Chapter 16: Alone Together

23 1 0
                                    


Erin's POV

"May somewhere peaceful ka pang nalalaman, uuwi lang pala tayo."

Even with my head being covered by my pillow, rinig ko pa rin ang tawa niya sa sinabi ko. Akala ko talaga kasi na malayo sa lugar namin ang somewhere peaceful na 'yan, sa bahay lang din pala ang pupuntahan namin.

"Eh peaceful naman dito, ah?" she said 

I just waved my hand as an answer. Hindi ko alam kung saan na siya nagpunta. Hindi na rin ako nag-abala dahil inaantok na rin ako. Kakapagod kayang magdrama. After some time, nilamon na rin ako ng antok. 






Issaprank lang pala tulog ko. Hindi pa nga nag-ilang minuto ang pagpikit ko nang ako'y gisingin.

"Erin? Hey, bangon ka muna..." 

Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman sa paraan ng pagkakasabi niya noon. There was tenderness and a hint of sweetnees in it that I'm having a hard time understanding how my heart reacted to it.

"Bakit?" bulong ko at pilit siyang inaaninag.

"Magpalit ka kaya muna? Para dire-diretso na tulog mo." suhestiyon niya.

Pumayag na lang din ako dahil hindi ko gusto 'yong nararamdaman ko habang nakatingin sa maganda niyang mukha at sa malumanay niyang boses. Putangina baka nga sa ininom ko 'to. 

Mabilis kong kinuha ang towel ko sa kanya. Hindi ko na siya tiningnan muli mula sa pagkuha ng mga damit ko hanggang sa nakalabas na nga ako ng kwarto papuntang kubeta. 

Pinilit kong patagalin ang ginagawa ko sa cr. Mismong pagbalot lang ng cast ko binagalan ko pa lalo. Hindi ko alam pero parang nahihiya na akong harapin siya. Basta hindi ko talaga alam!

Dahan-dahan akong lumabas ng banyo at tiningnan ang paligid. Ang tahimik at nakapatay pa rin ang ilaw so wala siya dito. Baka nasa taas pa rin siya. Nakahinga naman ako nang maluwag dahil sa naisip. Kalmado akong umakyat ng hagdan, dala-dala lahat ng ginamit ko. 

Nang makapasok sa kwarto nagtaka naman ako agad. "Nasaan kaya 'yon?" tanong ko sa sarili nang ako'y salubungin ng katahimikan sa kwarto. 

Nakahiga na ako't lahat at pagpikit na lang ng mata ang kailangan para makapagpahinga na rin pero binabagabag ako ng katotohanang wala akong katabi at parang gumagalaw na naman ang cabinet sa kwarto. Putangina. 

Hindi ko na kinaya at pinilit ang sarili na humiwalay sa kama. Pagkatayo ko, mabilisan kong linisan ang kwarto. Putangina talaga ng cabinet na 'yon, iba talaga ang nararamdaman ko doon, eh. 

Naubos ang ilang minutong paghahanap at hindi ko makita ang nag-iisang taong kasama ko sa bahay. Hindi ko nga rin alam kung bakit hindi pa umuuwi si Kang, isa rin 'yan sa rason kung bakit gusto ko nang mahanap si Becca. 

Nang makarating sa kusina at hindi ko pa rin siya makita, napatampal ako sa noo nang maalala na may isang kwarto pa pala akong hindi sinilip. 'Yong nag-iisang kwarto na may balcony. Dahil doon, dali-dali kong linisan ang kusina at umakyat ng hagdan. 

Huminga ako nang malalim at binuksan ang pintuan. Hindi nga ako nagkakamali, nandito nga siya. Walang hiya. Ako na halos mangisay na sa takot dahil nag-iisa lang ako tapos ang babaeng 'to chill-chill lang na umiinom ng juice. 

"Hindi ka pa ba matutulog?" tanong ko. 

Imbis na magulat ay napatingin lang si Becca sa akin sabay ngiti. "Took you long enough." 

I don't careTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon