sa loob ng ilang taon naming pagsasama, ilang beses pala akong nagtanga-tangahan. Baka kapag may awarding sa katangahan, hakot award ata ako. Pero in all honesty, I'll try. Susubukan kong kausapin siya kahit ang hirap dahil hindi pa naman talaga akong tuluyan nakalimot sa nangyari. Pero dahil deserve ko ang peace at kailangan talaga ng proper na paghihiwalay namin, I will try to talk things over and hopefully matuto na ako sa kagagahan ko. Hay nako.

Sa mga prof ko, wala, mga putangina ang iba. Pisteng yawa hindi na nga nagtuturo ang lakas pa ng loob magpa-long quiz at recitation. 'Yong teacher talaga namin sa Purposive Comm ang favorite ko, hehe.

At syempre ang sarili ko. Matagal ko na talagang problema ang sarili ko. I mean----




Halos mapasigaw pa ako nang may umagaw sa hawak-hawak kong bote nang akmang iinumin ko na ito.

"Should I set up a dramatic background music for you?" A voice echoed.

Agaran naman akong napalingon sa pinanggagalingan ng boses na iyon. As I turned my head, I was welcomed by Rebecca who's leaning on the door frame with my bottle on her hand.

She smiled lightly at me when our eyes met. Napakamot na lang ako sa kilay dahil nandito na naman ang rason kung bakit ako nandito.

"H-Hey...what are you doing here?" Tanong ko.

I don't careTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon