Chapter 17: Kokak!

18 1 0
                                    

Erin's POV

"Hoy!"

Halos mabagsak ko ang dala kong lalagyan ng stick-o dahil sa panggugulat ni Chanel. Ilang beses na ba ako ginulat ng babae 'to this week?

"Oh bago mo ako bugahan, aalis na raw tayo sabi ni Kang."

Huminga na lang ako ng malalim at binitbit lahat ng dadalhin ko. Pupunta kasi kami sa isang hotspot place where we can catch frogs. Yeah, we're going to do some killing sa next activity namin sa school. I don't know why I chose this course despite my disgust to these type of animals pero anyways, this is not the first time I messed up in deciding.  Nasa dugo ko na ata 'yon.

"Alam kong maingay ako pero loyal ako." Biglang sabi ni Chanel kaya nawe-weirduhan ko siyang tiningnan. Pabigla-bigla naman ang babaeng 'to.

"Naka-shabu ka ba?" 

"Alam mo ang ganda mong kaibigan, eh." Napipikon niyang sabi.

I smirked then nudged her using my shoulder. "Tagal na."

Grabe yung tawa ko nang inirapan niya ako. Marunong pala mag-taray ang babaeng 'to. 

Mula sa pwesto namin, nakikita ko na ang iba naming kasama na nasa labas ng sasakyan naming jeep. Dapat nga mag-commute lang kami kaso baka makatakas yung mga dala namin, laking problema 'yon. Nag-offer naman si ano ng jeep, nirentahan niya raw. Ang yaman ata niya, siya kasi gumastos. Umayaw naman ako kaagad pero itong mga kasama ko pinigilan ako, huwag daw tanggihan ang grasya. Magpapatulong sana ako kay Kang na bayaran na lang namin kahit kalahati, pinigilan naman ako. Ang kapal din ng mukha ng lalakeng 'yon, hindi rin nahiya.  Akala ko magiging kakampi ko si Karli pero wala rin. Hindi ko alam anong binulong ni Chanel kaya pumayag ang babaeng 'yon. Mga traydor. Sa huli, wala rin akong nagawa.

"Pero seryoso, Erin. Maingay ako pero alam ko kung ano dapat ang sabihin at ang dapat ilibing habang buhay." Seryosong sabi ni Chanel. Napatigil naman ako doon dahil ngayon lang siya nagseryoso. So naubusan na siya ng pasensya sa pag-iinarte ko?

"C-Chanel..."

"Pero!" Sigaw niya bigla kaya muntikan ko na siyang mahampas, putanginang babaeng 'to.

Napatawa naman siya sa reaksyon kong 'yon, "Pero...nasa sayo pa rin kung sasabihin mo. Hindi kita pipilitin pero kung kailangan mo ng taong makakausap, andito ako, bukas ang tainga at sarado ang bibig."

Even with how those words affected me and with her oozing genuineness, nahampas ko pa rin siya. Mahina lang naman. 

"Aray ko naman, Erin!" Reklamo niya sabay himas sa braso. Sinamaan pa nga ako ng tingin. 

Nginitian ko na lang siya, inakbayan, at ipinagpatuloy ang paglalakad.

"Oo na. Ang panget mo talaga, Chanel." Sabi ko.

"Sus! Oo na lang. Kunwari parang hindi ka naiiyak ngayon." 

Bilang tugon, hinigpitan ko ang kapit sa leeg niya, sakto lang para masakal siya nang very very light. Ilang mura muna ang natanggap ko bago namin narating ang kalsada. 

"Tara na?" tanong ni Kang na nakasandal sa Jeep.

Ngumiti ako sa kanya bilang tugon at mahinang tinapik ang balikat ng sinasakal ko kanina. Kahit na umalis ako sa harapan nila, kita ko pa kung paano na-weirduhan ang pinsan ko. Eh sa good mood ako, anong magagawa niya? Medyo hindi naman masakit sa panga ngumiti minsan.

Unti-unting sumakay na silang lahat sa Jeep. Si Kang ang driver namin at kahit natatakot ako sa taong 'to kapag nakahawak sa manibela, titiisin ko na lang dahil simula't sapul kasama na ang driver sa inoffer ni Becca. Nahiya naman ako agad kaya pinilit ko si Kang na mag-drive. Humindi pa nga ang gago pero blinack-mail ko siya na ise-send ko sa babae niya sa ibang bansa ang baby photos niya noong maliit pa siya. Cute kaya niya with his brief and face covered with chocolate ice cream.

I don't careTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon