Chapter 1 : Heart Palpitations

58 3 0
                                    

Erin's POV

"Sorry. Ganyan lang talaga sila kapag may pumupunta ditong hindi nila kilala."

Maingat kong ibinaba ang maleta kong dala. Ba't tingin nang tingin ang mga tao? It's not my first time here! Mabuti sana kung naka-smile sila habang nakatingin sa akin pero hindi! Parang kriminal lang ang tingin nila. Dukutin ko kaya ang kanilang mga mata?!

"Okay lang, Tita. Pero harmless naman sila diba?" Umaasang tanong ko.

Napatigil ako sa pagbaba ng mga gamit dahil hindi kumilos si Tita Angul nang tanungin ko siya. Dahan-dahan siyang pumihit paharap at ngumiti sa akin nang nakakaloko na ikinabilis ng tibok ng puso ko.

"Hindi ko alam, Erin. Wala pa naman silang ginawang masama," sabi niya sabay bitbit sa mga gamit niya at pumasok na sa bahay.

"Tita! You're joking, right? Char lang ang 'pa' na iyon, diba?" Natatakot na tanong ko habang hinahabol siya papasok ng bahay. Mas lalo akong natatakot dahil gabi na nang makarating kami dito sa probinsya, baka mamaya hablutin ako sa daan.

Pagkapasok ko, doon ko nakita ang mga nakangiting mukha nila Tito Zixin, Kang, at Cleo. Ang mga taong tunay na nagmamahal sa akin. Hindi ko pa nga nasusuklian ang mga ngiti nila pero sinalubong agad ako ng mahigpit na yakap ni Kang, ang nag-iisang pinsan ko na close ko. Kasunod naman niya ay si Cleo na mahigpit rin ang yakap sa akin, pinsan ko rin. Hindi ko naman sila masisi kasi pati ako na-miss rin sila, medyo mahaba nga naman ang limang taon.

"Na-miss kita! Ang pangit mo pa rin," sabi ni Kang sabay tawa nang malakas.

Inirapan ko lang siya at binalingan ng pansin si Cleo, "Kamusta Barbapopo? Na-miss mo ba si Ate?"

Dahil sa tanong ko, mas lalo pa siyang sumiksik sa akin kaya't yumuko ako para mayakap ko siya nang maayos. Si Cleo ay anak ng kaibigan ni Tita na dating nagtra-trabaho sa bar. Balak sanang i-abort ng tunay na ina ni Cleo ang pagbubuntis nito sa kanya pero pinigilan siya ni Tita at inako ang responsibilidad. Anim na taon na ang lumipas pero hindi na nagpakita ang ina ni Cleo mula noong nagpaalam ito na magtra-trabaho sa Maynila. Wala na atang balak bumalik ang babaeng iyon pero okay na rin para may pinsan akong ganyan ka cute, ang pangit kasi ni Kang.

"Syempre naman po! Good girl ka na po ba?" Inosenteng tanong nito.

Tumawa nang malakas si Kang sa narinig, "Member na ng isang Mafia ang ate Erin mo-----aguy, Mama!"

I covered my mouth to suppress my laugh. Masama ang tingin na ipinupukol ni Tita kay Kang.

"Huyo daw! Tinuturuan mo ng masama iyang kapatid mo! Maghugas ka ng pinggan doon!" Saway ni Tita.

Nakabusangot na nilisan ni Kang ang sala at napilitang magpaalam sa akin. Nakangiti kong binalingan ng tingin si Tito, one of the two male I only trust, ang isa ay si Kangkong, kahit gago iyon; maasahan naman siya.

Maingat niya akong yinakap, "Welcome back sa maganda kong pamangkin. Mabuti nalang umuwi ka, ako nalang kasi ang nagdadala ng kagandahan sa bahay na 'to, ang papangit ng mga kasama ko."

Agad napabitaw sa yakap si Tito nang batukan siya ni Tita. Iba rin talaga ang mag-asawa na 'to, hindi pa rin nagbabago. Habang nag-haharutan sila sa harap ni Cleo, tahimik kong linisan ang sala at pinuntahan ang pinsan kong bulok.

Napatakip agad ako sa bibig nang makita siyang naghuhugas nga ng pinggan. Bilang panganay, alam kong bihasa na siya sa gawain bahay pero hanggang ngayon ganyan pa rin ang mukha niya kapag inuutusan.

"I don't know. I'm broke as fuck. I-hello mo nalang ako sa mga bebe ko."

I confusedly look at him again. I can't see what he's doing because his back is facing me. Nang umusog ako ng kaunti, nakita ko ang phone niya na naka-patong sa isang lunchbox at isinandal sa pader. Mukhang may ka-video call si Kangkong.

I don't careTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon