Erin's POV"Hoy, gaga. Pang-ilang baso mo na 'yan?"
"Ay required bang magbilang?"
Inakbayan ko na lang si Chanel para manahimik siya.
Okay, alam kong makapal ang mukha kong uminom kahit low ang alcohol tolerance ko. Pero hayaan mo na.
Chanel could only give me a weird look at inilayo sa akin ang bote ng alak.
"Mare, last mo na 'yan. Baka sa hospital na ako manirahan kapag nalaman ni Kang. Ibinilin ka ba naman niya sa amin."
"Parang tanga, Chanel. Mukha ba akong lashing?" I said.
"Tangina mo, girl. Manalamin ka nga! Mukha ba ng hindi lasing 'yan?" Sabi niya at halos i-ngudngod sa mukha ko 'yung maliit na salamin na dala niya.
"Magandang lashing," I said then laughed my ass off. Chanel could only shake her head.
"Umayos ka, gaga. Baka bugbugin ako ng pinsan mo."
Dahil sa sinabi niya, nabigyan na naman ako ng lakas para tunggain ang bote ng alak.
"HOY!" Biglang sigaw niya dahil sa ginawa ko.
Kaunti lang nainom ko dahil magkamag-anak ata si Chanel at Flash. Hindi ko na pinakinggan lahat ng sermon niya at napatulala na lang saglit.
I am confused. As in confused. It's too soon pero bakit ganito? We even barely knew each other. Ni wala pa ngang isang buwan na magkakilala kami tapos ganito?!
"Oy, anong nangyari diyan?" Tanong ni Karli na kakarating lang. Umorder kasi siya ng makakain namin.
Wala ang dalawang kasama sana namin dahil may sinamahang unggoy sa clinic. Na-aksidente daw habang nagtre-training, ang lampa naman tch.
"Karliiiiiiii......" biglang sigaw ni Chanel.
Yumakap siya sa braso ni Karli at nagpapaawang tinuro ako, "Iyan! Naglalasing na, oh."
Hindi ko alam kung lashing na ba talaga ako at niloloko na ako ng mga mata ko pero......why is Karli looking at Chanel like that? She has a weird look on her face while looking at the woman holding her arm.
"Diba?!"
Nabalik ako sa ulirat dahil sa sigaw ni Chanel. Ang ingay naman ng babaeng 'to.
Karli cleared her throat then removed Chanel's hold on her. She silently went on my way and held my shoulder. "Okay ka lang? Ilang kilo ka ba? Baka kaladkarin ka na lang namin dahil hindi namin kayang buhatin ka."
"Wow, ha? Pagkatapos ng lahat?" madamdaming sabi ko sa kanya. Mas bumigat pakiramdam ko at parang gusto nang umiyak.
Bigla naman silang nataranta simula nang makaramdam ako ng pamamasa sa mukha ko. Hindi na ako nagtataka sa pagiging emosyonal ko dahil nagiging ganito talaga ako kapag nakainom. Kaya ayaw na ayaw ni Kang na umiinom ako dahil dito, magagalit sigurado 'yon kapag nalaman niya ang ginagawa namin ngayon.
"H-Hala! Huwag ka nang umiyak, E-Erin. Pumapangit ka lalo, eh." Mas lalo naman akong naiyak sa sinabi niya. Yumuyugyog na ang balikat ko sa tindi ng iyak ko ngayon.
"S-Siguro nga. Kaya kaiwan-iwan ako." sabi ko sabay hagulgol.
Nang punasan ko ang mukha ko gamit ang mga palad ko, nakita ko pa kung paano hampasin ni Karli si Chanel. Baka sinisisi siya kung bakit ako ganito umiyak ngayon. Hindi naman niya kasalanan. Pinilit kong hindi malungkot o umiyak simula noong nalaman kong may nagsusumbong kay Riri. Ayokong pag-alalahanin ang babaeng 'yon. Ang dami na niyang problema, dadagdag lang ako.
BINABASA MO ANG
I don't care
RomantikAfter getting her heart broken by her boyfriend who chose his family over her, Erin decided to runaway from everything. She wants to runaway from her coward boyfriend. She wants to runaway from her stupid boyfriend's awful and pretending family. She...