Chapter 11 : Consequences

15 1 0
                                    


Erin's POV

"Tatlong Red Horse at 'yong San Mig Apple isang case."

"Luh, Ate naman! Hindi kami malalasing sa San Mig Apple!" reklamo ni Kang.

Kakauwi lang namin galing school at dumidilim na. Tapos na rin kami kumain ng dinner sa labas. Nilibre kami ni Kuya Enea at Kuya Andrew. Hindi gumastos sa amin si Riri dahil sagot daw niya inuman namin ngayon. Hindi ko alam kung bakit may inuman, may mga love life naman 'tong mga gurang na 'to.

Asawa ni Riri si Kuya Enea at si Kuya Andrew naman, may jowa raw 'yan pero ni anino noon hindi ko pa nakita. Riri is a friend of mine. She met me in a fucked up situation and got me away from it. Me being alive today is actually Riri's fault, she made me believe, again, that my life is still worth living and honestly, I don't know if I made the right decision but I am glad that I met her.

"Aba't sinisigawan mo ba ako? Gusto mo bang ma-try na mag-over night sa kulungan?" tanong niya kay Kang.

Oh, by the way, Riri is a detective, pati rin ang dalawang lalaking kasama niya ngayon. I know she's of high rank dahil minsan ko na siyang nakitang may mga kasamang mga pulis na panay Ma'am ang tawag sa kanya, this is what I meant with 'she's a busy person.'

"Ay hindi, ate. Joke joke lang naman," nakangiwing sabi ni Kang sabay tago sa likod ni Kuya Enea.

Natatawang pinigilan ni Kuya Enea ang asawa niya at inilayo kay Kang. Dumaan ang ilang segundo at naisipan nilang umalis na para bumili ng iinumin namin. Now, it's just me, Becca, Kang, and Riri.

"Kang...Erin..."

"Bakit?" tanong ko nang tawagin niya kami.

"Hanapin niyo nga 'yong basahan sa bag ko." Utos niya.

"Ha?" Nalilito kong saad. Basahan? Bakit siya may dalang basahan? Ang sabi niya sa akin aalis na raw agad sila bukas, pabalik Manila. I mean, tangina bakit siya may dala-dalang basahan?

"Kunin niyo na lang." Sabi niya at tinaasan kami ng kilay, well, more specifically at Kang.

Wala na akong nagawa nang hilahin ako ni Kang papalabas. Pero bago ako makalabas, nakita ko kung paano nginitian ni Riri si Becca. Okay, what the fuck?

"Stop," sabi ko sabay hablot sa kamay kong hawak kanina ng kasama ko.

Nalilito niya akong tiningnan at napailing. May kinuha siyang susi sa bulsa niya at binuksan ang kotse ni Riri.

"How did you get that?" I asked.

"Ano?" Tanong ni Kang habang hinahalughog ang bag ni Riri na nasa loob ng kotse.

"That key. Paanong na sayo 'yan? Wala namang binigay na susi sa atin si Riri kanina, ah." Sabi ko.

He may have found the fucking basahan o nagulat siya sinabi ko dahil he suddenly stopped moving.

"A-Ahmm a-alam mo namang napaka-bossy minsan ni Ate Marie diba? Pinahawak niya sa a-akin kanina!" He said.

His voice increased in volume while explaining, he can't maintain eye contact, and he is shuffling the bag pero halata namang hindi siya naghahanap. This idiot is lying to me.

I rolled my eyes at him, "If you want to lie, galingan mo naman dahil nakakainit ng ulo, eh." Sabi ko.

Ngumiwi lang si Kang at tipid na ngumiti sa akin. Inakbayan niya ako pagkatapos niyang i-lock ang kotse ni Riri, habang dala ang bag.

"Why are you bringing that?" I asked while we are walking back inside the house.

"Mahirap na. Hindi ko kasi talaga mahanap ang basahan."

I don't careTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon