CONTENT/TRIGGER WARNING: Contains descriptive information about abuse. Please engage in self-care while reading this chapter, as this could trigger readers with similar experiences.
Erin's POV
"What? No...I-I actually find it c-cute." I stuttered.
I settled in front of her at tumusok sa kasalukuyang kinakain namin.
"You don't find it weird or something?" Nababahala niyang tanong.
Kanina pa siya tanong nang tanong sa akin if na-weirduhan or napangitan ako sa tattoo niya at ilang ulit na rin ako sumasagot ng hindi. In all honesty, if she was a stranger, a different person, I would think that it was impulsive and childish to have an Olaf tattoo. Pero knowing Rebecca, I think there's a reason behind it, other than having Olaf as her favorite frictional character.
Medyo humupa naman ang bothered look niya. Nagsimula na rin siyang kumain ng street food nang maayos. Hindi ko talaga alam kung bakit parang ang importante ng opinyon ko sa tattoo niya. Parang tatanggalin ko naman 'yan if ever hindi ko nagustuhan. Katawan naman niya 'yan, her body, her choice. Wala akong say sa mga bagay na iyan dahil hindi ako si Rebecca. Ang kay Rebecca ay para kay Rebecca.
Tumahimik naman siya after kaya naisipan ko na lang tingnan ang mga dumadaang tao sa harapan namin. Actually, nasa plaza kami ngayon. Hindi naman gaano kalayo sa bahay. Kung malayo man, hindi kami pupunta dito lalo na't hindi pa nakabalik si Kang at hindi namin ipinaalam sa kanya na kakain kami ng street food dito sa public plaza.
I snapped my fingers when I remembered something.
"Becca, busy ka bukas?" Tanong ko.
Wednesday kasi bukas, parang rest day ng buong school kaya balak kong ayain siyang gumawa ng scrapbook para sa MMW subject namin.
Kumunot-noo siya bago itinapon ang ginamit niyang pang-tusok sa kwek kwek.
"N-Not entirely the whole day." Saad niya.
So...busy nga siya.
"Ah, school works?" Kaswal kong tanong habang shine-shake ang hawak kong palamig.
Natigil ako sa ginagawa ko nang sabihin niya ang ikaka-busy niya bukas.
"A-Ahmm I have p-plans with Christian." She reasoned out.
Busy nga. Busy kay Christian.
I scrunched my nose then squinted my eyes. Not specifically at her kasi baka sabihin niya may problema ako sa manliligaw niya.... which is totoo naman.
Tumango-tango na lang ako at ngumiti ng tipid.
"Why? Do you need help on something?" tanong niya, looking so curious kung bakit tinanong ko siya kung busy siya.
Umayos ako nang upo at umiling sa kaniya. Nawalan na ako nang gana.
"Wala naman. J-Just asking." Sabi ko na lang.
Hindi na rin niya ako pinilit magkwento at piniling tumango na lang.
Nag-adventure ata utak ko habang kumakain kami at nagkwe-kwento siya tungkol sa paparating na Foundation Day ng school. Ang host daw ay ang college department nila kaya nastre-stress siya dahil less than a month na lang iyon. Medyo madaya nga rin iyon dahil konti lang silang mga estudyante under that newly established department, ang laking event kaya ng foundation day kahit na sabihin pa na may asisstance sila ng mga teacher at ng SSC.
BINABASA MO ANG
I don't care
RomanceAfter getting her heart broken by her boyfriend who chose his family over her, Erin decided to runaway from everything. She wants to runaway from her coward boyfriend. She wants to runaway from her stupid boyfriend's awful and pretending family. She...