Hay...
"Pang-sampu mo na 'yan ngayong araw." Karli commented.
Nakapangalumbaba na tumingin sakin si Chanel at curious na nagtanong sakin, "Anong problema natin, pare?" tanong niya.
I rolled my eyes at her.
"Wow, ha. Kung hindi ka man bumubuntong hininga ngayong araw, nagtataray ka naman. May menstruation ka ba?" Parang natatawa na ewan na komento ni Chanel.
Hay...
Nasa canteen kaming tatlo ngayon. Yes, kaming tatlo lang. Si Kang nagpaalam kanina na may gagawin siya. Iyon din rason ni Rebecca. Naniniwala ako kay Kang kasi ilang araw na 'yan nagrereklamo sa tambak niyang gawain pero yung kay Rebecca? Ewan.
Simula noong usapan namin doon sa balcony, parang naiilang na siya sa'kin. Parang hirap na rin siya makatingin sa akin. Dahil sa mga sinabi ko noong gabing yun, para akong others kung itrato niya. Ang tanga ko naman kasi. Ang sama na nga ng loob niya sa'kin tapos babanatan ko siya ng ganoon, parang gago.
"Wala akong menstruation pero kumukulo dugo ko sayo." Sabi ko at inirapan na naman siya.
Natawa lang sila sa inasal ko. Kung hindi mga sira ulo 'tong mga kaibigan ko baka matagal na akong walang kasama sa canteen.
"Ano ba kasi nangyari? Napapansin ko kasi na parang strangers niyo itrato ang isa't isa."
Bumalik ako sa kakahalo ng rice at corned beef, wala talaga akong gana. Sorry, Aling Luz.
"Sino naman 'yan? Sa pagkakaalam ko, wala naman akong kaaway." Walang gana kong sagot.
Halos mapatalon ako sa kinauupuan ko nang hampasin bigla ni Chanel yung mesa. Anak ng pork chop!
"Sus! Pa-keme ka pa diyan, alam ko naman na alam mo yung tinutukoy namin dito."
Bago ko pa siya mairapan ulit, inunahan na niya ako.
"Akala mo, ah! Sumusobra ka na." Nakakunot-noo niyang singhal sa'kin.
Iirapan ko na sana siya pero dinuro niya ako gamit ang hawak niyang chopsticks.
"Isa pa, Erin. Sinasabi ko sayo, papasok ka sa next subject na bulag."
"As if naman may pasok ngayon." Sabi ko then proceeded to roll my eyes at her.
Today is the last day of the preparations para sa event at malapit na rin ako matapos sa ginagawa ko. Wala nga akong balak maglunch ngayon kasi gusto ko na talagang makalabas at makaiwas sa lugar kung saan ginagawa yung mga designs and shit. I feel like crap seeing her talk to everyone but me.
I don't know if it was the confession that made this awkward mess or dahil Kang interrupted our talk. Pagkatapos ko kasi sabihin na gusto ko siya, Kang came flying to the balcony.
Pinababantayan yung niluto niya dahil jebs na jebs na siya.
Kaya masasabi ko na may kasalanan din si Kang dahil I swear to God I saw the glare on Rebecca's face when she looked at him. And aside from me, pati si Kang hindi niya pinapansin. Nagfe-feeling idgaf na nga lang ako noong panay suyo kanina si Kang sa kanya. Not gonna lie, medyo nae-enjoy ko seeing her roll her eyes at him kanina sa bahay.
But then I feel like shit. At least sila may interaction. Putangina.
"Suyuin mo," Karli commented while eating her food.
Napatingin ako sa kanya when she said that. I've been hearing Chanel mumble shit kanina pa, and it kinda surprised me when Karli suddenly talked.
"What?"
BINABASA MO ANG
I don't care
Storie d'amoreAfter getting her heart broken by her boyfriend who chose his family over her, Erin decided to runaway from everything. She wants to runaway from her coward boyfriend. She wants to runaway from her stupid boyfriend's awful and pretending family. She...