Erin's POV"Aling Luz, nagbibiro lang diba kayo?" Halos nagmamakaawa kong sabi.
Pagkarating kasi namin sa Canteen nabura agad ang ngiti sa mukha ko nang sabihin ni Karli na ubos na raw ang siomai. Tinakbo ko talaga mula sa mesa namin papunta sa kinaroroonan ni Aling Luz, siya yung parang head ng buong canteen.
At doon nga nakita ng dalawang mata ko na wala na nga pero ayaw kong mawalan ng pag-asa. This is the first time na naubusan ako ng siomai dito sa school!
Ngumiti ng makahulugan si Aling Luz at pumasok sa kusina ng canteen. Kahit medyo naguguluhan, hinintay ko talaga siyang bumalik. Sure naman akong babalik siya dahil hindi pa 5 pm, ang usual time ng pagliligpit nila.
Halos magningning naman ang mata ko nang makita ko ang nakalagay sa isang plato na dala niya.
"Oh, swerte ka at may naitago pa ako dito. Nga pala, pakibagay na rin 'tong sukli sa kaibigan mong si Rebecca." Sabi niya.
"Salamat po!" Halos isigaw ko na.
Nakailang pasasalamat pa ako bago ko linisan ang counter at bumalik sa mesa namin.
Hindi ko maiwasang ngumiti sa mga kasama ko dahil sa saya. Ang bait ni Aling Luz sana humaba pa ang buhay niya.
"Ang saya, ah." Pagpuna ni Kang. I responded by making faces.
Masaya akong tumabi kay Rebecca at binigay sa kanya ang pera, "Pinapabigay ni Aling Luz, sukli mo raw."
Ngumiti siya sa akin at kinuha ang pera.
"Kain ka na." Sabi niya at inabot sa akin ang biniling peach juice nila Kang.
I, again, grinned at her because she looked happy with me eating. Parang magulang lang, eh.
"Hindi talaga ako sanay na hindi naka-cast ang kamay mo." Sabi ni Chanel at humalumbaba pa sa mesa.
Tapos na rin kasi sila kumain kaya kaming dalawa ni Becca ang pinagtutuonan nila ng pansin. Nakaka-conscious din pero gusto kong matapos na kami agad dahil mas bothered pa ako sa klase ng tingin na binibigay ni Christian sa katabi ko.
"Sanayin mo na sarili mo dahil sa susunod na aasarin mo ako, masasampal na kita." Banta ko sa kanya.
Nagtawanan lang sila, lalo na si Chanel. Ang hirap din na alam nila na isang empty threat iyon. Kahit kasi puro bayolenteng mga salita ang pinipili kong ibigkas ng bibig ko, hindi naman ako nananakit talaga unless kailangan.
Halos sabay lang kaming natapos ni Becca. Inilahad ko ang kamay ko, isang tanda na humihingi ako ng tissue. Nakasanayan na kasi namin na si Becca ang tagabigay ng tissue. Girls scout si babae, halos lahat ng kailanganin mo nasa bag niya. Parang si Dora lang, eh.
Suot ang backpack, itinapon ko ang tissue at hinarap ang mga kasama ko na naghihintay sa akin. Sa wakas uuwi na rin kami......akala ko lang pala.
Bago pa namin maabot ang sakayan, biglang huminto ang dalawa sa amin. Hawak na ni Christian ang braso ni Becca.
Ano na naman 'to?
"Wait, Rebecca. Can we talk?"
Mukhang hesitant si Becca sa request na iyon pero of course si Rebecca na papasa na bilang santo ang pinag-uusapan natin dito. Pumayag siya.
"O-Okay."
Napangiti naman nang todo si gago. Sarap burahin ng mukha, eh.
"Promise, this won't be long." Sabi namin ni Christian sa amin. Tiningnan niya rin kami na para bang gusto niyang bigyan namin sila ng privacy.
BINABASA MO ANG
I don't care
RomansaAfter getting her heart broken by her boyfriend who chose his family over her, Erin decided to runaway from everything. She wants to runaway from her coward boyfriend. She wants to runaway from her stupid boyfriend's awful and pretending family. She...