Chapter 18: A Sneak Peek of the Past

15 1 0
                                    


Erin's POV

Ang sarap pakinggan ng tawa niya pero kanina pa niya ako dino-dog show so...

"Hoy, Rebecca. Kailan ka titigil sa kakatawa? Ipapahalik ko 'tong palaka sa iyo, eh." Sinamaan ko siya ng tingin pero hindi pa rin siya natinag.

"S-Sorry, pero kasi..." She tried holding her laugh pero wala rin. Napatawa ulit siya. Ilang segundo muna bago naisipan niyang takpan ang bibig niya para tumigil na siya. Kahit naman natatago ang bibig niya, kita ko naman kung paano ngumiti ang mga mata niya. Tawang-tawa masyado sa paghihirap ko.

"Okay na?" Tanong ko, sabay pakita ng thumb sign.

"Okay na po." Sabi niya at nagpakita rin ng thumb sign.

Kanina pa niya ako inaasar. Pagkatapos ko kasing sumigaw kanina, nakalimutan na ata niya ang pinag-uusapan namin dahil tumawa na lang siya buong magdamag. Buti na nga lang hindi ko na nakita si Chanel at Karli pagkatapos noon. At least walang kakampi si Becca sa pang-aasar sa akin.

Medyo okay na rin pala ako after ng first dampot ko. Pagkatapos ko kasing mahawakan sila, wala na. Hindi naman pala sila nakakatakot bukod sa nakakadiri ang pagka-slimy nila pero okay naman. Mas okay na sila kaysa sa mga lumilipad na insekto. Medyo nalulungkot na nga ako na we are to dissect them tomorrow, putangina. It feels like this course is honing us to become murderers, charot....pero just the facts.

Ngayon, tapos na kami manghuli. Nga pala, kaya madami ang dinadakip namin dahil pang-isang class kasi 'to. At least 7 frogs sana for the section, one for each group at kung swineswerte naman ako, ka-group ko si Karli at Chanel. Buti nga may isa sa amin na hindi takot sa ganito, si Karli, dahil hindi ko na alam ang mangyayari sa grade namin kung sakali. Pero okay naman ako sa mga frogs so baka may maambag pa ako bukas sa frog dissection.

"Ang tagal niyo naman." Reklamo ko kina Chanel at Karli na kakarating lang. Kami pa ata ang naunang mang-huli kahit na huli kami nakarating dito.

I can't help to squint my eyes when I saw how awkward the two are. Balisa si Chanel at si Karli naman parang nakakita ng multo at parang robot kumilos. Anong nangyari sa dalawang 'to?

"T-Tara na, guys. Nandoon na raw sa labas sila Kang." Sabi ni Karli at iniwan kaming lahat dala-dala ang isang bucket.

Napakamot na lang ako sa kilay sa kinilos niya, "Hoy, Chanel. Anong ginawa mo doon?" Tanong ko sa kanya.

Bigla namang namula ang lukaret, "Anong ako? S-Siya kaya ang may ginawa." Sabi niya at iniwan din kaming dalawa ni Becca.

So weird. Tiningnan ko si Becca if ganoon din ang reaksyon niya pero may nang-aasar siyang ngiti sa labi habang nakatingin sa papalayong Chanel. Ako lang ba ang walang alam dito?

"What?" She asked me when she noticed the stare I'm giving her.

"What was that?" I asked.

She shrugged then lifted the bucket. She locked arms with me then forced me to walk.

"Gumawa ata sila ng The Princess and the Frog Adaptation." Sabi niya at natawa ulit.

Buong paglalakad namin napuno ng paminsang-minsang tawa niya at pag-o-overthink ko. What did she meant by that?




"Hindi ako nag-iinarte o ano pero bakit dito?" bulong ni Chanel habang papaupo kami.

Crowded ang karenderya at ang masaklap puro kalalakihan ang laman. Hindi naman sa pagiging mapanghusga pero kasi ang lalaki kasi ng mga katawan nila, puno pa ng tattoo.

"Hindi naman kasi ganito kanina, eh." Pagra-rason ni Kang habang sinisipat ang mga kasabay namin dito.

Inabot pa ng ilang minuto ang pagtitig ng mga kasama ko sa katabing table namin kaya naisipan kong pumalakpak para makuha ko atensyon nila, "Hindi ba kayo nagugutom?" tanong ko.

I don't careTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon